EDITED
Pagkatapos namin tumawa kanina tungkol doon sa nerd na nag jejebs.. hahaha Bayan! Pinaalala ko pa! Hayys.. ah basta pagkatapos non ay nag lakad lakad muna kami para pababain ang mga pinagkainan namin
Habang nag lalakad napansin namin ni lexi na wala nang tao
"Sige, sandali lang titignan ko lang ang orasan sa cellpho--" napatigil ako sa sasabihin ko kasi .. natandaan kong na kay Pao Pao ang cellphone ko.. Hayss I miss my phone so much
"Ha? Ano sinasabi mo? Cellphone ba? Oh sige anong oras na ba? Baka late na tayo eh" sabi ni Lexi habang naglalakad parin
"Hayys na kay Pao Pao kasi yun cp ko, kinuha niya saakin eh. Huhu nasakanya cp ko" sabi ko sakanya
"Ha? Sino si Pao pao?" Tanong ni Lex
"Ha? Ah. Eh.. si ano.... si Jamil Paolo Del Galego" Sabi ko
"Ahh , bakit naman napunta sakanya cellphone mo?" Tanong ulit ni Lexi
"L-long story, ike-kwento ko na lang sayo mamaya" sabi ko. Tumango tango naman siya
"HayNakuu, sige na nga. Punta na nga lang tayo sa klase baka nga late na tayo " sabi ni lexi sabay buntong hininga
Pag bukas namin ng pinto wala pa ang titser
"Why are you both late ? Kanina pa nag sa-start ang klase wala pa rin kayo" Sabi ni pao pao. Ano banaman yan pagpasok na pagpasok siya agad ang makikita ko. Letche!
"Wala panaman si Ma'am ah, kaya okey lang na ma late"sabi
Ko. Lalalakad na sana ako palayo ng hawakan niya ako sa braso ko kaya napaharap ako sakanya
"Hindi porket wala pa si Ma'am pwede na kayo magpa late. Kami nga lahat dito maaga bumalik, para lang hindi ma dissapoint or magagalit ang titser. Tsk tsk tsk, pag ito umabot sa student counsil. Yari talaga kayo" sabi ni JP .
"Okey" sabi ko sabay hila sa braso ni lexi papunta sa upuan namin
~•Fast Forward•~
Ang last subject namin ngayon ay Math. Nahihirapan din ako sa Math , pero si lexi ang galing galing sa subject na iyon . Gusto ko sana mag paturo sakanya pero baka magsumbong ang dalawang Del Galego na nag kokopyahan kami. Kaya ang ginagawa ko nalang pag wala akong maisagot ay hinihintay na mag bell, alam kong hindi nila ito matatapos sagutan kasi mahihirap at madami dami rin itong sasagutin namin at pag wala pang nakakatapos saamin ay sinasabi nalang ni Ma'm Joan (ang teacher namin sa math) na bukas nalang namin ito iche - check , kaya may oras ako mag paturo kay lex
Haha AYOS!
"Hayyys, hirap naman nito" rinig kong bulong ni JP, kaya lihim akong na patingin sakanya
"Ha ! Mabulok ka sana kakaisip " sabi ko sa sarili ko
Nakita ko namang nilapit ni JP ang ulo niya sa ulo ni Michael na nakasandal sa upuan . Magkaharap lang kasi sina JP at Michael
" Michael, pwede pakopya ng sagot mo?" Rinig kong bulong ni JP kay Michael. Aba't, madaya yun ah
"Hmm. Sige. Basta paheram ako ng sasakyan mo ah. Kinuha kasi nila mom at dad ang sasakyan ko ng makita nilang may babae akong kasama sa kama .. alam mo na " Bulong na sabi ni Michael habang nakangiti ng malapad
Bayan kadiri! My virgin ears! Aishh. Nakita ko namang na patingin si lexi kay Michael sunod ay tumingin din siya saakin
Grabi naman , wala bang nakakarinig sakanila bukod saamin ni lexi?
"Hhhmm sige. Salamat tol "sabi ni JP
Nakita kong patagong binigay ni Michael ang notebook niya kay JP.
Tinignan ko ulit si lexi at nakita ko ring napatingin siya saakin .
Sabay naman kaming tumango at tumayo para makuha ang atensoyon ng iba .
"Is there a problem, Ms.Dela Mercid and Ms.Salazar?" Tanong saamin ni Ma'm Joan
Lahat ng kaklase namin ay napatingin maliban lang doon sa dalawang kumag na busing busy mag kopyahan
"Yes Ma'am, we do have a problem" sabi ko sabay turo sa dalawang kumag
Nakita naman ni Ma'am Joan ang kababalaghang ginagawa sa klase nya kaya bigla siyang napa tayo sa inuupuan niya at biglang hinampas ang table niya gamit ang kamay
Booggsshh!!
"Mr.Del Galegos?! What are you both doing?!" Sigaw ni Ma'm Joan dun sa dalwang kumag. Halatang gulat na gulat ang dalawa at hindi alam kung anong gagawin
Napatayo naman silang dalawa sa upuan nila
"A-ahm. Nothing ma'm W-we were just...we were just.. i mean. Kristian is just teaching me how to solve the problem. Thats all, why did you ask Ma'm?" Sabi ni JP. Psshh halata namang nag sisinungaling eh
"K-kaya nga M-ma'm , why do you ask ? Is there a problem?
B-bawal ko po ba turuan si Jamil ? " Painusenteng sabi ni Michael . Pu+ch4! Kailan to titigil?!
"Are you sure ? Hindi porket may kaunting labo ang aking mga mata ay hindi ko na makikita ang mga pinagagawa nyo jan. Tandaan nyo yan " sabi ni Ma'am Joan . Ala beastmode na si Ma'am haha
"Yes, Ma'am !" Sabi ni JP at Michael Haha takot ang lolo nyo haha
Tinignan muna kami ni Ma'm Joan at sunod doon na sa dalawang Del Galego .
Psh . Del Galego
"Okey, you may sit down"ayan! Ayan ang matatanggap ng mandadaya . Tsk tsk tsk
"JP, Natapos mo na ba?" Bulong na sabi ni Michael . Hala pinagsabihan na kayo hindi ba ?
Sige lang, ipagpatuloy nyo lang yan, tignan natin kung hindi ito aabot sa Student Counsil ... Buwahahahah! (Evil Grin)
"Ha? Ah. Eh hindi pa, sandali nalang, patapos na rin ako..mga ..hmmm 33 nalang sasagutan ko" sabi ni JP .
"Ha?! Bilisan mo bago pa tayo mahuli ulit ni Ma'am at tsaka hindi ko pa nasasagutan yun test 6, medyo mahirap kasi eh at yun test 3 nanghula lang ako doon hindi ko kasi gets eh" pabulong na sabi ni Michael pero narinig ko. Napatingin naman ako sakanila. Nakagat ko ang ibaba kong labi ng bigla naman sila napatingin saakin
Paktay! Nabuking!
"So, kaya pala nalaman ni Ma'am , kasi may nag sumbong. Tsk tsk tsk " napailing iling na sabi JP
Pinaikot ko lang ang mga mata ko at hindi na siya pinansin pa
A/N:
Nicknames po nila para walang malito
Hope you like it
Nicknames:
1.Jamil Paolo Del Gaelgo
-Jamil / Jam
-Paolo / Pao / Pao Pao
2.Kristian Michael Del Galego
-Kristian / Kris
-Michael / Mike
3.Raven Ashley Salazar
-Raven / Reyv
-Ashley / Ash
4.Lexi Noreen Dela Mercid
-Lexi / Lex
-Noreen
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Teen FictionLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
