"BE.MY.GIRL"
Napanganga ako sa sinabi niya. Diretso lang ang tingin niya saakin
"At bakit naman ako magiging babae mo? Ayoko nga! Doon ka kay Melody! Ayoko sayo! Yuck!" Sabi ko at nag iwas ng tingin
Itong mga oras nato. Ramdam na ramdam ko talaga ang mga titig niya. Ewan ko lang kung anong nakain nito. Bumilis ang tibok ng puso ko
"And why not, bemygirl? Ayaw mo bang gawing official ang meron satin.. noon?" Nilingon ko siya na parang naging maamong tupa. Nagulat ako siyempre! Parang.. nagmamakaawa yung pagkakasabi niya eh. Guilty tuloy si aq
Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naghahanap pa ako ng tamanag sagot. Baka magalit eh
Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko tas hinarap sakanya
"Please don't.. avoid my gaze" nalukot ko ang paldang suot ko. Geez why your voice like that! So husky! Di ako sanay..
Pumikit ako at inalis ang pagkakahawak niya sa baba ko. Nahulog ang panga niya sa ginawa ko
"JP.. you know it's complicated. Buntis si Melody, at kailangan ka niya.. kailangan ka ng anak nyo" pinipigilan ko ang luha ko ngayon. Grabe, ano nangyayari saakin?
Nagigting ang panga niya. Nagulat ako sa pagtayo niya
"Pakibalot nalang. Babalik kami" sabi niya sabay hila saakin palabas sa resturant
"J-jp. Saan tayo pupunta?"
"Nood tayo sine" diretso niyang sabi at pinulupot ang kamay sa beywang ko
Medyo nasanay narin naman ako sa paghawak niya sa bewang ko. Ewan ko ba. Ang init ng palad niya eh..
Love ekek ang panapanood namin ngayon
Hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mga tao. Nilingon ko halos lahat ng tao na umiiyak. Pati siya nilingon ko eh. Nakaka apat na tissue na. Tss
Naramdaman niya naman ang titig ko kaya agad agad niyang tinago ang tissue box sa kung saan. Nakapatong ang ulo ko sa kamay ko kaya kitang kita ko na kinakabahan siya na nahuli ko siyang umiiyak. Napangiti nalang ako. Ang cute eh
"Grabe ang babaw mo!" Natatawang sabi ko sakanya ng makalabas na kami sa loob ng sinehan
"Luh! E-eh kasi naman yung lalake at babae.. at.. at.. Tss" -JP. Napatawa pa ako lalo
Ngayon naman ay inakbayan niya ako at inilapit sa katawan niya. Napataas lahat ng balahibo ko at tumigil sa kakatawa
"Oh. Bakit ngayon hindi ka na tumatawa? Tss lumapit ka lang ng ilang pulgada, ganyan ka na saakin. Hindi ko tuloy marinig ng malapitan ang tawa mo" bulong niya sa tainga ko. Nagtaasan naman ang balahibo ko. Hindi ko alam kung tatawa pa ba ako o aasarin siya dahil sa mga pinagsasabi niya. Humalukipkip nalang ulit ako
Maaga kami pinauwi kanina kaya mag te3 na ngayon
"K-kukunin na ba natin yung pagkain?" Tinignan niya ko at nginitian
"Meryenda nalang muna" sabi niya at hinila na ako sa may ice cream-an. Haha
"Good afternoon SIR!" Sabi niya Hindi manlang ako tinignan. Nasa harapan nanamin ngayon ang isang babae na ewan ko ba kung nag me makeface dahil sa laki ng ngipin niya sa harap. Tumungo ako at pinigilan ang tawa
"Anong flavor SIR?" Sabi ng babae habang nakangiti na kitang kita talaga ang laki ng dalawang ngipin niya sa harap. Nag iwas ako ng tingin na pinipigilan ang tawa
"Ash. Anong flavor daw gusto mo" nilingon ko si JP na nakakunot ang noo habang ako ay pinipigilan ang pag ngiti
"H-huh? Ch-chocolate nalang" natatawa kong sabi. Napatungo nalang ako para hindi niya makita ang ngiti ko
"Ate chocolate at cookies and cream po"
"A-ate? Eh. Sir.. mukhang mag kasing edad lang naman tayo eh" tumalikod ako ng di ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Masama akong tinignan ni rabbit sunod ay nginitian si JP
Puta! Mag kasing edad daw! BWAHAHAHAHAHAHA
Hindi ko alam kung paano hindi tumatawa si JP dahil kung nasa harapan mo talaga yung babae eh mukhang kasing laki na ng ngipin niya ang rabbit
"Tss kanina ka pa diyan ah. Bakit ka ba tumatawa? Sino iniisip mo?" Nag iwas siya ng tingin at sumubo sa icecream
"Huh? Wala kaya" ngingiti kong sagot
"Tss"
Nagulat ako ng tumayo siya at lumabas. Sumunod ako at tinawag siya
"JP!" Sinigurado kong lahat ng tao ang makakarinig. Tumigil naman siya sa paglalakad
"Bakit mo ako iniwan?!" Inis kong sigaw sakanya. Nanlaking mata niya akong nilingon. Nakarinig ako ng mga bulungan. Shet napalakas ba sigaw ko?
