Twenty-Four: Chocolates
"Mikasa!"
Napatigil ako sa paglalakad na papasok na sana sa school gate, nang may tumawag sa'kin. Nagulat pa ako nang may biglang kumapit sa balikat ko, bago pa ako nakalingon sa taong ito.
"Ikaw ba ang nakakuha ng pangalan ko sa Manito at Manita natin?" Bungad na tanong ng isang babaeng naka ponytail ang buhok, at hindi ko siya namumukhaan.
"Uhm, huh?" Nalilito kong tanong sa kaniya, habang masayang nakaabang naman siya sa'kin.
Teka lang, sino ba siya?
"Ano ba... sabihin mo na lang kasi, tutal December one na ngayon oh!" Pamimilit niya pa sa'kin.
Nagtataka at nalilito ko pa rin siyang tinutukan ng tingin, hindi ko talaga kilala ang babaeng ito at bakit niya ba talaga ako kinakausap?
Napanguso na lamang siya nang ilang sandali akong naaawkward sa kaniya, at wala talaga akong kaalam-alam kung sino talaga ang taong ito. Hinatak na niya akong tuluyang makapasok sa school gate.
"Hay naku, Mikasa... Pati ba naman ikaw, hindi magsasabi ng totoo sa'kin?" Pagmamamaktol niya, at nalilito na talaga ako ngayon kung bakit siya sumasabay sa paglalakad ko.
Tumigil ako sa pakikipagsabay sa kaniya, kaya kaagad siyang napalingon sa'kin na nagtataka. Diniritso ko na siya bago pa ako magkamali, na isa lamang siyang schoolmate na nasa lower grade pa dahil sa kaniyang height.
"Uhm, teka lang... schoolmate ba kita?" I asked awkwardly.
Siya na naman ngayon ang nagugulat at nalilito. "Ano? Anong schoolmate ka diyan?" Depensa niya.
Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa, at hindi ko talaga mapapaniwala ang sarili na nagkakamali ako ng dahil lang sa height niya. Napasinghap na siya nang namalayan niya yata, ang panunuri ko sa kaniyang height na hindi tugma sa iniisip ko.
"Hoy gaga! I'm your classmate! Ako 'to! Si Eana!" Himutok niya sa'kin.
Napaface palm na ako sa sarili, at hindi ako makapaniwala na nakakalimutan ko pa talaga ang mismong kaklase. Magsasalita na sana ako nang biglang nagbago ang pakikitungo niya sa'kin.
"Maiwan na nga kita diyan, wala kang sense na kausap." Nababanas niyang tugon nang dahil nga siguro sa katangahan ko, kaya nauna na siyang maglakad papunta ng classroom.
Haisyt! Ang tanga-tanga mo talaga self!
Nang dumating na ang lunch time sa araw na ito, takhang natutulala na lamang akong nakaupo sa mesa dito sa aming canteen habang sinusunggaban ang kinakaing pananghalian.
Muli ko na namang naalala ang natanggap kong mansanas at sulat kahapon, kaya tulala ko na namang tinititigan ang pagkain.
Nakakapagtaka. Pero alam ko namang isa sa mga kaklase ko lang ang nagbigay ng mansanas at sulat sa akin kahapon.
At bakit niya naman ako bibigyan ng mga ganoon?
Napaismid na lamang ako at isinawalang bahala na lang ang tungkol sa bagay na iyon, at pinagpatuloy ko na lang ang kinakain na mga ulam. Naistorbo lamang ako nang marinig ko ang kabilang mesa na nagkakagulo.
"Justine! Mamigay ka naman ang damot mo!"
"Oiy! Penge isa!"
"Gusto ko 'yong chocolate bar sa'kin!"
Kapansin-pansin sa aming canteen ang mga kabataang excited na excited na sa nalalapit na Pasko. Nagsisimula na ang ibang club officers na decorationan ang aming school canteen ng mga Chirstmas lights at balls. Muli kong ibinalik ang tingin sa mga estudyanteng nagkakagulo sa aking tapat at napatunayan na mga kaklase ko lang pala ang mga ito.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...