Four

2K 78 5
                                    

Four: Concert Ticket

Mahimbing na akong nakatulog kagabi dahil sa kapanatagan na malalaman ko na nga talaga ang taong namimigay ng mga regalo sa'kin. Maaga akong nagising, alas tres ng madaling araw para sa dadaluhang Misa de Gallo.

At ngayon, habang nagbibihis na ako ng damit at maaga nang nakapagligo... hindi na talaga ako mapakali. Paniguradong sa simbahan ko na siya makikilala, o baka naman pagkatapos na ng misa?

Saan ko nga ba siya makikilala? Bakit todong-todo ako sa pagpapaganda sa sarili na mukhang pinaglalaruan lang naman ako ng Elfis na 'yon?

Tumigil muna ako sa pagsusuklay ng basang buhok, at napaisip habang nakatutok ang tingin sa salamin. Argh basta! Bahala na! Sigurado akong ngayon ko na siya makikilala, at dapat ko nga itong paghandaan.

Tapos na ako sa paghahanda at napasulyap na sa orasan. May tatlumpong minuto pa bago magsimula ang misa, at ngayon lang ako nakakaramdaman na ang bagal-bagal talaga ng orasan ngayon. Hindi na nga ako napapakali rito, at dapat sana hindi ako nakakaramdam ng ganitong sobrang excitement.

Kasalukuyan na akong naglalakad sa madilim pa ring kalangitan habang malalim na namang napapaisip.

Anong unang sasabihin ko sa kaniya? Should I introduce myself first? At bakit ko naman gagawin iyon? Mukhang matagal na nga niya akong kilala dahil mukha namang nalalaman niya mga kaganapan ko sa buhay.

Should I thank him immediately? Malamang, Mikasa! Ang dami-dami na nga ng binigay niyang mga regalo, dapat lang magpasalamat ka kaagad! Bakit pa ba ako magmaang-maangan pa? 'Yon naman talaga ang pakay ko hindi ba? Ang makilala siya para mapasalamatan ko na nga siya.

Pero alam ko naman sa sarili na pinagtitripan lang ako ng taong ito. Alam ko na sa oras na magpapakilala at magpapakita na ang taong ito sa'kin, ay maniningil ito ng malaki para tumbasan ang mga bagay na ibinigay niya nga sa akin.

Ayokong may utang na loob ako sa ibang tao nang dahil lamang sa mga regalong natatanggap ko. This doesn't sound right. Dapat itigil na niya ito dahil nasasanay na akong nakakatanggap ng mga regalo.

Na para bang hindi na makokompleto ang buong araw ko... kung hindi ako makakatanggap ng mga regalo.

Palagi na akong umaasa na makakatanggap ako ng regalo bukas, palagi na akong nae-excite kung ano na naman kayang regalo na matatanggap ko sa susunod na araw, at parang nahuhulog na rin ang loob ko sa taong namimigay sa'kin kahit hindi ko nga siya kilala.

Buong misa, ipinagdadasal ko na makikita ko pa ulit si Elfis. Desperadang-desperada na talaga akong mahanap at makilala ang taong namimigay ng regalo sa'kin, at dapat ngayon pa lang may ideya na ako kung sino nga ba talaga siya.

Sa totoo lang, gusto ko nang tigilan na niya ito at magpasalamat na rin ako sa kaniya. I don't wanna get used to something even I asked or prayed for it, because I know this just won't last as what I've been longing for.

Natapos na ang buong misa, hindi ko pa rin nakikita si Elfis. Palinga-linga na ako sa buong simbahan pero hindi ko talaga siya mahanap.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo rito sa upuan, at susubukan ko na lang libutin ang buong simbahan baka mahanap ko pa nga siya. Sinimulan ko na ang paglilibot na parang tinatanaw lang ang Christmas decorations sa buong paligid, at dahil nakuha ang buong atensyon ko sa Belen na nasa harap hindi ko namalayan na nakabunggo na pala ako.

"Pasensya na po!" Agaran kong pagpapaumanhin sa taong nakabunggo ko.

Bahagya pa akong nagulat na bumungad sa'kin dito ang class president namin.

"Mikasa! Ikaw pala 'yan!" Masigla niyang bati sa'kin, at hindi ko nga siya napansin noong una.

"N-necca!" Napapakurap kong bati sa kaniya mula sa pagkakagulat, at kaagad din akong ngumiti sa kaniya.

25 Days before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon