CHAPTER 37
Enrique
Kinaumagahan, pagkatapos ng isang gabing punong-puno ng pagmamahalan. Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Kinapa ko si Julia. Minulat ko ang isang mata ko when I feel her absence beside me. Dahan-dahan kong kinuha ang pagkataklob ng kumot sa half body ko at agad na bumangon.
Napangiti ako nang makakita ng isang black box na may ribbon na kulay blue at merong naka-attach na maliit na card sa ribbon. Dinampot ko ang box, loosened the ribbon, at binuksan ito.
A cuff chronograph black leather with a rose-gold dial plating watch. She really knows my taste. I love it. Sunod ko namang binasa ang card na naka-attach sa ribbon. It says, "I always have time for you. I love you forever and a day. Happy Anniversary!" All I can say, kinikilig ako kung si Julia na ang nag-eeffort, the way kung paano kiligin ang mga lalaki.
Napangiti lang ako sa note sa card na nilagay niya at napailing. Inayos ko ito at binalik sa side table.
I tried to find her inside the room, pero hindi ko man lang nakita ang anino niya. Nung palabas na ako sa garden na adjacent sa kwarto, kumuha ng atensyon ko ang phone ko na nakapatong sa coffee table malapit sa pinto.
Napahawak na lang ako sa noo ko nang maalala na tinapon pala niya kagabi ang phone ko sa sahig kaya wasak ang screen neto. Lakas pala ng impact nang pagtapon niya--hindi lang basta-basta na pagtapon. Paano na nila ako ngayon macocontact?
"Nevermind."I murmured at binalik ito kung saan nakapatong.
Lumabas ako sa may garden, I saw her na nakababad sa plunge pool--relaxing, tilting her head on the edge.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya hanggang sa makarating sa likod niya nang hindi niya napapansin. Nakasuot siya ng puting sando and flowery shorts. Nakapikit lang siya. I bent my legs down at tinakpan ang mga mata niya gamit ang aking dalawang kamay.
"I know it's you. Good morning, Quen. Happy second anniversary. Nagustuhan mo ba?"mahinahon niyang sabi.
Tinanggal ko ang mga kamay ko at dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya. "I always have time for you too, forever and a day. I love you. Thank you for everything, Juls. Happy anniversary."napakamot muna ako sa batok ko bago dumugtong. "Kaya lang sana cellphone yung niregalo mo."
We just found ourselves giggling.
Snorkelling has always been our favorite everytime na nasa beach kami. It should always be on the list kaya yun yung unang-una niyang sinambit kung ano ang mga adventures na itatry namin ngayon. We both love nature--especially yung mga corals and colorful fishes na iba't ibang species sa ilalim ng dagat.
Sinuot na namin ang mga kinakailangan na snorkelling equipment habang nakaupo kami sa speedboat--snorkel mask, semi-dry snorkel tube, flotation vest, and fins. Yung fins yung nasa paa na gagamitin na flippers para maka-maneuver ka sa ilalim ng tubig.
Nakasukbit pa sa kaliwa kong kamay ang underwater waterproof camera.
At the count of three, sabay kaming nag-dive sa tubig habang magkahawak ang kamay, and I can say, it is amazing. Nung una may konting pressure pa sa tenga ko and it takes minutes bago mawala. Dahil siguro yun sa pressure ng tubig nung nag-dive kami.
Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nasa ilalim kami.
Ang cute at mga makukulay na isda ang mga nakikita namin.
Habang busy siya sa pagtingin sa paligid, hinila ko ang kamay niya at nag-hand gesture ako na sabay naming tanggalin ang tubes namin pero parang hindi niya maintindihan. Medyo nataranta siya nung binitawan ko ang kamay niya saka sinet ang camera. Akala siguro niya iiwan ko siya.
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...