CHAPTER 15
Julia
"Juls, sabihin mo na kasi. Best friend naman tayo, di ba?"alog pa ni Kath sa balikat ko.
"Di pwede, Kath."kagat ko pa sa labi ko. Naalala ko na naman kasi ang lahat ng sinabi ni Quen.
"Ang best friend walang tinatago sa isa't isa di ba?"pasaring pa ni Kath. She's right pero hindi ko talaga pwedeng sabihin sa kanya.
"Tumahimik nga kayo diyan!"sigaw pa ni Enchong na saktong tatlo lang kami ang makarinig sabay tiklop sa binabasa niyang book namin sa Accounting, nag-advance reading na naman siguro siya. Nagalit yata kasi ang ingay namin ni Kath. Kasi naman makulit si Kath, eh, hindi talaga titigil kung hindi ko masabi sa kanya yun.
"Sige na, Juls. Please."malakas niyang alog sa balikat ko dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko. Akala ko, tuluyan na talaga akong mahuhulog. Marahan akong pumikit para hindi makita ang aking pagbagsak. Naramdaman ko na lang na may sumalo sakin. Pagdilat ko, si Quen na knight and shining armor, at lalaking mahal na mahal ko ang nakaalalay sa leeg ko at huli ko na-marealize na nakapatong pala ako sa magkabila niyang binti.
I felt his warmth. Tumigil ang mga classmates ko sa mga ginagawa nila. I guess, pati oras tumigil nang magtama ang mga tingin namin.
"Omg, ang sweet naman!"tili pa ni Kath sabay hawak sa magkabila niyang pisngi. Kami naman ni Quen, tumigil sa tinginan.
"Ano ba? Nasa school tayo ah!"sigaw ni Enchong sabay bagsak niya ng book na hawak niya sa kanyang desk saka tumayo.
Dahan-dahan akong pinatayo ni Quen.
"Ano naman ngayon?! Wala kang pakialam!"tulak pa ni Quen sa dibdib ni Enchong.
"Meron! Dahil mahal ko siya!"sigaw pa ni Enchong.
Nagulat ako sa sinabi ni Enchong, pati na rin ang buong klase kaya hindi mapigilan ng iba ang usap-usapan.
"Ohhhh!"dagdag pa ng iba.
"Ikaw lalaki, alam mong may asawa na ang tao, di ba?"kita kong nakayukom na ang mga kamay ni Quen na sa kung ano man ang isa pang maling marinig niya mula sa bibig ni Enchong ay babagsak na ang mga kamay niya sa mukha nito.
"Wala akong pakialam, maghihiwalay rin kayo!"
"Gago ka pala eh!"sabay suntok ni Quen sa pisngi ni Chong dahilan para bumagsak siya sa sahig. Ganun ba kalakas si Quen? O ganun talaga kahina si Enchong?
"Wag kang magsalita ng ganyan! Bakit? Hawak mo ba ang mga nararamdaman namin? Kaya nga kami nagpakasal para magsama kami habang buhay!"
"Habang buhay ba ka mo? Ang bata niyo pa Enrique, marami pang mangyayari!"sagot pa ni Enchong habang hawak niya ang dumudugo niyang labi. Nakakaawa siya.
"Mahal na prinsipe, tama na po yan!"awat pa ng mga royal protection officers ni Quen sa kanya nung tinangka niyang puruhan ng suntok si Quen na nakalumpasay sa sahig.
"Tama na!"sigaw ko pa.
"Bitiwan niyo ko!"kalas pa ni Quen sa kanila kaya binitawan siya ng mga 'to. Sakto lang na dumating ang professor namin, hindi pa rin nakatayo si Chong at nandito pa si Quen.
"What's going on here?"tanong pa niya sabay lapag ng mga gamit niya sa desk.
"Nothing Sir, tinuruan ko lang ng leksyon ang mga lalaki diyan na may balak lumapit sa asawa ko."diin pa ni Quen habang nakatingin nang masakit kay Enchong. "Excuse me po at babalik na ako sa klase ko."paalam pa ni Quen sa professor namin saka dumiretso siyang lumabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...