Chapter 56: WOW MAGIC!

5.8K 133 6
                                    

"B-bakit?" Binaba niya ang telepono at mariing pumikit. Mahina siyang nagmura

"N-nilaglag nila ang anak ni M-melody" nanlaki ang mata ko

"ANO?!" gulat na gulat talaga ako pero nalungkot din ako para sakanya..

"P-paano? Bakit? O-ok ka lang ba?" Sabi ko at tinignan siya ng mabuti

"Oo. Ok lang ako p-pero--"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng mag siingayan ulit ang sasakyan sa likod. Napahilamos sa mukha si JP at pinaandar uli ang sasakyan

Mabilis. Mabilis ang pagmamaneho niya. Mukhang nag mamadali..

Tumigil kami sa harap ng mansion nila. Nilingon niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay

"Ashley.."

"Wala akong anak. Hindi ko anak yung pinalaglag nila. Ayaw ko kay Melody" mahinahon niyang sabi. Tumango tango lang ako at hinintay siyang magsalita ulit

"Ngayon" nilingon niya yung mansion nila "Nandito lahat ng pamilya k-ko. Pati narin sila Michael dahil siya yung tumawag saakin kanina.. Nandoon din ang pamilya ni Melody. Hindi ko alam kung bakit sila nandito kaya kinakabahan ako. P-pwede mo ba akong samahan.. and.." napakagat labi siya at tinignan ako diretso sa mata "Be my p-pretend girlfriend again?"

Napakurap kurap muna ako bago pinasok lahat lahat ng sinabi niya saakin. Nanlaki ang mata ko

"ANO?!"

"Anong gagawin ko doon? Tsaka.. shet lang nandoon si Melody? Baka sugurin ako nun! Tas.. JP! Kinakabahan ako!" Sabi ko at inalog siya

"Anak ng.. mas kinakabahan ka pa kaysa sakin eh!"

"But" nilingon ko siya "Why do I have to pretend to be your girlfriend?! You really want me and melody to fight huh?!" Sabi ko at pinagsasapak ang braso niya

"No! Ano kaba? I need you! I need you there! Hindi pa ba sapat ang rason ko?" Nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko ang pamumula ng pisnge ko. Buti pala madilim na

"Bakit mo ako kailangan dun? Bakit ko kailangan mag panggap?" sabi ko at nag iwas ng tingin

"Eh kasi naman eh! Sagutin mo na ako!" Sabi niya at nagcross arms. Napakunot ang noo ko

"Luh! Nakakaisang date palang kaya tayo--"

"Correction dalawa na po, sabi ni author"

"Tss"

Nauna na akong bumaba. Badtrip eh. Ewan ko ba. Hindi ako mapakali

Sumunod siya at hinatak ang bewang ko. Tuluyan na kaming pumasok..

"Anak" masayang sabi ni tita Jannah, lumapit at yumakap siya kay JP. Nagulat nalang din ako ng yakapin din ako ni Tita. Sinensiyahan niya kaming sumunod at umupo sa sopa

Nakita ko doon sila Sir. Kyle, Ms. Jennie, Tita Aleli, Tito Joaquin, at Michael, kasama nadin si Tita Jannah. Pero ang mas nakakuha ng atention ko ay si.. Ang mama ni Melody..

"D-dad. Ano--"

"Paolo. Let Mrs. Dela Rosa speak first"

"Ahm. First of all. I want to say s-sorry dahil sa.. sa ginawa ng anak ko. P-pinalaglag ko na ang anak niya.. I-i sent my daughter to Europe para hindi na siya makagulo sainyo. At sa asawa ko naman.. ay s-sa mental--" himikbi siya. Napasinghap naman ang lahat sa sinabi niya at nag tanong kung bakit sa mental

"Kasi.. nung malaman niyang p-pinalaglag ko ang anak nila, nagdabog siya at g-ginawa ito saakin"

Tinanggal niya ang scarf, jacket at sunglasses niya. Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang mga pasa at kalmot niya sa braso, ang bakat ng kamay sa leeg niya a-at ang blackeye niya..

