CHAPTER 39
Julia
May nasaktan..
Hiwalayan..
Pinagpatuloy ang relasyon pero..
Nandiyan ang past..
Nandiyan ang doubt..
Nawala ang tiwala..
Hindi na maibabalik ang nakaraan. Honestly, hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, summary lang ang alam ko. Hindi ko alam kung ano ang puno, gitna, at dulo. Kung sa storya eh, synopsis lang.
Malaki ang pinagbago namin matapos ang lahat ng yun, trust faded but the friendship remained. Ako na mismo ang naguguluhan kung ano ba talaga ang nangyari, nangyayari, at mangyayari.
Kath and DJ broke up. DJ became miserable--to the point na parati siyang naglalasing, nagwawala, and even imprisoned for a night. Pinagbabato ba naman ang bahay nila Kath--siguro, he can't accept the fact na iniwan na siya ng taong mahal niya at nakahanap na ng iba in just a month. All I knew, Kath just wanted to move on sa mga nangyari pero hindi yun dahilan para maghanap siya ng panakip butas,si Jon-- anak ng business partner ng family ni Kath. In the first place, ayaw kasi talaga ng daddy ni Kath kay DJ. Simple lang, ex kasi ng mommy ni Kath ang daddy ni DJ. Ewan ko ba kung bakit big deal talaga yun, siguro sinaktan at pinaasa ng dad ni DJ ang mom ni Kath.
Ika nga, kung ano ang puno ay siya ring bunga.
In the case of Sam and Jasmine, she tried everything just to win Sam back. Hindi daw niya kayang mabuhay na wala si Sam to the extent na nagpapakatanga na siya. Sam treated her not like a girlfriend already nor a human. Yung umabot na sa puntong ginagawa na siya ni Sam na utusan o di kaya'y minsan pinapahiya sa harap ng maraming tao--as well as sa amin. Grabe, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao--minsan halimaw, minsan anghel.
All I can say, pictures received by Sam right after they went from Boston says it all. DJ insisted na walang nangyari sa kanila ni Jas-- basta daw pagkagising niya yun na yun. Sabi naman ni Jasmine, wala daw siyang alam, as in wala, wala siyang natatandaan.
Hindi ko alam ang gagawin ko pag nalaman kong may ibang babae si Quen, baka hindi ko siya mapatawad or the worst, I don't want to see him again. Hindi rin ako makasabi kasi madaling magsalita, hindi mo alam ang gagawin pag ikaw na ang nasa sitwasyon.
Pero pag mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat to hold him/her back at hindi rin siya dapat gagawa ng bagay na lubos kang masasaktan pero minsan hindi natin maiiwasan ang tukso.
Love has nothing to do with what you are expecting to get--only with what you are expecting to give--which is everything.
Back to the present--kahit pagod ako, haggard at jet lag pa sa biyahe galing Bali, nagawa ko pa ring puntahan si Kath sa penthouse ni DJ--best friend duties.
"Juls, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." kumawala siya sa pagyakap ko at umayos ako nang pagkaupo sa sofa. Medyo mabigat na rin kasi siya sa may balikat ko. Bumuhos lang ang mga luha sa kanyang mga mata, hindi ko alam pero parang lumipat sa akin ang mga luha galing sa mga mata niya. I just felt that my jaw clenched.
"Why?"
"Nagiguilty pa rin ako Juls kay Jon. Iniwan ko siya sa ere, isang malaking kahihiyan yun." she sighed before she could continue. "Sa akin, sa pamilya ko at pati na rin sa pamilya ni Jon."
"No. No. Don't say that, Kath. Don't think what others think of you. Sa kabilang banda, mas mabuti nang maaga pa kesa mas lalong tumagal, at pareho kayong masaktan."
"Sobrang bait kasi niya, he doesn't deserve to be hurt. Minahal niya ako nang buong-buo kahit alam niyang hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya."
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...