CHAPTER 2
Enrique
Ako naman ang napagdiskitahan ng hari at reyna sa pagkasabik nila na magkaapo na. Teka?! Ba't nagmamadali sila eh nineteen pa nga lang ako. Hirap naman neto pag walang pinoproblema sa buhay.
Ang kuya ko kasi dalawang taon nang kasal, wala pa ring anak kaya nagmamadali ang mga magulang namin na ipakasal ako.
Sino nga ba naman ang pakakasalan ko? Baka si Princess Beatrice of York o di kaya si Princess Eugenie of York. Ayaw ko sa magkapatid na yun kahit na magaganda at apo ni Queen Elizabeth eh ayaw ko kasi nga matanda pa sila sa akin ng ilang taon pero nung nagkita kami a few years ago, kala mo kung sinong mga girlfriend ko na nagtatalo sila dahil sa akin.
Kakatuwa naman, ba't ko naisip yun. Hindi naman siguro ako ipapakasal ng mga magulang ko sa hindi ko masyadong kakilala at hindi ko naman mahal. Ni girlfriend nga wala ako, pati first kiss wala pa. Sa pagkagwapo ko neto wala pa talaga, eh kung tutuusin marami naman diyang magbubuwis ng buhay na babae para sa akin pero isa lang talaga ang gusto ko ang best friend kong si Julia.
Bakit nga ba naman siya? Hirap naman magtapat, ayaw ko kasing masira ang magandang samahan kung saka sakali. May boyfriend kaya siya? May nanliligaw ba sa kanya? May pag-asa kaya ako? Willing ba siyang mag-give up ng mga pangarap niya para sa akin? May gusto ba siyang iba?
Actually, yung sa circle of friends namin, kami na lang ata ang hindi naging mag boyfriend-girlfriend. Basta ganun, yung anim na kaibigan namin pares-pares na sila. Di ko na lang namalayan na in love na ako sa kanya. Siya ba ganun din kaya? Basta kasi ayaw ko lang magpakumbaba na patay na patay ako sa kanya, di ko pa kasi naranasan na magpakumbaba na sabihin sa isang babae ang aking nararamdaman, basta ayaw kong mabigo.
Kung mabigo man ako, iyon na ata ang kauna- unang kabiguan na mangyayari sa buong buhay ko. Sanay kasi ako na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Basta gusto ko lang ang babaeng pakakasalan ko ay si Julia lang at wala ng iba. Wagas talaga akong magmahal at palihim pa yan ah.
Pero bakit ako ganito? Kasi nga best friend ko di ba?! Kung alam niya lang ang pagmamahal ko sa kanya, siya lang ang babaeng gumawa sa akin nito. Ginawa niya akong baliw. Napaisip ako sa sinabi ng kuya ko when I asked him about love nung wedding nila ng Crown Princess.
Doon ko yata na realize na pagmamahal na ata ang nararamdaman ko sa best friend ko. Two years ko tinago ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko ng ipagtapat ang tunay kong nararamdaman pero paano?!
Torpe! Torpe ako! Andito kami ngayon sa debut ni Julia. Ako lang naman ang kanyang escort. Eh sino pa nga ba?! Magagalit ako nito pag hindi pa ako nuh?! So, ngayon lumabas na rin ang balita na magpapakasal na ako pero hanggang ngayon ay unknown pa din yung magiging bride ko or princess to be ko, excited lang naman yung hari at reyna na iannounce agad sa publiko ang gusto nila. Gusto ko si Julia lang at wala ng iba pa.
Napangaga na naman ako ng naalala ang nangyari last week before her debut na nasangkot na naman ako sa kaguluhan pero wala naman talaga. Kasi daw mga kaibigan ko.
Hindi ko marinig nang maayos ang usapan namin kung hindi sumusigaw ang nasa kabilang linya. Puro lang kasi tugtog ng music ang maririnig."Bro punta ka dito!"bungad pa ni DJ sa kabilang linya.
"Bro alam mo namang baka ma news na naman ako diyan at front page pa bukas. Ayoko! Alam mo naman. Kahapon lang ata napa front page yung drag race natin kahit di naman ako nagkarera pero andun ako. At may picture pa talaga na andun ako. Pass muna ako ngayon sa mga kabalastugang pinag gagawa ng barkada."
"Pero andito ang buong barkada! Ako, si Kath, Sam, Jasmine, Robi, and Laureen at saka bro mag-isa lang dito si Julia" tumawa siya bago dumugtong. "Don't worry bro, nasa VIP room naman tayo eh."
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...