"N-nabaliw siya. Sinaktan niya din ang mga maid namin, a-ang isa ay patay na.." napakuyom ang kamo ko. Napaka walang hiya..

Kanina kasi habang nag da drive siya kinuwento niya na lahat ng nangyari nung Chapter 53: The Truth

"Ay. Walang hiya pala yung pinakasalan mo eh!" -Tita Aleli at napatayo. Sinamaan siya ng tingin ni Ms. Jennie

"Nako kawawa ka naman" -Tita Jannah. Nagpunas ng luha si Mrs. Dela Rosa

"No. Please. Huwag nyo ako kaawaan. Gusto ko lang naman na mapatawad nyo lahat ng nagawa ng pamilya ko sainyo.. mas lalo na sayo Paolo"

"Sorry d-dahil kay Melody. Lahat ng ginawa niya sayo, sorry.. siguro naman alam mo na nag pa plastic surgery lang siya at binago ang pangalan? H-her real name is N-nicole Jenny Dela Rosa. Ang s-sabi niya k-kaya daw siya nag surgery ay p-para daw magustohan mo siya.."

Nagulat ako. Plastic surgery? Pft. Siguro pangit siya kaya hindi siya nagustohan ni JP. Bwahahahaha

"E-eto ang picture niya. Ang huling picture n-niya bago.. bago mag pa surgery" sabi niya at binigay ang litrato kay JP

Nakitingin naman din ako..

Nanlaki mata ko. Maganda siya, ibang iba sa melody na nakilala ko..

Pero nagtaka parin ako. Maganda naman siya noon eh. Bakit kailangan niya pa mag pa surgery? Tss sinasayang lang ang pera

Hanggang sa makaalis na si Mrs. Dela Rosa hindi ko parin malaman ang sagot. Tss

"I think.. this will be the happy ending for the both of you?" Sabi ni Ms. Jennie at maliit na ngumiti

"P-po?" -ako

"Ah.Wait. Ibabalik ko na yung.." -Ms Jennie at hinalungkat ang bag niya

"Nasaan na yun?"

"Nandito po saakin tita. Hehe" napatingin ako kay JP ng may kinuha siya sa bulsa niya. Nagulat ako ng makita ang cellphone ko sakanya

"H-how did you--" -Ms Jennie

"S-sorry po. Gusto ko kasi ako ang mag bigay eh" sabi niya sabay ngumiti. Binigay niya na ang cp ko sakin. Nginitian ko siya

"Ah tama na nga yan.. Ashley, alam na ba ng parents mo na may boyfriend ka na? Pwede ba namin silang makita?" Nanlaki mata ko. Tinignan ko si JP na napangiti ng malapad

"A-ah. Now that melody is gone.. I think its time to tell the truth" nag katinginan lahat ng parents pero ngumiti lang si Michael

Pagkatapos ikwento ni JP ang tungkol sa pagpapanggap namin. Bigla silang nagalit. Napalunok ako

"B-but Mom. I learned my lesson. I won't do it again. Promice--" hindi niya natapos abg sasabihin niya ng batukan siya ni Sir. Kyle

"Dad naman. M-may bisita tayo oh" sabi ni JP na tinutukoy ako

"I know. Gusto ko lang talaga ihampas ito sayo" sabi ni sir at pinakit ang nakakuyom na kamao. Napatikom naman siya ng bibig

"I know I did wrong. Im sorry! Pero promice talaga, hindi na talaga mauulit" at pinakita ang palad niyang nakataas na parang nanunumpa

"Kasi meron naaa siyaa~" pakantang sabi ni tita Aleli

"Mom naman" -Michael

"Ahh. Ashley.. totoo bang nililigawan ka ng pamangkin ko?" Tumango ako kay Ms Jennie

"Aba bat hindi mo pa sinasagot? Papatagalin pa eh alam namang sa huli ay magpapakasal parin" pailing iling na sabi ni Ms Jennie. Namula ako

Paano napunta ang usapan sa kasalan?? WOW NAG RHYME!

WOW MAGIC

-
A/N:

Bwahahahahahaha. Yung title po ng part na to ay trip trip ko lang. Bwahahahahaha. Wala kasi akong maisip na title eh~

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon