TPBTTPW 11 : Home Sweet Home I

5K 102 47
                                    

CHAPTER 11

Julia

Akala ni Quen madadala niya ako sa sorry at good morning kiss.  Akala niya palalampasin ko yung hindi niya paggising sa akin kanina, nakasaad sa 'Ten Marriage Commandments' rule number ten na kung sino ang makakalabag ay may consequence o di kaya gagawan ng favor ang pinagkamalian. May naisip pa naman akong magandang consequence or shall I say favor na hihingin sa kanya.

Nanonood kami ngayon ng TV sa kwarto niya, eh, gusto ko lang naman ipaalala sa kanya kung anong ginawa niya kanina, na hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pumunta, at kung sino ang kasama niya. Big deal sakin yun! Ang usapan ay usapan. Siyempre, kukulitin ko siya kung bakit may portrait ako na ginawa niya at may personal property pang nakalagay.

Ano ako bagay?

Magkatabi kaming nakaupo sa couch habang nakapatong ang mga binti ko sa lap niya--ganun kasi kami kakomportable sa isa't isa.

"Akin na."biglang agaw niya ng remote ng TV sakin. Nanonood lang naman ako ng balita. Mostly na pinapalabas yung mga nangyari sa kasal namin.

"Ba't mo ba kinuha? Akin na yan! Kita mong nanonood pa ang tao di ba?"agaw ko pa sa kanya ng remote saka binalik sa channel kung ano ang pinapanood ko.

"Ano ba? Hindi ka ba nagsasawang panoorin ang mukha mo? Tumingin ka na lang sa salamin."tumayo siya at diretsong pinindot ang switch ng TV." Sa pagkakaalam ko kwarto ko ‘to." dagdag pa ng loko. "May TV ka naman dun, dun ka manood kung gusto mo. Nakalimutan ko kasi na ngayon pala ang game."hawak pa niya sa magkabilang bewang niya--sarap sipain.

Balak niya sigurong manood ng football game--FC Barcelona vs Real Madrid. Sa pagkakaalam ko, idol niya kasi si Leo Messi ng FC Barcelona.

"Teka! Hindi lang pala ang game ang nakalimutan mo, pati pala ang nilabag mong rule!"pasaring ko pa.

"Ano namang rule? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa ah."lulon pa niya agad ng laway.

"Eh ano naman yung iniwan mo man lang ako at hindi ko alam kung saan ang mahal kong prinsipe?"tayo ko pa.

"Tulog ka eh."tingin pa niya sa malayo.

"Maliwanag na nakasaad sa rule #2 na dapat alam kung nasaan at kung sino ang kasama."ngiti ko pa--feeling panalo.

"Tulog ka nga sabi eh. Can't you understand? Paano kung ginising kita tapos nagalit ka?"taas pa ng boses ni Quen.

"Basta lumabag ka pa rin sa isa sa mga rules! Rules are rules!"diin ko pa.

"Simple lang naman yun ah. Ipagpaliban mo na lang. Hindi naman ako umalis eh. Nasa loob lang naman ako ng palasyo. Sorry na para matahimik ka."

"Anong sorry? Ano pa ba ang silbi ng mga batas sa mundo kung ang tao ay puro na lang sorry? Basta, you owe me a favor."

"Oo na. Sige na. Ano ba yang favor na hihingin mo?"

"Simple lang, sabihin mo sa akin kung ano ang laman niyan at kung bakit yan nandiyan."turo ko sa nakabalot na painting na nakita ko kanina.

"Di pwede. Akin yan. Wag kang mangialam"sabi pa niya.

"Akala ko kahit anong favor di ba?"

Mabilis akong tumakbo at kinuha ang painting saka agad itong binuksan. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyan kong nabuksan ang painting.

"Quen ba't mukha ko ang nakapaskil dito sa painting?"I bit my lip and evily smiled to him.

Napahawak lang siya sa noo niya at huminga nang malalim habang ako naman, hawak ko ang painting.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon