CHAPTER 10
Julia
Ala una na ng hatinggabi--nandito ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame at nag-iisip. Quen requested na hindi muna kami magsasama sa iisang kwarto, hihintayin daw muna namin ang right time, maybe a month daw para makapag adjust kami sa isa't isa at sobrang bata pa raw namin kaya pinagbigyan siya ng kanyang amang hari at inang reyna kahit na sabik na sabik na dalawa na magkaapo.
Hindi ko maiwasang isipin ang mga pangyayari kanina. It was a very tiring day. From our wedding ceremony, to carriage ride, and the wedding reception. Hindi ako makatulog not because I'm tired but I can't sleep kasi hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito, na ikinasal ako sa taong pinakamamahal ko kahit naman hindi niya masusuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Natutulog na kaya siya? Naisip rin kaya niya ang mga nangyari kanina? Naisip rin niya kaya ako before he slept just like I'm thinking of him right now? Silipin ko kaya kung tulog na siya? Magkatapat lang naman kasi ang kwarto naming dalawa.
Sakto lang nung pagkabukas ko ng pinto ay lumabas rin siya sa kwarto niya. Why is he still awake?
"Oh gising ka pa pala?"kamot pa niya sa ulo niya.
"Ah--eh. "I bit my lip as if I'm confused what to say."Hindi kasi ako makatulog dahil siguro sa chocolate na nakain ko kanina."bigla lang dumulas sa dila ko pero, ang totoo walang sinerve na chocolate kanina.
"Eh ikaw ba't gising ka pa?"pahabol kong tanong sa kanya.
"Ako gising pa? Di noh, baka gising na. Ang aga ko kayang natulog."mabilis niyang sagot. Sinungaling 'to--ala una palang kaya, alas onse natapos ang kasal natin hijo.
"Huh? Quen, 1am pa lang kaya."huli ko pa sa kanya.
"Ah ganon ba? Hindi ko kasi namalayan ang oras. Akala ko 5 am na." palusot pa niya.
"Sige. Matulog ka na ulit."ngumiti ako bago dumugtong."Good mornight, Quen."
"Teka, akala ko hindi ka makatulog. Wanna hear bedtime stories again?"tanong pa niya out of the blue.
I faced him again and rolled my eyes sweetly."Wag na. Baka inaantok ka pa. Matulog ka na lang ulit. Good mornight."
"Good mornight."sagot pa niya bago ako humarap ulit sa pinto.
I heard him snap before I opened the door. Hay naku Enrique!
I'm still lying on my bed at nakatakip pa rin ang unan sa mukha ko, ganyan kasi ako matulog eh. Buti na lang at nakatulog pa ako. Anong oras na kaya? Kaya tinanggal ko na ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Oh my G! Andiyan na pala si haring araw!"
Napatulog mantika na naman yata ako. Agad akong bumangon para tingnan kung anong oras na sa phone ko, nagbakasakali na pwede pa akong mag-exercise.
"Yes! 7:30 pa lang!"talon ko pa mula sa kama.
Dali-daling akong naligo, toothbrush, at nagbihis.
Gising na kaya si Quen? Yayain ko kaya siya? Makalabas na nga ng kwarto. Pagkabukas ng pagkabukas ko ng pinto ay apat na bagong mukha ang nadatnan ko. Nakaupo sila sa isang lounge chair sa labas ng kwarto namin ni Quen at pagkakita nila sa akin ay tumayo sila.
"Magandang umaga po mahal na prinsesa."tango pa nila at ngiti sa akin. Mga babae sila--they were wearing a black suit with a tie pero naka skirt at naka-pony tail ang mga buhok nila.
"Kami po pala ang inatasan ng mahal na reyna na bantayan po kayo, mahal na prinsesa. Kung ano man po ang mga kakailanganin niyo, wag po kayong mahiyang sabihin sa amin."
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...