TPBTTPW 18 : Misunderstanding

3.3K 83 8
                                    

CHAPTER 18

Enrique

"Paano?"paulit-ulit kong tanong sa sarili ko habang papunta sa auditorium. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I'll do whatever it takes para lang magkaayos kami ni Julia. Kahit lumuhod pa ako sa kahit sinong nilalang sa mundo para magmakaawa ay gagawin ko.

Huminto ako sa pinto ng auditorium kaya napahinto rin ang mga bumabantay sa akin. "Dito lang kayo. Gusto kong mapag-isa."bilin ko sa kanila.

Habang papasok ako, mas lalong lumalakas ang tugtog ng piano na kanina ko pa naririnig nang naglalakad ako. Bawat key na naririnig ko ay para akong dinadala sa malayo na kung saan walang problema.

Hindi ko inaasahan na ang makikita kong tumutugtog ay si Coleen. Unti-unti akong lumapit hangga't nakatayo na ako sa tabi niya.

Bigla niya lang binagsak ang key ng piano nang maramdaman at makita na nandiyan ako. "Magaling ka pala."puri ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot.

Tumayo siya at umalis nang hindi man lang ako pinapansin.

"Sorry."sabi ko.

Napahinto siya.

"It's okay. May kasalanan rin ako."sagot  niya habang nakatalikod.

"Wait, I have to talk to you."mahinahon kong sabi. Hindi ko talaga matatanggap ang sarili ko na nasaktan ko si Julia. Mahal ko siya at ayokong mawala ang tiwala niya na ganun-ganun lang. Alam ko naman na may kasunduan kami ni Julia pero hindi ko na talaga kaya na hayaang mawala siya sa akin, sa hindi pagkakaunawaan. Mahal na mahal ko ang kaibigan ko, na asawa ko na ngayon. Asawa ko sa papel at sa pagkakaalam ng buong mundo. Should I say a one-sided love? Pero hindi ko  maintindihan kung bakit hinahayaan niya  na hinahalikan at niyayakap ko siya.

"Please! Do me a favor."sigaw ko kay Coleen. Wala kasing katao-tao ang auditorium kaya malaya kang gawin kung ano ang gusto mo. Sumigaw, mag-planking at magpagulong-gulong.

"Huh?"lingon niya at sarcastic na tumawa. "Nagpapatawa ka ba Quen? It's just yesterday that you want me to stay out of your life, right?"dagdag niya.

"Look? I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Ayoko rin namang saktan kita. Nabigla lang ako and you just have to understand that I already have a wife. Kaya ko nga siya pinakasalan, di ba?"paliwanag ko.

Hindi siya sumagot. Instead, tumalikod siya at naglakad ulit.

"Please! Kausapin mo si Julia na walang namamagitan sa ating dalawa. Nagmamakaawa ako sa'yo."pagmamakaawa ko sabay habol sa kanya.

I didn't hesitate to swallow my pride to kneel down in front of her. Hindi ko na lang namalayan na may nagbabadyang luha na pala sa aking mga mata dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

"Ganun mo siya kamahal, no? Ang swerte swerte niya, Quen."punas pa niya ng luha sa magkabila niyang pisngi gamit ang likod ng kamay niya. "Na-realize ko na din naman na mali ako, Quen. Kaya nga napagisip-isip ko na rin na kailangan kong tanggapin na may mahal kang iba. Ang kasalanan ko lang naman, minahal kita. Agad akong nag-transfer sa school na 'to nang malaman na nagpakasal ka na. Everytime na kasama ko ang ama kong pumupunta sa palasyo, dinadaan mo lang ako ng mata mo."she explained in between her sobs.

"Hindi naman kasalanan ang magmahal. Mali lang yung taong minahal mo. Hindi ako nararapat para sa pagmamahal mo, Coleen."paliwanag ko.

"Alam ko na naman, eh. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko lang, Quen! Nagmahal ako ng may mahal na. Kaya nga unti-unti ko nang inilalayo ang loob ko sa'yo pero eto, nandito ka pa rin, lumalapit sa akin. Minsan, tinatanong ko sa sarili ko na sa dinami-dami ng lalaki, bakit ikaw pa?"

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon