CHAPTER 52
Julia
One week had past, hindi pa rin nakakagising si Quen. According to the investigation, wala namang foul play na naganap. Thank God, walang nagtangkang patayin ang asawa ko--it was all an accident. Even the driver of the red van was in critical condition--pero gising na siya after three days matapos mangyari ang aksidente. Sana magising na rin ang asawa ko--it was a good sign when he moved his fingers twice yesterday.
Isang linggo na rin akong walang ganang kumain, sobrang sagabal ang pagkain sa lalamunan ko, bawat nguya, bawat lulon--si Quen ang nasa isip ko. Paano kung hindi na siya magising? Natatakot ako na baka tuluyan siyang mawala sa buhay ko--sa buhay ng magiging anak namin.
"Juls, hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo."sambit pa ni Princess Jessy habang pinapaikot-ikot ko lang ang utensils sa kinakain kong pasta.
Hindi ko napansin na sa akin silang lahat nakatutok habang kumakain ng tanghalian--tulala lang ako at tahimik habang nakatitig sa pagkain at pinaglalaruan ang utensils.
"Kailangan mong kumain, hija. You have to be strong para sa magiging anak niyo ni Enrique. Lumalaban ang asawa mo kaya kailangan mo ring lumaban. Kahit hindi mo kayang gawin para sa sarili mo, gawin mo para sa asawa mo at sa magiging anak niyo."payo pa ng amang hari.
I digested everything he said before I responded. "Masusunod po, kamahalan."
"Take this as a word from me as a father, hindi bilang hari, anak."
I fake a smile but I failed. I ended up sobbing in front of them. Agad na tumayo ang reyna, lumapit sa akin, at niyakap ako. "Mahirap anak pero kailangan nating maging matatag para kay Quen. Madaling magsalita pero mahirap gawin. Kailangan eh."
Pagkatapos naming kumain, dumiretso lang ako sa kwarto. Humiga lang ako habang nakatingin sa kisame, walang ibang iniisip kundi si Quen. Asawa ko, lumaban ka. They didn't permit to stay long in the hospital--kailangan ko pa kasing i-restore ang lakas ko dahil sa sunod-sunod kong mawalan ng malay this past few days. I already took prenatal vitamins to help cover any nutritional gaps in my diet lalo na't wala akong ganang kumain.
Yes, I go there everyday just to see his face and expecting him to open his eyes. I'm eager to hear his voice and feel the warmth of his hugs.
Pagkatapos ko siyang mapanaginipan a week ago, hindi na yun sinundan pa--that was exactly the day of the accident. Sana mapanaginipan ko siya ulit, kahit sa panaginip lang ay marinig ko ang boses niya at makausap ko siya--hindi yung tinititigan ko lang siya at binabantayan na gumalaw ang mga daliri niya.
Pero ang mas gusto ko--ang tuluyan na siyang magising.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog at mapanaginipan siya--kahit papano mawawala ang stress sa katawan ko.
Pagdilat ko, hindi ako makagalaw, hindi rin ako makapagsalita--kita kong nakaupo si Quen sa couch katapat ng kama namin. Maaliwalas ang mukha niya--nakangiti at naka-dangle lang ang dalawang binti niya na parang seesaw habang nakasandal ang likod sa isang dulo ng couch.
Can I call this a nightmare? Simply because, it looks and feels so real, but partly it seems so impossible.
"Julia, asawa ko."sabi niya habang nakatingin sa picture nung kasal namin na nakasabit sa ibabaw ng kama. Ako naman, nakahiga lang habang nakatingin sa kanya.
Nakasuot siya ng longsleeves na white na nakatupi hanggang sa siko at naka khaki pants na loose at suot sa kaliwang kamay niya ang relong bigay ko nung second anniversary namin.
"Julia, mahal mo ba ako?"he smirked and stood. "Ako kasi mahal na mahal kita eh. Di ba sabi ko hanggang sa dulo hinding-hindi ako bibitaw? Sana ikaw rin, kasi ngayon pagod na pagod na ako, Juls. Kung mahal mo ako, sasamahan mo ako, di ba?"
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Roman d'amour#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...