CHAPTER 19
Enrique
My fists are suddenly clenching dahil sa halong galit sa sarili ko at pagkadismaya sa nangyari.
"Kamahalan pinapatawag po kayo ng mahal na hari."
Inangat ko ang ulo ko pero hindi ako umimik saka tumayo. Habang nasa bungad ako ng pinto ng kwarto ko, narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya. Napagpasyahan ko kasing ayusin muna ang sarili ko bago pa man makipag-usap sa ama kong hari.
Nakita ko si Julia na sumilip. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Nang makita ko siyang sumilip, hindi agad pumasok sa isip kong puntahan siya para kausapin man lang--natulala lang ako. Agad niya din namang isinara ang pinto. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at sama ng loob bungad ng pamumula ng kanyang mga mata dahil sa sobrang iyak.
"Nandiyan na po ang Prinsipe Enrique, kamahalan."sabi ng nakabantay sa labas ng opisina niya.
"Papasukin mo siya."sabi ng aking ama.
"Masusunod po, kamahalan."
"Maupo ka, hijo."seryosong sabi ng aking ama.
Umupo ako sa upuan katapat niya, nakayuko lang sabay tukod ng dalawang siko sa magkabilang kong binti.
"Alam mo, ang pag-aasawa ay hindi basta-basta. Hindi laro na nagbabahay-bahayan ka lang. Lalo na tayo na naninirahan dito sa palasyo. Lahat ng kilos natin ay nakabantay ang mga tao. Sana hijo, seryosohin mo ang bagay na 'to. Darating ang panahon na magkakaroon kayo ng sarili niyong pamilya, mga anak. Panatilihin natin ang magandang imahe ng ating pamilya sa mata ng lahat. "
"Labag po sa kalooban ko ang mga nangyari. Hindi ko sinasadyang masaktan siya, ama. It was just a misunderstanding."
"Alam ko. Alam ko, hijo. Pinalaki ka namin ng iyong ina na isang mabuting tao, na hindi magsisinungaling at may takot sa salita ng Diyos."
"Humihingi po ako ng paumanhin sa'yo ama. Patawarin niyo po ako."
"Huwag ka sa akin humingi ng tawad, hijo. Humingi ka ng tawad sa kanya, do all your very best para mapatawad ka ng prinsesa. Patunayan mo sa kanya kung gaano siya kahalaga para sa'yo at sabihin mo ang totoong nangyari na walang bakas ng kasinungalingan."
"Maraming salamat po ama sa lahat ng iyong payo."
"Simpleng problema pa lang yan, hijo. Maraming pang daraan na problema para subukan ang inyong pagmamahalan. Magpakatatag kayo."
"Maasahan niyo po yan kamahalan."
Sobrang nagpasalamat ako sa pag-uusap namin ng aking amang hari. Sa katunayan, nagkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin muli si Julia.
Nasa harap na ako ng pinto ni Julia. Nagdalawang-isip ako na kumatok baka kasi ayaw niya akong papasukin. Kailangan ko talagang makausap siya, hindi ko kaya na matagalan kaming ganito, na walang pansinan, walang imikan. Kaya ko 'to.
Kumatok ako, walang sumagot. I tried again, walang Julia na sumagot. I tried to turn the knob and it opened. I entered, there I saw her lying on her bed. Umiiyak lang siya nang tahimik. Mahal mo ba ako, Julia? Kasi ako, mahal na mahal kita. Dahan-dahan akong naglakad, umupo sa tabi niya--bandang paanan ng kama.
Hindi siya umimik nang makita ako, umikot lang siya sa kabilang side. Lumulon ako ng laway ko para simulan ang pagpapaliwanag, di ko nga alam kung nakalulon talaga ako. "Hindi ko sinasadya."panimula ko.
"Yan naman parati, di ba? Hindi ko sinasadya."sagot niya.
"I"m so sorry. Juls, please pakinggan mo ko. Ayokong maging ganito tayo."sabi ko sa kanya. Then, I reached her hand. Thank God, hindi siya kumalas. Medyo maluwag ang paghawak niya. At least hawak pa rin niya.
"Bitiwan mo nga ako. Sarili mo lang iniisip mo, Quen."hawak niya sa kamay ko para tanggalin ang paghawak ko sa kanya.
"No, Juls. It's not the way you think it is. You have to hear my explanation."
"So, ako pa ang mali ngayon? I don't wanna hear your stupid explanation! Do you hear yourself, Quen?! Ayokong makarinig ng puro kasinungalingan. Kilala mo ko, to see is to believe. Remember?"lingon niya tapos umikot din siya ulit sa kabila.
