Third Person's POV
Pagkatapos kumain nila raven agad na pumunta na sila sa klase nila. Pag pasok nila sa loob lahat ng kaklase nila ay nakakalat at nag iingayan. Wala pa ang next teacher nila na si Richard
"Lexi, may tubig ka?"tanong ni raven kay lexi. Napatingin naman si lexi sa kanya na nasa likod niya lang. Tumango naman siya
"Kunin mo sa bag ko"sabi ni lexi at umayos na nang upo
Kinuha naman ni raven ang tubig na tinuro ni lexi
"Hoy! Wag mo dikit yung bibig mo ha!"pahabol na sabi ni lexi. Pero hindi na sumagot si raven
Binuksan na niya ang bote at sinimulan nang uminom
Nahihirapan siyang uminom sa bote ng hindi dinidikit ang bibig kaya tapon tapon siyang umiinom sa bote kaya na babasa ng kaunti ang blouse niya. Pero hindi niya iyon pinansin dahil sa uhaw na uhaw na siya
Mga ilang segundo,pumasok na sila JP at Michael. Dahil sa may sariling mundo si michael, hindi niya na nasundan si JP na pumunta na sa upuan niya
Nang makaupo na siya agad na nadako ang kanyang mga mata kay raven..Hindi.. sa basang blouse niya na medyo bakat ang hinaharap niya. Pinagmasdan niya naman si Raven na pinupunasan ang kanyang baba na basa at ang kanyang mapupulang labi
"Tsk. Ang hirap naman!"bulong ni raven sa kanyang sarili pero dahil sa matalas ang pandinig ni JP agad na napatingin ulit siya sa medyo basa pang labi ni raven. Napalunok naman siya
Mga ilang minuto niya nang minumura ang kanyang sarili dahil sa inasta niya ng makita niya ang hindi niya dapat nakita ng dalaga at ang medyong basa nitong labi
Nakita naman ni JP na iinom ulit si raven ng tubig kaya agad niyang kinuha yung bagong bili niyang tubig kanina. Hindi niya pa yan iniinuman
"Shit! Don't you dare drink that water again"sabi ni JP ng makuha niya kay raven ang bote at ipinalit ang bagong bili niyang tubig
"Hala! Hindi pa ako tapos uminom!"sigaw ni raven. Hindi niya manlang namalayan na may ibinigay si JP sakanyang bagong biling bote. Naka focus lang kasi ito sa bote ni lexi
"Tsk! May binigay na nga ako eh!"sigaw ni JP sakanya. Napakunot naman ang noo ni raven
"Wee? Nasaan pala?"sabi ni raven habang may pahand gestures pa. Tiningnan naman ni JP ang kaliwang kamay ni raven kaya napatingin din si raven doon
"Luh! Paano to napunta diyan?"tanong niya sa sasarili niya. Tinitigan niya lang ang boteng hawak niya ngayon
Ngayon niya lang na realize na simula ng mangyari yun ay nakapag usap narin sila
"W-wag na! Kadiri! Sayo yan eh!"sabi ni raven sakanya habang pilit na pinapahawak niya sakanya ang bote
"Don't worry, hindi ko pa naman yan naiinuman eh"JP said then smirked
"Tsaka, kakabili ko lang niyan"sabi ni JP at umayos na nang upo dahil nandiyan na yung teacher nila
Patago namang bumalik sa upuan si michael. Hindi niya kasi namalayan nanadiyan na ang guro nila, kundi dahil sa bag ni Kim na nakaharang sa daanan baka kanina pa siya pinagtatawanan ng mga kaklase niya dahil sa tulala siya at nakatayo lang
Palihim naman niyang tiningnan si lexi na nakatungo lang, na sa tingin niya ay natutulog. Sayang lang dahil hindi niya nakikita ang mukha nito. Huli niyang makita ito ng madapa siya at natanggal ang sout nitong hoody
Kasalanan ito nang baklang roy na yon eh! Kung ginupitan niya lang ang buhok ni lexi edi magiging maayos na ang lahat. Baka nga mag kaibigan na sila ngayon eh
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Fiksi RemajaLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
