Three: Explosion Box
Hindi ako nakatulog sa sinabi ni Elfis sa'kin.
What is he trying to imply?
Sino ba talaga ang pinapahiwatig niya? Sino nga ba talaga ang namimigay sa'kin ng mga regalo? Kilala niya nga ba ito o pinaglalaruan niya lang ako? Hindi ko talaga siya maintindihan kahit saang aspekto ko pa itong suriin.
Napabuntong-hininga na lamang ako, sinalampak sa mukha ang unan at inalala ang mga nangyari kanina.
"Sumabay ka na sa'min sa pag-uwi, Mikasa. Masyado ng malalim ang gabi para bumiyahe kang mag-isa." Presentar ni Elfis sa akin.
"S-sige." Kabado kong sagot nang mapasulyap ako sa kaniyang pinsan na malamig ang tingin sa'kin.
Kakatapos lang ng concert at papaalis na kami rito sa venue. Mabagal ang usod namin sa pag-alis dahil sa maraming tao.
"Pumunta ka lang dito na mag-isa?" Malamig na bulong ng kaklase kong pinsan ni Elfis, habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao.
Tumango lamang ako bilang sagot sa kaniya, dahil baka hindi niya marinig ang mahinang boses ko.
"Ba't hindi ka nagpasama papunta rito?" Kahit maingay ang mga tao, klarong-klaro talaga ang malamig niyang boses sa pangalawang tanong.
"W-wala naman akong mapasamahan." Pinipilit kong lakasan ang boses para hindi ko na kailangang mas lumapit sa kaniya para bumulong, kahit ang sobrang lapit na niya sa'kin.
"Bakit hindi ka na lang nagpasama sa'kin kung ganoon?" Malamig niya pa ring tanong habang nagkakasalubong ang kilay.
Natigilan ako at naramdamang uminit ang buong mukha ko ng ilang saglit. Imposible ba 'yang tinatanong niya?
Hindi ko na siya sinagot, sa halip tinitigan ko na lamang siya na parang nagpapatawa siya. Kaagad akong sumabay kay Elfis nang tuluyan na kaming nakalabas sa kompulan ng mga tao.
Hanggang doon lang naman ang interaksyon namin kanina. Alam kong walang malisya o hindi iyon mahalaga para sa kaniya. Pero bakit ganito? Ang panget-panget na ng nararamdaman ko!
Wala naman talagang malisya eh! Malamang nagmamalasakit lang siya dahil kaklase niya ako at napadpad sa lugar na 'yon! Pero teka...
Bakit nandoon sila kanina ni Elfis sa concert? Na sa pagkakaalam ko naman, hindi siya mahilig sa mga ganoon at sa pag-iidolo. Hindi ko man lang naitanong kanina kay Elfis kung bakit sila dumalo sa event.
Baka naman... makikita ko pa siya ulit bago magpasko, para malaman ko na talaga kung sino.
"Magandang umaga sa'yo, anak." Bati ni Papa sa kabilang telepono.
Nagising ako sa tawag ni Papa ngayong araw. Napapansin kong napapadalas na ang tawag niya ngayon sa isang buwan. Ni hindi naman siya ganito kadalas makipag-usap sa'kin sa loob ng isang buwan noon.
Sumulyap ako sa orasan at nagsasabi itong alas otso pa lamang ng umaga. Natulog kasi ulit ako kanina nang matapos akong magsimba, kaya nakabawi rin ng dalawang oras sa pagtulog.
"Magandang umaga rin po sa inyo." Inaantok kong bati sabay hikab.
"Anong plano mo ngayong Pasko diyan, anak?" Positibo niyang tanong.
Natagalan pa ako sa pagsagot dahil wala naman talaga akong gagawin sa araw na 'yon, wala rin akong pinaplano. Kaya, baka... matutulog lang din ako sa hating-gabi na 'yan.
"Magpapahinga lang po siguro."
"Hindi mo sasalubongin ang Pasko? Kasya naman yata ang ipinadala kong pera para sa Noche Buena mo anak?" Nag-aalala niyang tanong.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...