TPBTTPW 31 : True Love Exists

2.6K 66 5
                                    

CHAPTER 31

Enrique

One week had past hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Hindi ko pa rin nakausap si kuya. A conversation na kahit hindi niya sabihin kung ano ang problema niya, eh, malalaman niyang andito ako sa tabi niya palagi. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nararamdaman niya. Part of me is hurt because he's trying to hide from us.

Papikit na sana ako nang bigla niyang tinakpan ang mata ko. Ano na naman ba ang gimik ng babaeng 'to? Inalis ko ang kamay niya at napangiti na lang.

Pagkaharap ko, pinisil niya lang ang ilong ko. She leaned on the bed using her left hands. "Stop overthinking, Quen."

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Her smile is enough para mapangiti rin ako kahit na pre-occupied ako this days. Pagkatapos no'n nagulat akong hinampas niya ako ng unan pero naagaw ko din agad. Namula siya bigla at nagtaklob ng kumot pero hindi dahilan yun para tigilan ko siya. Hinigit ko siya sa bewang para mapalapit sa akin.

She reached my one hand and held it tight. The warmth of her hands made me feel that she's beside me whatever happens.

I kissed her forehead and hugged her tightly. "I love you." I whispered.

Imbes na mag 'I love you too' siya, she was surprised. "Ngayon mo lang ulit nasabi yan."

"Hindi ah. Parati kaya akong nag 'I love you' sa'yo!"protesta ko pa.

"Okay. Talo na ako. Joke lang yun. Pinapangiti lang kita."ramdam ko ang pagngiti niya sa dibdib ko.

"I love you your majesty."ngisi ko pa.

"Bakit your majesty? It's suppose to be 'Your Highness' kasi prinsesa lang ako. Hindi ako mangaagaw ng pwesto, no?! Saka andiyan pa ang Crown Princess kasunod ng reyna." paliwanag pa niya.

"Pero ikaw ang reyna ng puso ko."

Natahimik lang siya.

Siguro nga mukha akong tanga everytime na bumabanat ako ng ganito but at least napapangiti ko ang reyna ng puso ko. Everytime na kasama ko siya, I'm trying to be the corniest person ever lived.

I repeated the phrase 'I love you' and she replied 'I love you too' until we both fell asleep.

"Dumating na ba ang hari at si kuya?" tanong ko pa sa isang royal protection officer habang sinusuot ko ang gloves sa kamay ko para sa fencing. This is part of my military training as an art of swordmanship and hobby na rin at the same time.

"Opo, mahal na prinsipe. Kakarating lang nila kaninang umaga."

Pumunta kasi sila sa US to meet President Obama in the Oval Office publicly advocating against illegal wildlife trade.

Matapos kong maisuot ang gloves, just in time na pumasok si kuya sa fencing room kung saan rin siya nagte-training. Gusto ko siyang kausapin at iparamdam sa kanya na kahit anong mangyari ay nandito lang kami sa tabi niya.

Pagpasok ni kuya nakasuot na siya ng protective clothing for fencing with gloves na at mask na lang ang kulang. "Duel?"hamon pa niya.

"Sure!"sagot ko pa. Instead na yung instructor ko yung kalaban ko sa fight, kami na lang dalawang magkapatid ang maglalaban.

"Dapat may premyo ang mananalo."biro pa niya.

"Ano naman?"sagot ko pa pero parang gusto kong sabihin na, 'Sana ang premyo eh sasabihin natin sa isa't isa kung anuman ang problema'.

"All or nothing."

"What? Hindi ko gets."nagkunwari akong hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero sigurado akong isa lang ang ibig niyang sabihin, ang premyo ay ang trono ng pagiging Crown Prince. Kung mananalo man ako, hindi ibig sabihin na hahayaan ko si kuyang bumaba sa pwesto. Hindi yun, isa lang 'tong laro. Besides, being the Crown Prince next to the throne of the king is not that easy at si kuya lang ang karapat-dapat na maging hari at siya naman talaga sa simula pa lang. Perhaps, everyone wants to be a king but not me neither.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon