TPBTTPW 16 : Little prince and little princess

4.7K 120 20
                                    

CHAPTER 16

Julia

“Quen, ano ba? Ang tagal!”

“Sandali lang-mag-antay ka, Juls!”

“Bilisan mo kasi, Quen. Hindi na ako makapaghintay, ang kati-kati na talaga!”

“Ano ba naman 'tong babaeng to? Hindi makapaghintay!”

“Bilis, Quen!”

“ Sandali nga lang, maglalagay lang ako ng proteksyon!”

“Aaaaah! Ang hapdi! Sige pa!”

“Eto na!”

“Bilis! Blilis!”

“Ang agresibo naman ng Prinsipe Enrique at Prinsesa Julia.”overheard ko sa labas. Hell yes, I don't care.

“Oo nga, ang bata pa kasi nila. Excited na akong may habul-habulin tayong little prince o di kaya little princess.”tawa pa nilang mahina. Kami naman ni Enrique, pinagpapatuloy lang ang ginagawa namin. Shit. Pleasure and pain strikes me one at a time.

“Sana nga kambal para masaya. Di ba may lahing kambal ang Prinsesa Julia?”

“Oo nga, no? Kambal ang dalawang kapatid ng Prinsesa Julia, sina Maverick at Cassandra.  Sana nga fraternal twins din gaya nila.”

“Oo nga!"

"Tsaka ang popogi at gaganda ang magiging mga supling nila."

Tumatawa lang ako sa isip ko sa mga na-overheard ko sa labas. Half-open kasi ang pinto, wala kaming pakialam. Ginagawa lang namin ni Enrique kung ano ang nararapat.

“Magandang gabi po mahal na prinsipe.”rinig kong bati nila kay Prince Jake.

“Andiyan ba ang Prinsipe Enrique?”

“Ah, eh. Wa---la po.”pagtanggi pa ng isa.

“Bakit kayo nandito sa labas ng kwarto niya kung wala siya diyan?”

“Ang ibig niya pong sabihin mahal na prinsipe ay hindi po sila pwedeng istorbohin ng prinsesa. Busy po sila, may project yatang ginagawa.”

“Ah, ganun ba?”

“Teka lang po mahal na prinsipe, hindi po kayong pwedeng pumasok.”

“Bakit naman hindi?”

Pagpasok ni Prince Jake, ngumiti lang ako sa kanya habang kinakamot at nilalagyan ni Enrique ng alcohol ang likod ko. Ang hapdi talaga, at the same time, makati. Sakto lang na kinuha ni Quen yung kamay niya sa likod ko.

“Patay, mali pala ang iniisip natin.”yan naman kasi, eh. Kung anu-ano ang iniisip nila. Wala kaming pakialam ni Quen, basta lang, ang kati.

“Anong nangyari sa likod niyo? Sabi nila may ginagawa kayong project, wala naman ah.”tawa pa ni Prince Jake.

“Kasi si Enrique, eh.”

“Ano ba?”reklamo pa ni Quen.

“Wag na nga kayong magtalo, sagutin niyo na lang ako.”

“Pasensya na po kuya, kinagat po kasi kami ng langgam kanina sa may garden, kaya ayun, makati ang likod namin.”paliwanag pa ni Enrique.

“Bakit sa likod? Hindi sa paa? Ano ba ang ginawa niyo?”napahawak lang siya sa bibig at tiyan niya sa kakatawa bago dumugtong. ”Di bale na nga, tara na at pinapatawag kayo ng hari at reyna.”yaya niya saka diretsong lumabas na tumatawa pa rin.

“Susunod lang po kami, kuya.”sagot pa ni Quen.

“Tara na nga Quen! Alam ko na kung bakit pinapatawag tayo, ah. Hala ka!”banta ko sa kanya sabay hatak paalis sa couch, parang bata lang.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon