Fourteen: Boots
A new day has come again, and I still don't have any idea whoever gave me these gifts.
Natutulala na naman ako habang nakatitig sa sariling repleksyon na nakaupo sa harap ng aparador. Tapos na akong maligo at kumain, at ngayon wala talaga akong alam kung sino nga ba ang taong ito.
Hindi kaya si Justine? Siya ang unang taong nagbigay sa'kin ng chocolates, pero bago pa mangyari iyon may natanggap ako na mansanas. Baka naman si Almarie? Pero imposible rin na siya talaga ang nagbigay nung mamahaling merchandise ng paborito kong cartoon.
Si Necca kaya? Pero imposibleng reregaluhan niya ako ng ganito karami? Pwede ring si Eana? At napakaimposible rin ng babaeng 'yon. O baka naman talaga 'yong Elfis? 'Yong half foreigner na nakilala ko noong nagkasakit ako, at noong pumunta siya sa school namin?
Nakapalumbaba na lamang ako sa aparador, kaharap ang repleksyong nakanguso na ngayon at magkasalubong ang kilay. Kilala ko nga ba ang taong ito? O baka naman talaga panahon na para maniwala ako ni Santa Claus kahit ang tanda-tanda ko na?
Nagbuntong-hininga na lamang ako at tinalikuran na ang salamin sa aparador, para maharap na ngayon ang damit na nakalatag sa kama na susuotin ko sa araw na ito. Isang set ng damit na natanggap ko galing sa mga batang nangaroling kagabi.
Napakaimposible talagang galing ito sa mga bata, lalo na't nakatanggap na naman muli ako ng sulat na calligraphy. Ilang beses ko nang sinuri ang card na iyon, at parehong-pareho nga talaga ito sa mga naunang natanggap kong sulat.
Napasulyap ako sa oras at nagsasabi itong malapit nang magsisimula ang party. Wala sa sarili ko na lamang pinulot ang damit na susuotin, at tamad na binihisan ang sarili para sa araw'ng ito.
Nang matapos na akong suotin ang lahat, napatitig ako sa sariling repleksyon sa salamin dahil sa hindi inakalang bumagay na damit sa akin.
Nagmistulang hindi ko kilala ang sarili habang nakatitig sa repleksyon ng salamin. Dahil lang naman sa suot kong itim na dress na hanggang legs ang haba, at ang kapares nitong white off-shoulder sa inner na hanggang manggas ng aking kamay.
Kahit na medyo maliit tignan ang suot kong dress dahil sa katangkaran ko, bumagay naman ito sa aking katawan at sa kasama nitong off-shoulder.
Hindi ko alam kung ano ang maipapares ko sa ibaba para bumagay sa damit. Kahit ilang ulit na akong nagsusukat kung alin sa dalawang sapatos at doll shoes ang babagay. At minamalas nga naman, nasira na pala ang doll shoes ko at hindi ko na kasya ang sapatos.
Labag sa kalooban kong isinuot ang matagal ko ng high heels na hindi ko kailanman na gamit.
Kabadong-kabado ako dahil hindi ko alam kung paano maglakad ng maayos gamit nito. Idinaan ko na lamang ang pagiging kabado sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pag-aayos ng sarili.
Hinayaan ko lamang nakalugay ang mahaba kong buhok, at nilagyan ng bobber pins sa kabila't gilid ng tenga. Pagkatapos ay nagsuot ng yellow gold hoop earrings. Nang matapos na ako sa paghahanda, pinasadahan ko muli ang sarili sa salamin at mukhang masyado akong maputla kaya naglagay din ako ng lip tint sa labi.
Umalis na kaagad ako ng bahay nang matapos, at naglalakad na papuntang highway na nakasabit sa balikat ang black sling bag na natanggap ko rin kagabi, habang sa isang kamay naman ay ang maliit na Christmas paper bag na naglalaman ng cooking book para sa aking Manita.
Nahihirapan na akong maglakad papunta ng highway pa lamang. At hindi ko lubos maisip mamaya kung anong mangyayari sa'kin gamit ang high heels na ito, lalo na't party ba naman ang dadaluhan ko ngayon.
Nakahanap na kaagad ako ng tricycle at sa gitna ng biyahe papuntang eskwelahan, kaba at takot ang pinoproblema ko dahil sa suot na high heels.
Paano kung matalisod ako mamaya? Baka pagtatawanan lamang nila ako doon? Paano kung mamamaga ang paa ko dahil sa pamimilit na mairaos ko ang araw na ito na hindi matalisod? Makakayanan ko ba kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...