Chapter 58: Happy Birthday 2

6.1K 138 20
                                        

Nilibot ng mata ko ang loob ng mansion nila. Maganda, madaming ilaw..

Sandaling hinanap ng mata ko ang may kaarawan pero iba ang nakakuha ng atention ko

"Ashley!"

"Oh. Mr. Michael and.. Ms. Lexi!"

"Oh. Andr-- S-sir Ryan!" natatawang sabi ni Michael at inakbayan si Sir Ryan

"Sir! Nasaan si ate Elrah.. ay!" -lexi

"Ate?" Tumawa ang tatlo. Napakunot naman ang noo ko. Matagal na nung makasama ko sila.. silang apat actually, kasama na si Elrah kaya outdated ako sakanila ngayon

"Haha. Nag Cr lang" -Sir Ryan

Tinignan ko siya ulo hanggang paa. Ngayon, wala na akong nararamdamang ilang o ano pagkasama ko siya, hindi ko alam kung paano. Dati halos magkamukha na kami ng sahig sa kakatungo ko pag nandiyan siya.. ngayon.. ay parang close na close kami. Yung parang matagal na kami mag kakilala..

Tinignan ko ang apat, kasama si Elrah ng tunahimik sila. Nakaupo na kaming lima sa isang bilog na table nasa harapan namin ang isang stage. Nasa labas kami ng bahay nila..

Nilingon ko kung saan sila nakatingin at nakita siya. Naka suot ng pangsusyal na kasuotan. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya..

Ngayon ko lang napansin na mas mukha siyang babae kaysa saakin. Natawa nalang ako sa isip ko

Tumigil siya sa harap naming lima. Kinagat niya ang ibabang labi na parang pinipigilan ang ngiti habang pinagmamasdan ang kabuoan ko

"Ahm. I see no gift"

Nawala ang ngiti ko at ngumuso. Tumayo ako at lumapit sakanya. Napaatras naman siya sa sobrang lapit ko sakanya

"Am I not enough?" kanguso kong sabi. Naamoy ko ang pabango niya at napansin niya iyon kaya hindi niya na napigilan ang pagngiti

"Wah! PDA! Doon nga kayo!"-Sir Ryan. Inikutan ni JP ng mata si Sir at hinila ako

"Ang ganda mo ngayon.." hindi parin kami tumitigil sa paglalakad ng sabihin niya yon. Napatungo ako saka kinagat ang labi para pigilan ang ngiti. Tumigil na kami sa paglalakad. Hinarap niya ako at inangat ang baba ko

"But.. I don't like your dress" sasagot pa sana ako ng magsalita ulit siya "It's too short and I don't like that"

"Tss. Eh hindi ito akin eh--"

"Hindi ako magtatagal. Later, mom will call me para sa speech ko mamaya at.. I have a suprise for you kaya.. don't act boyish on stage huh!?" Sabi niya saka pinisil ang ilong ko. Tinapik ko ang kamay niya

On stage?! STAGE?! pero..

"Langya talaga toh... hindi ba dapat ako ang mag susurprice sayo kasi birthday mo? Tsaka--"

"Lady's and Gentleman. I want to thank you all for comming to my son's birthday party.."

"Sorry gotta go. I Love you!" Saka siya tumakbo. Nanigas ako..

I Love you?! Shet! Hindi pa ako ready!

Mayamaya nakarinig ako ng mabagal na palakpak sa likod ko. Dahan dahan kong nilingon kung sino man ang gumawa non..

"M-melo.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Napalunok ako. Paano siya nakapasok dito? Napataas lahat ng buhok ko ng ngumiti siya

"I Love you? Hmm.. I never heard him say those 3 words.. to me" humina ang boses niya

Mariin akong pumikit at umatras ng isang beses

"Anong ginagawa mo dito?" sinubukan kong huwag mautal. Pinagpapawisan na ako ngayon

Ang Girlfriend kong TomboyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon