Fifteen: Dress
Biyernes, at bukas na nga talaga ang Christmas Party namin. Buong araw na abala ang mga kaklase ko sa pagpapaganda ng room para bukas. Makikita talaga sa mga mukha nila ang excitement, at nagpapasalamat na hindi na pumasok ang mga subject teachers namin para sa classes namin ngayong araw.
Tahimik na lamang akong nagcu-cut out ng mga lettering sa isang sulok, at hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa taong namimigay sa'kin ng mga regalo.
Until now, I still didn't find out that person. At paano ko ba siya makikilala? Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula, wala pa rin akong ginagawang hakbang na hanapin siya.
Gusto kong hanapin ang taong ito hindi lamang magpasalamat, kundi ang patigilin na siya sa ginagawa niyang pamimigay ng regalo sa'kin na masyado nang sumusobra. Nakakatuwa, pero ang maisip na ang paghihirap at ang perang inilaan niya para sa mga gastusin ng mga regalong ito ay nagpapakonsensya na sa'kin. Hindi ko lubos maisip kung gaano na ito kagastos.
At hindi niya naman talaga kailangang maging misteryoso sa'kin. Kung gusto niya nga akong bigyan ng mga regalong ito, dapat man lang nagpapakilala siya. Ang ayoko lang sa lahat ay baka masasanay na ako sa sitwasyong 'to!
Napabuntong-hininga na lamang ako ritong binabagabang ng mga regalong iyon. Tahimik ko pa ring pinagpatuloy ang ginagawa, nang bigla akong nilapitan ni Justine dito.
"Mikasa, anong isusuot mo bukas?" Magaang tanong ng kaklase, at naupo na siya sa tabi ko.
Sinulyapan ko siya at hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya, dahil wala naman talaga akong maisusuot bukas. Wala naman akong perang pambili ng bagong damit para sa party, at maayos na sigurong isusuot ko na lang ulit 'yong outfit ko last year.
"Pareho lang sa isinuot ko last year." Simple kong sagot sa kaniya.
"Ahh..." Dahan-dahan siyang tumango sa'kin, pagkatapos ko siyang sagutin.
Pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa, kahit nakikipagkwentuhan na siya sa'kin ngayon.
"Akala ko hindi ka pa nakakabili ng damit para bukas. Gusto ko sanang sabay na tayong bumili ngayon." Aniya.
Sumulyap muli ako sa kaniya at nakatuon lang ang buong tingin niya sa ginagawa kong paggupit ng mga letterings sa kamay. Muli kong ibinalik ang tingin doon, at sinagot siya habang abala ulit sa ginagawa.
"Uhm, pasensya ka na. Wala rin kasi akong perang pambili." Hindi na akong nahiyang sabihin iyon sa kaniya.
"Pero pwede mo pa rin ba akong samahan?" Kaagad niya namang tanong.
Binaba ko na ang hawak na gunting at ang cut out lettering sa arm chair bago ko siya sinagot.
"Pasensya na rin, Justine. H-hindi na muna kita masasamahan ngayon." Nahihiya kong dahilan sa kaniya.
"Bakit naman, Mikasa?" Seryoso niyang tanong.
Napalunok na ako, at hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kaniya. "U-uh... B-bibili pa ako ngayon ng maireregalo sa Manita ko." Pagsisinungaling ko sa kaniya kahit matagal na akong nakabili nun.
"Pwede naman kitang samahan niyan, at pwede mo rin naman akong samahan sa lakad ko 'di ba?" Agap niya.
Paano nga ako makakawala sa imbetasyon ni Justine sa'kin? Hindi naman sa tinataboy ko siya, pero wala lang talaga akong balak na umalis sa araw ngayon dahil sa ginagawa kong pag-iimbestiga sa namimigay ng regalo sa'kin.
Hindi na ako nakaimik sa kaniya, kaya muli siyang nagsalita.
"Sige. 'Wag na lang pala, Mikasa. Baka nakakaistorbo pa ako sa'yo." Walang emosyon niyang tugon, at mukhang na galit ko nga siya dahil doon.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...