Twenty-Three: Hot Choco
Nagmamadali na akong lumabas ng bahay, at nakalimutan ko pa sa loob ang payong kaya bahagya pa akong nabasa sa malakas na ulan ngayon.
"Hay ano ba 'yan!" Reklamo ko sa sarili at natataranta nang binuksan ang payong, at kaagad nang naglakad palabas ng gate.
Nahihirapan pa ako sa paglo-lock ng gate dahil sa bitbit na payong para hindi mabasa, at nararamdaman kong nababasa na ng ulan ang back pack ko sa likod. Nang tuluyan ko na ngang malock ang gate, nababasa na ang suot kong uniform.
Mabilis na akong naglakad papuntang highway para makahanap kaagad nang tricycle, sinulyapan ko pa ang bitbit na cellphone sa kabilang kamay at nakitang tatlong minuto na lang bago mag-alas otso ng umaga at mali-late na nga ako sa klase!
Hindi na ako nagtagal sa paghihintay na makahanap ng tricycle, at ngayon ay isang minuto na lang ang natitirang oras para sa'kin at limang minuto pa ang biyahe ang papunta doon sa school. Dumagdag pa sa pagpapahirap sa'kin ang malakas na ulan sa labas, at baka basang-basa na ang buong uniform ko bago ako makapasok sa unang klase ng umagang ito.
"Patience... patience..." Bulong-bulong ko sa sarili habang natataranta na talaga ako ngayon, at lalo na ang mabagal na pagpapatakbo ng driver dahil sa malakas na ulan ngayon.
Doon pa ako napanatag nang makitang paparating na kami sa school gate, at nagtataka ako kung bakit may iilang mga estudyante na doong lumalabas. Mabilis na akong nagbayad sa tricycle driver, at tuluyan nang lumabas mula sa loob bitbit ang payong habang nagtatakang pinapanuod ang lahat.
Nang makalabas na ako ay binalot kaagad ako ng lamig, at masama rin ngayon ang pakiramdam ko sa lalamunan dahil sa nilantakang mga chocolates kagabi. Niyakap ko ang sarili gamit ang isang kamay habang nakikisalubong sa paglalakad ng mga estudyante paalis ng eskwelahan.
"Mikasa!"
Hinanap ko kaagad ang tumawag sa'kin, at nakita ko kaagad si Justine na sumulpot sa harapan ko.
"Uh, Justine." Namamaos kong bati sa kaklase dahil sa nagbabarang lalamunan.
"Naku, late ka na! Pero buti na lang wala tayong pasok ngayon." Pahayag niya at hinahatak na niya akong maglakad paalis ng school gate.
Sumunod na ako sa kaniya habang nilalamig pa rin kahit may suot na jacket.
"Huh? Bakit?" Walang kamalay-malay kong tanong sa mga nangyayari.
"Suspended kasi classes natin ngayon, may bagyong nagaganap sa araw na 'to." Paliwanag niya, at doon ko pa napansin na naka kapit na ang isang braso niya sa braso ko para mapasunod ako sa kaniya sa paglalakad.
"Uh, ganoon ba? Sige Justine, uuwi na lang ako ulit." Nagsayang pa talaga ako ng pamasahe para lang makapasok sa arawng ito.
"Huh? Anong uuwi ka na lang ulit?" Tanong niya pabalik sa'kin.
Kokontra na sana ako nang inunahan niya ako.
"Tutal narito ka na rin naman, pupunta na lang muna tayo ngayon sa coffee shop para magpapainit."
Nagkatinginan kami at tinitimbang ko pa ang sitwasyon kung sasamahan ko ba siya. Ang lakas pa rin ngayon ng ulan kahit tumigil muna kami ngayon sa paglalakad.
"Kaya nga pinasuspend ng maaga ang pasok natin 'di ba, para dumiritso na tayong umuwi?" Depensa ko sa sinabi niya.
Natawa pa siya sa sinabi ko. "Ano ka ba naman, Mikasa... Magpapainit lang naman tayo doon sa coffee shop at uuwi rin tayo pagkatapos." Pahayag niya at mukhang hindi ko na nga siya matatanggihan nito.
Napabuntong-hininga na lamang ako, at hindi ko maitatanggi na napapayag na niya ako ngayon.
"Oo na, sige na. Bilisan mo na diyan para makauwi na tayo kaagad." Tugon ko sa kaniya at nauna pang maglakad mula sa pagkakahinto doon.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...