"No, hindi ganyan. Pakinggan mo muna ako. Pagkatapos nito, hindi na kita kukulitin pa."yakap ko sa kanya sa likod.
"Ayoko."
"Please."pagmamakaawa ko.
Inalis niya ang pagyakap ko. Akala ko, aalis siya pero hindi pala. Humarap siya pero hindi diretsong nakatingin sa akin.
"First thing, patapusin mo muna ako. Eto yun eh, nagulat ako, Juls, nang bigla niya akong hinalikan. Sinabi niya sa akin na mahal niya daw ako, pinaliwanag ko sa kanya na may asawa na ako, at ikaw yun. I feel sorry to hurt her, kaya humingi ako ng tawad sa kanya matapos ng ilang araw, at yun nga kanina."
"Wow! Ang galing mo Quen! Ang galing galing! Kayong mga lalaki ginagawa niyo lang kaming tangang mga babae, eh."sarcastic siyang tumawa na may halong iyak sabay palakpak nang dahan-dahan.
Bigla siyang tumayo pero nahila ko siya pabalik sa kama. "Ano ba, Quen?! Nasasaktan ako. Bitiwan mo ako."higpit kong hawak sa braso niya.
"Yun ang hindi mangyayari Julia. Hindi kita bibitawan kung hindi mo ko pakikinggan."diin ko pa habang sapilitan niyang inaalis ang braso niya sa hawak ko.
"Sarili mo lang talaga iniisip mo!"
"Juls, lumuhod ako kay Coleen para magmakaawa na sabihin sa'yo na walang namamagitan sa aming dalawa! Oh ano? Masaya ka na? I swallowed my pride for you, for us."sigaw ko.
Tumigil siya sa pagkalas sa hawak ko. Wave of tears just rolled down to both of us. I hugged her so tight, like I was afraid that she might disappear.
"Hindi totoo yan, Quen! Nagsisinungaling ka lang, di ba? Di ba?"hampas niya sa dibdib ko saka tumayo. Hindi ko na siya napigilan.
"Totoo ang mga sinasabi ko, Juls."
Her back is front of me. Ang sakit, sobrang sakit. Ganito pala ang pakiramdam, mahirap magmahal.
"I'm sorry, Quen! Ako nga dapat ang humingi ng tawad dahil sinayang ko lang ang oras mo. Wala ka namang dapat ipag-alala, eh. Kung tutuusin wala naman akong karapatan para magalit sa'yo!"she explained in between her sobs.
"Meron, Juls! Meron! Dahil tanging ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Ikaw lang at walang sinuman na makakaagaw nito sa'yo."
"Sinasabi mo lang yan, Quen! Just get out! Get out! Get out of my room!"sigaw niya sabay turo ng sa pinto.
Tumalikod ako, dahan-dahan naglakad palabas. Nang nasa bungad na ako ng pinto, lumingon ako--bakas sa kanyang mukha ang sakit na kanyang nararamdaman at sobrang pagkalito. Mahal nga talaga ako ng babaeng 'to.
I slammed the door and never hesitate to hug her again--possehsive hug. At this very moment, we're staring at each other. Hawak ko ang magkabila niyang pisngi. Ramdam ko ang gumaralgal niyang paghinga dahil sa pagtaas-baba ng dibdib niya. I suddenly grabbed her lower lip, kissing her intensely like there's no tomorrow. She didn't respond at all, instead, she stopped me and felt a stingy slap--that slap never told me to stop. I kissed her again hanggang sa inapakan niya ang paa ko at sinuntok ako sa sikmura, dahilan para mapabaluktot ako sa sahig.
"Hindi mo na ako nirerespeto, Quen. Yan lang ba ang gusto mo sakin? Ha?"lumabas siyang umiiyak.
"Juls, I'm sorry."sabi ko pero hindi na niya narinig sabay hawak ko sa sikmura.
Dobleng sakit--pisikal at emosyonal.
Author's notes:
Please do not forget to vote and comment!
Follow me on twitter >> @SarahSLemeric
Follow niyo rin ako dito. :-)
Add yourself freely in this facebook group >> https://www.facebook.com/groups/SarahLemericReaders/
BINABASA MO ANG
Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)
Romance#Wattys2015 Winner Naranasan mo na bang magmahal? Malamang ,oo. Masarap magkaroon ng isang bestfriend, lalo na kung nandiyan siya parati sa tabi mo. Yung tipong mula sa kabutihan hanggang sa kalokohan ay magkasama kayo. Pero bestfriend nga ba tal...