Raven's POV
Nandito na kami ngayon sa kusina nila Michael, kumakain
The adults talking, laughing and many more habang kaming mga teen tahimik lang na kumakain dito. Tsk
Nasa kanan ko si JP habang si Michael sa kaliwa. Si lexi naman ay katabi si Tita Den at yung jacob. Mag kaharap kami ni lexi na hindi ko pa nakikitang sumulyap kay Michael simula ng mangyari ang hindi inaasahang mangyari
Eto namang katabi ko, panay sulyap sakanya. Tss
Nang matapos kumain. Pumunta ang lahat sa living room para maituloy ang kwentuha nila. Katabi ko ngayon si JP tas lexi. Katabi naman ni JP si Michael
Pasimple kong hinawakan ang braso ni JP kaya napatingin siya saakin. Sinensiyahan ko siyang tumayo pero ang gago, hindi na intindihan. Tsk
Kinurot ko siya sa tagiliran niya
"Ah sh--" sabi niya sabay tayo. Tumayo din ako at nginitian ang mga nakatatanda na napatingin saamin at hinila somewhere over the rainbow
"Ugh. What was that for?" Nakangiwi niyang sabi habang hinihimas ang tagiliran. Napailing nalang ako at sinilip sila lexi
"Tsk. Kinurot mo ako at hinila para lang masilipan yang.. yang.. tsk" sinamaan ko siya ng tingin kaya ganon din ang ginawa niya. Nag titigan kami ng mga ilang minuto. Tinaasan ko siya ng kilay at ngmiti ng makitang napapikit siya. Naiiling akong sumilip sa dalawa
Wala parin nag bago sa posisyon nila. Napasimangot ako
Bakit kasi biglaan? Bakit yung tito pa nila Michael? Okey na sana sila eh
Nakita kong umalis si lexi doon kaya sinundan siya ni Michael. Susundan ko na sana sila ng hawakin ni JP ang braso ko. Kinunotan ko siya ng noo
"Ashley. They need privacy. Huwag mo na silang pakelaman" seryoso niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa pader
"Paolo!" Rinig kong tawag ni Tita Jannah kay JP
Pumunta na ulit kami sa sala at naupo
"Hinintay talaga namin ang araw na ito para lahat kami ay makapagtanong din sainyo" sabi ni Tita Jannah
"This is just a Q and A. Huwag kang matakot" seryosomg sabi ni Ms Jennie. Napaupo naman ako ng maayos
"Paano kayo nag kakilala?"
Pft! This is easy! Nasagot na namin yan noon!
Sasagot na sana ako ng mag salita si Tita
"Ano ba naman yan Jen! Natanong ko na yan sakanya noon eh. Iba nalang" Medyo na karamdam naman ako ng kaba. Iba? Isang beses lang ako natanong noon! Hindi ako handa. Bwisit!
Nag katinginan muna kami ni JP. Tinangoan niya ako na parang sinasabing 'kaya mo yan. Nandito lang ako para tulungan ka sa mga katangahan mo' napairap naman ako. Tsk
Pero nagulat ako ng gumapang ang kanyang mga palad saakin. Pinisil pisil niya ang kamay ko kaya medyo nawala ang kaba ko
"Ayieh. Swet nemen" kinikilig na sabi ni Tita Aleli at pinalo palo ang asawa
"Tss. Paano naging kayo?" Nagkatinginan nanaman kami ni JP
"Really. For me kasi.. parang imposible eh. Kakakilala nyo lang tas biglang naging kayo? Pwede ba yun?"
"Pft. Ano ka ba! Oo naman! Everything is possible when it comes to love" sabi ni Tita Jannah. Sinamaan naman siya ni Ms Jennie ng tingin
"Tumahimik ka nga. Hindi ikaw ang tinatanong ko" Napasimangot naman si Tita Jannah
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Fiksi RemajaLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