"Ay. Wawa si girl"
"Waaah atention seeker lang yan tara alis na tayo"
"Shit ang wafu ni kuya!"
"Mama! Gusto ko din ng icecream!"
Nanginginig ang kamay ko na hawak ang icecream cone. Ang kanya kasi ay nasa baso pero iniwan niya din sa loob
Dahan dahan siyang lumapit saakin hanggang sa nasa harapan ko na siya. Tumingala ako para makita ang mga mata niya
"S-sorry" nahihiyang sabi niya at umiwas ng tingin. Hinawakan niya ang kaliwa kong braso saka nilapit ako sakanya
"Ikaw kasi eh. Ako tong ka date mo tas ibang tao ang iniisip mo. Sino bayun huh? Si Ryan ba?" Namula ako. Paano na sali si Sir Ryan dito?
"Tss" binitawan niya na ang braso ko. Aktong tatalikod siya ng hilahin ko ang braso niya paharap saakin
"S-sandali.. hintayin mo ako"
"P-pano yung pagkain?" Tanong ko ng nasa parking lot na kami. Hindi niya ako nilingon at sumakay na sa drivers sit. Napanguso ako ng hindi manlang niya ako pinagbuksan ng pinto. Padabog akong pumasok at nag crossarms
"Ipapadala ko nalang sainyo" sabi niya at pinaandar na ang sasakyan
Na stuck kami sa isang super traffic. Kaya mas nadagdagan ang tension sa loob ng sasakyan
Gusto ko sana siyang tanungin kung ok lang ba kami. Eh kasi naman! Kanina ang saya saya namin, tas ngayon daig pa ako kung mag ka red
Suminghap muna ako bago siya nilingon
"Bakit--" -aq
"Sorry--" -siya. Kumunot ang noo ko
"Sorry? S-sorry saan?" Nagiwas ako ng tingin kasi kanina pa siya nakatitig saakin. Nakakailang
"Uh. S-sorry sa pagsusungit ko kanina. Uh kasi naman eh" nagbago ang expression niya "Sino ba iniisip mo?!" Kumunot lalo noo ko
"Bakit mo ako sinisigawan!?"
"Kasi!" 4 senconds later..
"D-dapat ako lang. Ako lang dapat ang iniisip mo. Mas lalo na ngayon n-na..."
Tumigil siya ng biglang may tumawag sakanya. Marrin siyang pumikit saka sinagot ang tawag
"Oh?" Nilingon niya ako
"Huh? Ano naman? Problema na nila yun" pinaandar na niya ang sasakyang ng nawala na si Super traffic
"SHIT"
Napatalon ako sa gulat ng bigla niyang naitigil ang sasakyan kaya nagingay ang mga sasakyan sa likod pero parang wala lang sakanya yon kasi nakanganga ang bibig niyang nilingon ako
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Teen FictionLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
