"Isa dalawa.."
Nagtago si JP sa likod ng puno ng magsimula na si Andre magbilang
"Tatlo apat.."
Naramdaman ni JP na naiihi siya habang nagtatago
"Lima anim.."
Habang hindi pa tapos sa pagbibilang, umihi muna siya sa puno na tinataguan niya
"Pito walo.."
Tila nagtirik ang kanyang mga mata habang ginagawa iyon..
"Waaah. Yuck! Yuck!" Sabi ng babae sabay takip sa mata
Napatingala si JP sa nagsalita. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa puno
Nagkatinginan ang dalawa ng masara na niya ang zipper niya
"Eww! Yuckk!!" Walang tigil ang babae. Si JP naman ay pulang pula at tumakbo sa ibang direction
"Huli ka balbon!" Sabi ni Andre ng mahuli siya
"Oh bakit ang pula mo? Anong nangyari?" Hindi nag salita si Jp at tinuro nalang ang punong tinaguan niya
"Bakit? May nanakit ba sayo? Tara, turo mo" sabay hila sa kapatid
Nang makarating na sila sa puno, hinanap ni JP ang batang babae kanina pero wala na siya
"Oh. Andre!"
Napalingon ang dalawa sa kasingtangkad lang ni Andre na lalaki. Napansin niya ang babae na nagtatago sa likod ng lalaki
"Alfred!" Nag apir ang dalawa saka tumawa
"Wala naman tayong homework hindi ba?" -Alfred
"S-siya! Siya ang nagpakita ng ano niya" sabay turo kay JP. Halos maiyak na si Raven ng sabihin niya iyon
"Huh?" Sabi ni Andre sabay tingin kay JP. Lumuhod siya
"P-pinakita mo sakanya yung.." sabay tingin sa ibaba ni Jp. Nagsimulang tumulo ang luha niya
"H-hndi ko pinakita! Umiiha l-lang ako tapos nakita ko siya na nakasampa sa p-puno!" Walang tigil ang pagpunas niya sa luha niya
Napangiti si Andre sa kakyutan ng kanyang kapatid kahit umiiyak ito. Niyakap niya si JP at tinapik tapik ang likod nito
Tumayo na si Andre at hinarap ang dalawa
"Sorry pre ah. Alam mo namang bata pa to eh" sabi ni Andre
"Hinde ok lang. Sanay narin naman to eh" natatawang sabi ni Alfred. Sinuntok suntok naman siya ni Raven
"Hindi kaya! Eww ka!"
"Aray! Ano ba.. pre eto nga pala pinsan ko si Ashley. Say hi, ashley"
"No!"
Tinignan ni JP si Ashley na nakahalukipkip. Kita niya ang pagtitig nito sa kapatid niya. Napasimangot si Jp. Ang gusto niya na siya lang ang tinitignan ng batang babae
"Haha. Pao! Ikaw nalang mag hi. Diba sabi ko dapat paglaki mo gentleman ka dapat sa mga girls?" Bumuntong hininga muna si Jp
"Hi, my name is Jamil Paolo DelGalego. Nice to meet you"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Teen FictionLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
