Twenty-One

3K 102 12
                                    

Twenty-One: Novel

Sa sumunod na araw, may pasok na kami kahit Sabado na sa araw na ito. Nagkaroon pa rin kami ng pasok ngayon dahil sa nangyaring bagyo sa loob ng dalawang araw. Cover up classes dahil dalawang linggo na lamang ang natitira bago kami mag Christmas break.

Buong araw akong nagpahinga at nagpagaling, kahit nabasa man ng ulan nang dahil sa nangyari, bumabawas na ngayon ang lagnat ko kahapon. Pero hindi ko pa rin maiwasang maging matamlay na pumasok sa eskwela ngayong araw na 'to.

Naalala ko muli ang buong nangyari sa'kin kahapon.

Sino ba talaga ang lalaking iyon? Wala naman akong nakakasalamuhang lalaking kagaya niya, at imposible ring schoolmate ko siya dahil hindi ko pa kailanman nakita ang pagmumukha niya rito sa school.

Pagod ko na lamang ipinikit ang mga mata para maiwasan na ang pag-iisip sa lalaking iyon.

"Mikasa, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Justine nang dumating na ang aming lunch break.

Kasalukuyan na ako ngayong kumakain ng pananghalian, pero hindi ko na yata kayang tapusin ang natitirang pagkain sa harapan.

"U-uh... ayos lang ako, Justine." Magaan kong sagot sa kaniya, ayoko nang mag-alala pa siya sa'kin.

Tuluyan na siyang umupo sa harapan ko, at mukhang may ibang pakay nga siya sa'kin dito na mag-isang kumakain sa lamesa.

"Tungkol nga pala sa preparation natin para sa Christmas Party, makakapag-practice ka ba mamaya?" Panimula niya.

Tumikhim ako at uminom ng tubig.

"Oo, sisipot ako mamaya." Hindi ako sigurado kung kaya ko na ngang sumama sa practice namin mamaya.

"Ayos lang naman kung hindi ka na makakapunta sa ngayon, mukhang kailangan mo pa yatang magpahinga... Nagkakasakit ka ba?" Aniya.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Uhm.. oo, mga dalawang araw pero gumagaling na ako ngayon kaya... 'wag ka nang mag-alala tungkol sa practice natin mamaya dahil dadalo ako." I assured him.

Tumango siya sa'kin pero mukhang hindi nga siya pabor sa sinasabi ko ngayon.

"Ang mas mabuti pa, Mikasa... bukas ka na lang dumalo sa dance practice natin, may practice rin naman tayo bukas kaya 'wag mo ng pilitin ang sarili mong dumalo mamaya." Paliwanag niya, at magandang ideya naman iyon.

Bumaba na lamang ang tingin ko pabalik sa pagkain na nasa harapan, at nakukumbinsi na niya ako ngayon.

May ponto nga siya, kung gusto ko na ngang tuluyang gumaling sa sakit na 'to dapat mas uunahin ko ang sariling kalagayan para makasali na ako sa kanila bukas. Nagpapasalamat naman ako na naging ka groupmate ko si Justine, he considers everyone like this.

Thirty minutes lang ang lunch break namin, kaya naman kaagad na itong tumunog para sa susunod na klase. Hanggang alas tres lang din kasi ang class hours namin, kaya mabilis lang ang lunch time at may mahaba pa kaming oras para sa mga school activities namin pagkatapos.

"Sabay na tayong bumalik sa classroom." Pag-aanyaya niya.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot habang nagliligpit sa pinagkainan. Naipasok ko na pabalik sa bag ang lunch box nang may biglang lumapit sa'min.

"Justine."

Sabay kaming napalingon ni Justine sa taong tumawag sa kaniya, bumungad kaagad sa gilid ng aming lamesa ang kaklase naming naaalala kong nanghiram ng lecture notebook sa'kin noon.

"Sabay na tayong pumasok sa classroom, dadaanan pa tayo sa faculty room." Seryoso niyang tugon kay Justine, at pagkatapos ay tumitig sa'kin.

Napakurap ako ng ilang beses at umiwas na ng tingin sa kaniya nang magtagal ng ilang sandali ang titig niya sa'kin.

25 Days before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon