TPBTTPW 44 : Lost Cause

1.8K 58 10
                                    

 CHAPTER 44

Julia

Masalimuot akong nagda-drive sa kahabaan ng highway. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Bawat patak ng luha ay sinasabayan ng gumaralgal kong paghinga. I saw my miserable self in the rear view mirror--punong-puno ng hinanakit.

I bit my lips to stop sobbing but it didn't help.

Bakit Quen? Bakit mo nagawa yun? Nagkulang ba ako? Hindi na ba ako sapat para sa'yo?

Actually, di ko talaga alam kung saan pupunta. Gusto ko lang mapag-isa. I'm hurt. Hindi lang 'to simpleng selos o isang mababaw na bagay na dapat naming pagtalunan. He slept with another girl. I feel like I'm betrayed. Binigay ko ang lahat. Lahat. The worst, he even lied to me. Isa pa, hindi na kami nagbabahay-bahayan, mag-asawa na kami--totohanan na 'to, di gaya ng dati.

Ayoko siyang mawala, mahal ko siya. Pero?

Tumabi ako sa gilid ng highway saka biglang tumigil sa pagmamaneho.

Madiin akong pumikit, umaasa na panaginip lang ang lahat ng ‘to.

I pressed my lips sobbing silently.

Sinandal ko ang ulo ko sa manibela. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari sa kanila sa mga puntong yun. Those picture says it all. Masaya siyang kayakap ang babaeng yun. Masakit isipin Quen na you're enjoying the company of that girl in the bed habang wala ako.

Umayos ako ng pagkaupo nang marinig uling tumunog ang phone ko. Kanina pa yun tumutunog pero hindi ko pinapansin, alam kong si Quen lang yun. I rejected the call at diretsong in-off ito. I never regret ignoring him.

"Bakit?! Bakit? Bakit Quen?!"sigaw ko pa habang hinahampas ang manibela.

Umiling lang ako.

And another wave of tears rolled down.

Sinubukan ko ulit yung ginawa ko kanina, sumandal sa manibela at pumikit. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin. Basta bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa unti-unting lumabo ang paningin ko at tuluyang nawala. Wala na rin akong marinig, kahit ang pagsadsad ng mga gulong ng mga sasakyan na dumadaan.

Napadilat ako bigla nang makarinig na may kumakatok sa windshield ng kotse. Dahan-dahan akong dumungaw at inayos ang sarili ko nang makita na isang police officer ang kumakatok bago binuksan ang windshield.

"Magandang umaga po."bati pa niya saka tumango nang mapansin na ako pala ang kausap niya.

"Magandang umaga rin po."sagot ko pa.

"Pasensya na po. Ikaw lang po pala mahal na prinsesa. Pasensya na kung naistorbo kita. Kumuha lang kasi ng pansin ko nang matagal na kayong naka-park dito. Pasensya na po talaga."paghingi niya pa ng paumanhin.

"Okay lang po."pilit ko pang ngiti.

"Okay lang po ba kayo? Namumutla po kasi kayo."pag-aalala pa niya.

"Okay naman po."sagot ko pa.

"Kung ganun, maiwan ko na po kayo. Salamat po sa pag-unawa. Mag-ingat po kayo."

"Salamat naman sa pag-aalala."

Mahirap sabihing okay ka na deep inside talaga hinding-hindi. Binigay ko sa'yo Quen ang lahat--ang buong buhay ko at ang buong pagkatao ko. Ganyan ba ang pagmamahal? I gave everything.

Muli kong sinara ang windshield at nagmaneho ulit. I don't know where to go. I just wanted to be alone. Hindi ko alam pero ang direksyong papuntahan ko ay papunta sa bahay namin.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon