Chapter 31: Password

7.4K 152 4
                                        

Raven's POV

What? My kapatid siya??

"Wee. Maniwala" sabi ko at umupo sa higaan niya. Huwaw! Ang lambot

"Don't bealive me? Then don't" sabi niya at pabagsak na humiga sa kama. Kaya napa bounce kami pareho Waa. Bakit ang lambot

"Pahiga din ah" sabi ko at pabagsak ding humiga. Nakita ko namang biglang napamulat si JP

"Ano ba! Hindi ka ba nahihiya? Kababaeng tao" sabi niya at umusog papalayo saakin sa kama

"Problema mo?" irita kong sagot. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at aktong duduwal

"I think I'm gonna--" hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang tumakbo sa loob ng banyo

What? May something ba talaga sa niluto ng nanay ni JP? Bakit ako? Walang nararamdaman??

Huwahaha. I'm so lucky xD

Umayos ako ng higa ng may naramdaman akong something sa ilalim ng unan. Pagkuha ko

"Y-yung cellphone ko!"

Napatakip ako sa bibig ko baka dahil sa marinig to ni JP. Pagbukas ko..

"Luh! Bakit may password?" sabi ko. Peste

Naibalik ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ni JP ng biglang bumukas ang pinto ng banyo

"Anyare sayo?" takang tanong ko. Mukha siyang zombie dahil sa kung paano siya mag lakad. Hihiga na sana siya ng aktong duduwal ulit siya

"Oh, no--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng pumasok ulit siya sa banyo

Agad kong kiniha yung cellphone ko at tumayo. Baka meron pa siyang tinatago dito

Binuksan ko naman yung isang pinto na akala ko ay ang pinto para makapunta sa balcony or whatever. Nagulat nalang ako ng makita kong walk in closet ito

Napa 'Wow' naman ako at pumasok sa loob. Nakita ko ang mga polo niya nakasabit tas yung mga tshirt niya, sando, shorts, briefs---

"Ulalah" sabi ko at kinuha yung pula niyang pang ibaba. I ta try ko sana kung kasya ba iyon saakin o hindi ng bumukas ulit yung pinto ng banyo

Dahil sa gulat, naihagis ko sa kung saan yung brip niya at inipat sa pantalon yung cellphone ko

Nakita ko naman siya na basang basa ang mukha, na sa tingin ko ay nag hilamos siya

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya. Napatingin naman ako sa mga polo niya

"Sinusukat to. Tignan mo nga. Kasya ba?" nakangiti kong tanong. Nakita ko namang inikot niya yung mata niya

Nagulat nalang ako ng lumapit siya saakin ng sobra kaya kaharap ko na ngayon yung dibdib niya. Ganoon ba talaga siya katangkad para yung dibdib niya yung makaharap ko ngayon at hindi yung mukha niya?

Nagulat ulit ako ng bigla siyang tumingkayad kaya medyo napadikit yung mukha ko sa chest niya. Sht

"Oh? Anyare sayo?" tanong niya habang tinitingnan ako ulo hanggang paa. Nakita ko namang may hawak siyang towel at ipinunas niya sa mukha niya. Napatingin naman ako sa likod ko at tumingala

Ay. Kaya pala -_-

"W-wala" sabi ko at medyo lumayo sakanya ng may naapakan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit pero naramdamn kong may gulong iyon kaya na dulas ako. Napapikit nalang ako. Fvck

"Ahhh"

"Sht"

Pagkamulat ko nang mata ko, ang una kong nakita ay ang mukha niya. Nilibot ko naman ang paligid at nakita kong sinalo niya ako

Ang Girlfriend kong TomboyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon