Isang taon na ang nakalipas simula ng umamin kami sa pamilya ni JP. Isang taon niya narin niya akong nililigawan kaya nagisip isip ako kung sasagutin ko na ba siya or sa birthday niya nalang na bukas na
"Hoy! Bawal sa may ubo yan" sabi niya sabay kuha saakin ng popcorn ko
"Luh! Popcorn yan! Hindi chocolate! Akin na ngayan!" Sabi ko. Sinubukan kong abutin ang popcorn sakanya pero tumayo siya at tinaas ang bowl of popcorn
"Abutin mo muna" pang asar niya. Inirapan ko siya
"Kuya Jepoy!!"
"Tss. Oo na, eto na! Kuya jepoy, binigay ko na sakanya yung popcorn. H-hindi mo na po kailangan lumapit" sabi niya. Binigay na niya aakin yung popcorn at padabog na umupo sa tabi ko
Nandito kami sa bahay ko. Binigyan nanaman ako ng flowers at chocolate. Pero dahil sa may ubo ako, kinuha na ng mga pinsan ko ang chocolate at nag tulungan sa paglamon non
Nanonood kami ngayon ng beauty and the beast, nakaupo sa sopa na nasa gitna. Sila tita't tito nasa trabaho kaya kaming mag pipinsan lang ang nandito
"Bwahahahaha. Takot ka pala kay Jepoy" -kuya Skylar
"Hahaha epic yung mukha eh!" Kuya Alfred at nag apir ang dalawa
"Ano ba. Huwag niyo ngang asarin si JP!" Sabi ni at Krystal at pinagsisiksik ang sarili sa tabi ni JP
"Bukas penge ulit chocolate ah" ate krystal. Tumango lang si JP saka umalis si ate krys
"Bunsooo. Pahinge ako popcorn~" sabi ni kuya clyde sabay upo sa isa pang sopa na nasa gilid. Tumango ako at binigyan siya
"Luh. Bakit ako hindi mo binibigayn?" Si JP at ngumuso. Napatawa nalang ako
"Eh kinuha mo popcorn ko eh" sabi ko at nanood ulit
"Oh JP! Nagluto ako ng popcorn para lang sayo!" Sabi ni ate Joy na papalapit saamin
Napanganga nalang ako sabay tingin sa bowl ko sa bowl niya. MAS MALAKI YUNG KANYA!
"Ate Joy naman eh! Bakit yung akin maliit eh yung kanya naman malaki!?"
"Eh hindi mo pa siya sinasagot eh!" Napanguso nalang ako
-
"Uy. Aalis na ako" naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko
"Hmm" sabi ko at nilabas ang paa sa sopa
"Huwag ka ngang bumukaka. Kababaeng tao"
"Ok"
"Uyy. Pansinin mo nga akooo"
"Hmm"
"Uyy! Birthday ko bukass!"
"Hmm"
Naramdaman ko ang katawan niya saakin. Binuhat niya ako hanggang sa makapasok kami sa kwarto ko
Agad kong hinanap si stitch ng makahiga na ako
"Uyy. Sabi ko aalis akoo" dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nakita siya nakanguso. Maliit akong ngumiti at dahan dahang bumangon
Nagkatitigan kami. Napangiti ako ng siya ang unang umiwas ng tingin. Parang nawala bigla ang antok ko kaya sinamahan ko na siya hanggang sa sasakyan niya. Nangunguna ako habang siya ay nakasunod..
"Oh sige na, pumasok ka na" sabi ko ng hindi pa siya pumapasok sa sasakyan niya
Tinignan niya lang ako, ganon din ako. Parang may gusto siyang sabihin. Bumuka ang bibig niya pero walang salita ang lumabas
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Teen FictionLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
