Nine

2K 76 3
                                    

Nine: Black Rose

Magdamag akong hindi nakatulog. Hindi na ako nakatulog sa sobrang daming iniisip, at mukhang hindi nga ako patutulugin sa gabing ito.

Habang tumatagal ang panahon at ang nalalapit na Pasko, mas lalo kong napapansin at nararamdaman ang araw na iyon kahit ilang ulit ko pa itong binabalewala.

At bakit nga ba ako nakakatanggap ng mga regalo? Anong ba talaga puno't dulo nito? Hanggang ngayon, wala talaga akong ideya kung sino nga ba talaga ang namimigay ng mga regalo sa'kin. Kung bakit nga ba ako binibigyan ng taong iyon, at anong pakay niya kung bakit niya ako binibigyan?

Napabuntong-hininga na lamang ako, at bumangon na mula sa pagkakahiga sa kama. Napasulyap kaagag ako sa wall clock, at nakitang alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin ako nakakatulog.

Tutal, hindi na rin naman ako makatulog... napag-isipan kong dumalo na lang sa gaganaping Misa de Gallo ngayon sa unang pagkakataon.

Kahit kailan, hindi ko naisipang dumalo sa pagsimba sa okasyong ito. At kahit napagpaplanohan ko ito noon, hindi naman ako makakagising ng maaga o 'di kaya naman ay takot akong lumabas na mag-isa dahil sa mga ganitong oras.

Kaya ngayong taon na'to, sisikapin kong makompleto ang siyam na araw ng Misa de Gallo bago ang araw ng Pasko.

Naghilamos lamang ako ng mukha dahil masyado pang maaga para maligo. Nagbihis ako ng long sleeve off-shoulder white dress na below the knee, at pinaresan ko kaagad ito ng boots na bigay noong Christmas Party namin. Hinayaan kong nakalugay ang mahabang buhok sa likod, at iniligay ko lang sa likod ng dalawang tenga ang bawat gilid ng hibla ng buhok.

Sinulyapan ko ang orasan at nagsasabi itong may kalahating oras pa bago magsimula ang misa. Umalis na kaagad ako ng bahay at naglakad na papunta doon kahit napakatahimik at napakalamig ng madaling araw na ito.

Nilakad ko lang ang papuntang simbahan dahil malapit lamang ito sa sariling bahay ko, may mga kapit-bahay naman akong nakakasabay kaya hindi na ako natakot na maglakad na mag-isa sa ganitong oras.

Nang makarating na ako sa simbahan, bumungad kaagad sa'kin ang mga nagniningning na mga palamuti ng parol, lanterns, garlands, Christmas lights at balls. Damang-dama ang kapaskohan sa simbahang ito.

At kahit papano, unti-unti ko nang tinatanggap sa sarili ang isang bagay na binabalewala kong maramdaman noon. Pinaghalong poot at lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko ang nararating na Pasko.

Ayoko nang kaawaan pa ang sarili. Ayoko nang iyakan ito na walang sapat na dahilan. Ayoko nang mabulok sa mga damdamin na hinusgahan, sinaktan, tinakwil, at iniwan.

Nakahanap na ako ng mauupuan na nasa gitna lamang ng simbahan, kaagad na akong lumuhod sa nahanap na upuan para mag-alay ng dasal.

I offered a prayer to Him... so I could finally be happy this upcoming Christmas. Na tulungan Niya akong maging malaya na sa mga damdaming pinapasan ko taon-taon, na tulungan Niya pa akong magpatuloy sa buhay na ito kahit nawawalan na ako ng dahilan na magpatuloy.

Napayuko ako sa aking mga kamay na matinding pinagsiklop ko sa isa't-isa at napabuntong-hininga ng malalim. I would only have a wish this year, to finally be light-hearted this Christmas that I've been refraining myself from it.

Nagsimula na kaagad ang misa nang lumipas na ang ilang minuto. Buong misa ay nakinig lamang ako sa homily ni Father. Hindi ako dinalaw ng antok dahil sa nakakainspire na mga salitang binitawan niya. Nakaramdam ako ng katiwasayan mula sa kaniyang homily na nagbigay sa'kin ng gabay at lakas na muling magpatuloy sa buhay, narinig Niya pala kaagad ang panalangin ko kanina.

Nang matapos na ang misa, nilibot ko muna ang buong simbahan para makapag-alay ng dasal sa mga rebulto at makapagpasalamat sa Kaniya sa inspirasyong magpatuloy. Nang matapos na ako sa pag-alay ng mga dasal, nagtataka ko na lamang tinitigan ang isang sakristan na lumapit sa'kin.

"Magandang umaga, may nagpapabigay po nito para sa'yo." Nahihiya niyang tugon sa'kin, at nakalahad na sa harapan ko ang pumpon ng itim na mga rosas.

"H-huh?" Nagdadalawang-isip pa ako na tatanggapin ko ba ang nakalahad na bagay sa'kin.

"Tanggapin mo na 'to, Miss... nanunuod siya sa'tin ngayon." Napapakamot sa ulo niyang tugon.

"Huh? Sino?" Agaran kong tanong.

Sa halip na sagutin niya ako, inabot niya ang dalawa kong kamay at ipinahawak na sa dala-dala niyang bouquet. Malimit siyang ngumiti sa'kin pagkatapos, at mabilis nang umalis sa harapan ko. Nagtataka na lamang akong sinundan siya ng tingin.

Napatingin na ako sa buong paligid, hinahanap ang taong sinasabi ng lalaking iyon na nanunuod sa amin. Pero wala naman akong nakitang tao na nakatitig o nanunuod sa akin ngayon. Lahat ng tao sa buong paligid na ito ay naglalakad na palabas ng simbahan, habang ang iba naman ay naiwan pa ring nagdadasal sa simbahang ito.

Muli kong binalingan ang rosas at sinuri ito ng mabuti. Nakakapagtaka kung bakit wala man lang akong nakitang sulat o card sa bouquet na ito.

Bakit iba ito sa mga regalong natanggap ko noon? Bakit wala man lang sulat? Paano ko na naman hahanapin ang taong namimigay ng mga regalo sa'kin?

Nalulungkot ko na lamang tinititigan ang pumpon ng rosas, but I can't hide the fact now that this made me happy again today.

25 Days before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon