______________________________________________________________________
Raven's POV
"Ma. San ka pupunta?" tanong ni JP kay Tita Jannah ng aktong lalabas siya. Nasa clinic parin kami eh
"Pupuntahan ko lang si Kyle para mapagusapan namin about canceling your marriage with--" hindi niya na tinuloy ng mapatingin siya sa direksyon ko
"Hehe. Tsaka, kakausapin ko rin si Kristian. Pinapauwi na kasi siya ng Tita Aleli mo eh" sabi ni Tita Jannah
"Tsaka.. Pinapunta ko na dito yung driver mo para makauwi ka na--"
"Ma--!"
"Sama ka na rin Ashley kila Paolo ah? At wag ka mag alala, na paalam na kita sa pinsan mo" sabini ni tita Jannah na ikinakunot ng noo ko. What?! Si kuya fred??
"Ma naman!"
"What? Diba gusto mo talaga umabsent--?"
"I Love you Ma!"
"I love you too--" pinutol ni JP ang sasabhin ni Tita
"Bye Ma!" sabi ni JP. Napasimangiot naman si Tita Jannah at lumabas na
Nang masigurado kong nakalayo na saamin si Tita Jannah, agad na tumayo ako sa kinakaupuan ko at
"KUYA FREEED!" Sigaw ko sa pangit niyang pangalan at sinabunutan ang buhok ko
"Babae. Ang ingay mo promice" sabi ni JP. Sinamaan ko naman siya ng tingin
Nakita kong kinuha ni JP yung binabasa kong libro kaya agad ko siyang sinigawan at inagaw sakanya yung libro at hinampas sa ulo niya
"Ugh. Nakakailan ka na ah!" sabi niya habang hinihimas yung ulo niya
"I know" sabi ko at pabagsak na umupo. Nakita kong sinamaan niya ako ng tingin kaya naman dinilaan ko siya. Ibubuka niya na sana yung bibig niya ng tinawag na kami ng driver nila
Naglalaakd kami ngayon sa may hallway ng makita ko yung isa sa mga kasamahan ni Music. Elrah ata pangalan niya. Nakita kong hawak hawak niya ulit ang telepono niya at sumandal sa pader na malapit sakanya
Naunang nag lalakad si JP at yung driver habang ako ay nasa likod nila
Tumigil ako sa pag lalakad at pasimpleng nag tago sa likod ng pader kung saan nakasandal si Elrah
Hindi ko alam kung bakit lagi akong na cocurious sakanya pag may kausap siya sa telepono
Basta. Hindi ko alam
"Bakit ang aga mo? Oo malapit na ako. Anong idadahilan ko? Tsk, sige na nga. Bababa ko na ah. Tss. Oo na! I love you too" sabi niya at ibinaba na ang tawag
Napatago naman ako sa likod ng pader ng nag simula na siyang mag lakad papasok sa office ni Sir Kyle.
Susundan ko na sana siya ng biglang may humawak ng braso ko kaya ni ready ko ulit ang kamao ko at lumingon sakanya
"Oh shit!" sabi niya at lumayo saakin at ginamit pang sheild yung braso niya
Ibinaba ko naman yung kamao ko at tinignan siya ulo haggang paa. Ibinaba niya narin ang braso niya at sinamaan ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya
"Tss tumigil ka nga! Bakit mo sinusundan si Elrah?" sabi niya. Nagulat naman ako ng mapasinghap siya at tinakpan yung bibig niya tas tinignan ako ulo hanggang paa
"What?!" irita kong tanong. Kung makatingin kasi akala mo may ginawa akong krimen
"A-are you really a-- never mind" sabi niya at nauna nang maglakad. Napakunot naman ang noo ko pero sumunod parin ako sakanya
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Roman pour AdolescentsLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...