Chapter 37: Kapatid?

7.1K 147 2
                                    

Third Person's POV

Naguusap ngayon ang magkasintahan kung ano ba dapat ang idadahilan nila kay lexi na natutulog ngayon sa kama nila

"Anong idadahilan natin sakanya?" Tanong ni Andre at umupo. Napatingin naman si Lianna sakanya na nasa tabi ni Lexi na natutulog

"A-ah. Tell her the truth?" tanong niya pero tinignan lang siya ni Andre

"Or maybe not" sabi niya at ibinaling ulit ang tingin kay lexi

Napatayo naman silang dalawa nang biglang ibinuka ni lexi ang kanyang mga mata

"N-nasaan ako?" Tanong ni lexi habang tinatanggal ang mga muta niya

"Nasa c-condo ka ni s-sir. Lexi" sabi ni lianna. Nagkatinginan naman yung dalawa

"Condo ko? Really?" Bulong ni Andre kay lianna na inikot lang ang mga mata

"Condo? What? Ugh. Ano ba nangyari?" Sabi ni lexi habang nakahawak sa ulo niya na tinatandaan ang mga nangyari

Umupo naman si lianna sa tabi niya at ikinuwento ang mga nasaksihan niya

"Ano ba nangyari? Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong ni lianna. Natigilan naman si lexi at niyakap ang mga tuhod niya

"Ahm.."

"Don't worry. Hindi ko ipagsasabi. Were friends right?" Nakangiting tanong ni lianna. Tinignan naman ni lexi si lianna na parang nag dadalwang isip

"Ok" sabi ni lexi at kinuwento niya ang mga nangyari kanina

"Oh. S-sorry" sabi ni lianna at napatayo habang nakasabunot sa buhok niya

"Y-your mother... may kasama siyang lalaki? D-do you think na.. na mag papakasal sila?!" Panik na tanong ni lianna. Tumayo naman si Andre at may ibinulong. Kumalma naman si lianna dahil dun

"W-what?! Kasal!? No! That will never happen! I'll torture that jacob guy and cut his body into pieces" sabi ni lexi at inimagine na kung paano niya sisimulan ang pagpatay sakanya

"Im with you sister" sabi ni lianna. Napakunot naman ang noo ni lexi at ibubuka na sana ang bibig ng pumagitna si Andre sakanila

"Hokey! Stop talking now. Lexi. Diba may klase ka pa bukas? Go home" may halong irita na sabi ni Andre kay lexi. Nakaramdam naman ng inis si lexi

"At sino ka para utus utusan ako ng ganyan? Hoy mister! Ngayon lang ho tayo nagkita! Hindi moko lubusang kilala kaya tumahimik ka diyan" inis niyang sabi at tumayo na

"Ehem. Teacher" pag cocorect naman ni Andre sa sinabi ni Lexi

Aktong susuntukin niya si Andre ng biglang pumagitna si lianna sakanila

"Hey. Stop it" may pagbabantang sabi ni lianna sa dalawa. Napatingin naman sila kay lianna sunod sa isa't isa. Nagpalitan sila ng masasamang tingin ng takpan ni lianna ang mata ng kanyang lalaki

"Tsk. Alis na ho ako" sabi ni lexi at naglakad papunta sa pinto. Pero natigilan siya nang makaramdam siya nang lamig

Doon niya lang napagtantong hindi niya suot ang kanyang espesiyal na jacket

"W-wheres my jacket?" kinakabahang tanong ni lexi at humarap sa mag jowa

"A-ahm. Nasa washing machine. Madumi kasi--"

"What?! You took my jacket without my permission!?"

"Oh! don't you dare shout at her! Gumalang ka sa kapatid mo o baka makalimutan kong baba--" napatigil si Andre ng biglang sikuhin siya ni lianna

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon