TPBTTPW 4 : Ten Marriage Commandments

6.6K 120 4
                                    

CHAPTER 4

Julia

Natapos na  kaming mag-usap ni Enrique regarding dun sa mga rules, let’s just say our “Ten Marriage Commandments”  nang biglang umiba ang ihip ng hangin.

Andito pa rin kami sa home office ni dad, dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang ako naman ay napapaurong sa mga kinikilos niya. Kinikilabutan ako! Dati-rati naman ay ginagawa niya ‘to pero parang wala naman, ba’t ngayon napapakabog nang husto ang dibdib ko na parang lalabas sa katawan ko.

Umuurong pa rin ako hangga’t sa napasandal ako sa wall at na corner na niya ako. Nilapag niya ang kanyang kanang kamay sa dingding malapit sa ulo ko at nakatitig sa mga mata ko habang nakangiti, umiiwas ako sa mga nakakatunaw niyang mga titig. 

Pag nakamamatay lang ang smile, kanina pa siguro ako kinakapehan. Habang umiiwas sa mga tingin niya, I’ve noticed that the first two buttons of his long sleeves we’re widely open. Sorry guys, hindi ko sinasadya na naligaw yung mga mata ko sa part na yun! Lord patawad!

Tumunog ang phone ko kaya napaalis si Quen sa harap ko. Narinig kong tumawa lang ang loko. I answered the call when I saw it was Jasmine.

“Hello girl! Did I hear it right?! I heard from my dad’s secretary that you and Enrique are going to get married soon. Ang daya niyo naman magpapakasal na kayo agad nang hindi namin alam,at para kaming mga tanga na wala kaming kaalam-alam na may relationship pala kayo ng 'your highness.”dire-diretso niyang sabi sa kabilang linya.

“Ah. Eh. Oo. Sorry.”tipid kong sagot. Actually, hindi ko alam ang sasabihin--kung proud ba ako o nahihiya.

“Best wishes princess! Bye!” nagmamadaling sabi niya. Siguro magjo-jogging date naman yun with Sam.

Pagkatapos nung tawag, sakto lang nung may kumatok sa pinto, it was Manong Victor. Pinapasok naman siya agad ni Quen.

“Mahal na prinsipe, may isang lifestyle magazine po na nagpadala ng imibitasyon na kung pwede daw po kayong maging cover nito kasama ang magiging prinsesa at ma feature po ang paghahanda sa nalalapit niyong kasal."

"Sabihin niyo sa kanila, pauunlakan namin ng magiging prinsesa ang kanilang imbitasyon."mabilis na sagot ni Quen. Grabe! Ako na ang bilib sa bilis na pagkalat ng balita.

"Nagtanong rin po sila na kung pumayag po kayo, ay kung kailan daw pwedeng magpictorial."

"As soon as possible, Manong Victor."

"Ako na po ang bahala na isingit po sa schedule niyo ang pictorial kasama ang magiging prinsesa."

May tiningnan lang ang royal secretary na parang organizer. Pagkatapos niyang tingnan yun ay sumagot siya agad kay Quen."Ayun sa schedule niyo po kamahalan, maari po kayong mag pictorial sa susunod na Linggo."

"Maraming salamat po."pasalamat pa ni Quen.

Dito kami ngayon sa pictorial ng isang lifestyle magazine kasama si Enrique. Huwag lang siyang magkamali sa mga kilos niya at malilintikan talaga siya sa akin.

Nakatayo na kami sa kung saan ay kukuhaan na kami ng mga pictures at nagulat na lang ako na niyakap niya ako sa may likod na naka-back hug at magkahawak ang aming mga kamay. Pawang hininga niya lang ang naririnig ko sa aking mga tenga.

"Great pose! Another one!"sabi pa ng photographer.

Pareho pa rin ang susunod naming naging pose, ang pinagkaiba lang ay habang nakaback hug ay nakatitig ang aming mga mata sa isa't isa at nakasmile.

"Another one! Let's be more intimate!"sabi pa ng photographer.

Nagulat na lang ako nang biglang hinablot ni Enrique ang mga kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya. We're posing like we're giving each other a hug and nakahawak ako sa dibdib niya at nakaharap kaming dalawa sa camera na nakangiti. O di ba ang sweet?!

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon