Six: Scarf
At sino nga ba talaga ang namimigay ng mga regalo sa'kin? Paulit-ulit na lang ba ako sa sitwasyong 'to? Paano ko nga ba talaga malalaman at mahahanap ang taong iyon?
Hahayaan ko na lang kaya siya? Siguro naman, titigil na ang taong iyon lalo na't ilang linggo na niya ako binibigyan ng mga regalong ito. At dapat ko na yatang pigilan ang sarili na masanay sa lahat ng ito, dahil baka ikakalungkot ko lang kung isang araw wala na akong natatanggap na mga regalo.
Madaling araw, wala na naman akong tulog. Hindi na naman ako pinatulog ng taong iyon at dahil na rin sa pagpunta ni Almarie kahapon.
Hindi kaya tama 'yong narinig ko sa katawag ni Almarie kahapon? Planado ba 'yong cartilage earring na iniwan niya sa bahay ko? At paano ko na naman mapapatunayan iyon?
Napabuntong-hininga na lamang akong bumangon mula sa kama, at oras na para makapaghanda para sa dadaluhang misa.
Nagbihis ako ng isang cold shoulder brown trench coat dress na hindi ko kailanman nasusuot. Nakalimutan ko na kung kanino ito galing, bagaman ngayon ko pa napansin na ang ganda pala ng dress na ito at bumabagay naman sa'kin. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahaba kong buhok sa likod, at nakontento na sa ayos ngayon.
Kagaya sa nakagawian, may kalahating-oras pa ako bago magsisimula ang misa. Nang makarating na ako sa simbahan, ay may napansin kaagad ako sa mga tao.
Habang tumatagal ang Misa de Gallo na ito, napapansin kong nababawasan na rin ang mga taong nagsisimba. Ang iba yata ay hindi na kayang magtitiyaga sa pagsisimba, lalo na't sa alas kwatro ng madaling araw itong ginaganap. At nagpapasalamat ako na kahit papaano, kahit hindi ako pinapatulog ng mga taong namimigay ng mga regalo sa'kin, nakakadalo naman ako sa misang ito.
Nagsimula na kaagad ang misa pagkatapos kong mag-alay ng dasal. Nakinig lamang ako sa buong misa ng homily at nakikisabay sa pag-awit ng worship songs. Nang matapos na ang buong misa sa ikaapat na Misa de Gallo na ito, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Naglakad na lang ako malapit sa malaking pinto ng simbahan, hinihintay na tumila na ang malakas na ulan dahil wala naman akong dalang payong. May mga tao rin akong kasabay na naghihintay lamang dito sa labas ng simbahan, sumisilong pa sa loob ng simbahan at hinihintay din na tumila na ang malakas na ulan.
Muntik na akong mapasigaw sa sobrang pagkakagulat nang may taong humatak sa'kin paalis dito sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nakaimik at napasunod niya nga ako rito sa kabilang parte ng simbahan na walang masyadong mga tao.
Lihim akong napasinghap nang humarap na siya sa akin.
"Ano 'tong ginagawa mo?" Malamig kong utas kahit kabado at nilalamig na ngayon.
Seryosong mga titig lang ang ipinukol niya sa'kin, at hinubad na niya sa pagkakapulot ang suot niyang scarf sa kaniyang leeg.
Hindi ko mapagkakaila sa sarili na bumagay sa kaniya ngayon ang simple black t-shirt, tight jeans at brown trench coat. Lalo na ang napansin kong maroon scarf na nakasabit kanina sa kaniyang leeg.
Mas lalo siyang lumapit sa'kin, at walang pahintulot na ipinulupot ang suot niyang scarf kanina sa aking leeg. Naiwan akong natutulala sa kaniya habang ginagawa niya iyon, at hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra na ngayon ang nararamdaman ko na nakatayo rito sa harapan niya.
Nang matapos niyang gawin iyon, nagtaas siya ng tingin sa'kin at nagtama kaagad ang aming mga mata.
"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" Mahinahon kong tanong kahit sobra-sobra na ang tahip sa aking dibdib.
"I just want you to be happy... before you end this year with distress." Malumanay niyang tugon na mas lalong nagpakaba sa'kin.
"Hindi kita inaasahan na gawin ang bagay na 'yan."
"I know, but you wished for these things before." Mabanayad niyang sagot na para bang siguradong-sigurado siya sa kaniyang mga sinasabi.
Mas lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa'kin. Hindi kaya... siya talaga ang namimigay ng mga regalo sa'kin?
"Ikaw ba..." Kinakabahan akong tapusin ang tanong ito.
"Ang namimigay ng mga regalo sa'kin?" Nasabi ko na nga kaniya ang mga katagaang iyon sa kalagitnaan ng sobrang tahip ng puso, at sa kabang dumadagundong sa aking dibdib.
Ilang sandali kaming natahimik, at nagkakatinginan lang sa isa't-isa. Kumikislap ang mga matang niyang nakikipagtitigan sa'kin, at ang katabi naming bintana ay humuhupa na doon ang malakas na ulan habang lumalakas na rin ang sobrang pintig ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kaniya, wala akong karapatan na makaramdam ng ganito sa isang kaklase na sa pagkakaalala ko ay dapat ko siyang iwasan.
Nakita kong unti-unti siyang napanguso, at hindi ko na alam ngayon kung pinaglalaruan lang niya ba ako.
Tumigil na nga ang malakas na ulan, pero ang malakas na pintig ng puso ko ay hindi pa rin tumitigil. Hindi rin ako makaiwas ng tingin sa kaniya ngayon, at mukhang nahihipnostimo nga ako sa mga kumikislap niyang mga mata.
"Mauna na ako." Pahayag niya at hindi ko na napigilan ang biglaan niyang pag-alis.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan, naguguluhan at halo-halo ang nararamdaman sa sarili. Hindi ko alam kung anong tamang sagot sa itinanong ko sa kaniya, hinayaan niya lang akong mas lalong maguguluhan dito at hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga kilala ang taong namimigay ng mga regalo sa'kin.
Pero sisikapin kong sa araw na ito, makikilala ko na ang taong iyon.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...