Seventeen

2.2K 91 6
                                    

Seventeen: Headband

Kinabukasan, may pasok na kami. Hindi na nagtagal ng dalawang araw ang bagyong iyon, at napapansin kong ilang beses na ngang binabagyo ang buwang ito.

Buong araw lang akong natutulala sa school, malalim na napapaisip kung sino nga ba talaga ang namimigay sa'kin ng mga regalo. Siguro, sisimulan ko na sa araw na ito ang paghahanap sa taong iyon para matigil na 'tong kahibangan na 'to.

Nang matapos kaagad ang eskwela, dumiritso na ako sa sakayan ng tricycle pauwi ng bahay. Hindi naman ako nagmamadali, pero dapat kong pag-isipan sa bahay ang buong hakbang sa paghahanap ng taong iyon.

Natigil lamang ako nang may humabol sa'kin bago ako makasay sa tricycle.

"Miss!"

Hinarap ko na siya dahil sa ilang ulit niya akong tinatawag.

Bahagya akong nagulat nang mamukhaan ko kaagad siya.

"Miss, you drop this again." Pahayag niya at nakalahad na ngayon sa harapan ko ang isang headband.

Ano? Wala akong suot na headband!

Malamig ko siyang tinapunan ng tingin pagkatapos kong sulyapan ang headband na iyon.

"Wala akong suot-suot na headband kanina." Malamig kong tugon.

Nairita lamang ako nang matamis siyang ngumiti sa'kin.

"Eh 'di sa'yo na lang 'to ulit." Nangingiti niyang tugon, at siya na mismo ang naglagay ng headband sa ulo ko.

Hindi na ako makagalaw ngayon nang dahil sa ginawa niya, pero nagtagal pa rin ang mariin kong titig sa kaniya.

"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" Malamig kong tanong.

"Wala akong masamang intensyon." Mahinahon niya namang sagot na salungat sa tinanong ko.

Sinuri ko ang buong ayos niya, at nakita ko kaagad na magkaiba ang school uniform namin. So, hindi ko siya schoolmate pero napadpad siya sa paaralang 'to?

Nabasa ko ang pangalan niya sa kaniyang school I.D.

"Anong ginagawa mo rito kung ganoon?" Sinulyapan ko muli ang I.D niya.

"Elfis?" Malamig kong tugon.

"Sinadya kong pumunta rito sa school niyo para ibigay sa'yo ang paborito mong headband, Mikasa." Sagot niya sa'kin, at hindi na ako nagulat na alam niya ang pangalan ko nang dahil na rin siguro sa suot kong school I.D.

Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa'kin.

"Mikasa." Napatingin kaagad ako sa kaniya, at nagulat ako nang lumapit na rin sa'min dito ang kaklase kong nanghiram ng notebook sa'kin noon.

"Pumasok ka na sa loob, sabay na tayong umuwi." Malamig niyang tugon habang mariin ang tingin sa kaharap naming si Elfis.

Hindi ko alam kung galit nga ba siya sa taong ito, nang dahil sa mariin niyang titig kay Elfis. Hindi na ako nagsalita at sinunod ko na lamang ang kaniyang sinabi, dahil hindi ko na kayang harapin ang taong stalker na 'to.

Sumunod na rin siya sa'kin at tumabi na sa pagkakaupo rito sa loob. Kaagad nang pinaandar paalis ng driver ang tricycle doon, at pinagtatakha ko na lamang kung sino nga ang lalaking iyon.

Bakit niya ba ako sinusundan? Noong una ay 'yong nangyaring pagbili ko ng gamot na malapit lang sa bahay ko, at ang kasunod naman ay ito?

Hindi kaya siya talaga ang namimigay sa'kin ng mga regalo?

"Anong iniisip mo?" Biglang tanong ng taong katabi ko.

Seryoso lamang siyang nakatingin sa harapan namin nang napasulyap ako sa kaniya. Hindi niya ako nilingon kaya iniharap ko muli ang tingin sa harapan.

"Nagtataka lang ako." Maikli kong tugon.

"Na ano?" Mabilis niyang tanong.

"Kung bakit niya ako sinusundan? O kilala?" Hindi sigurado kong sagot.

"Baka naman talaga kilala mo siya at nakakalimutan mo lang." Mahinahon niyang sagot sa'kin na ikinatigil ko.

B-bakit ko naman kilala ang lalaking iyon? Hindi ko pa kailanman nakasalamuha ang taong kagaya niya. Dahil base sa hitsura niya, mukha siyang dayuhan o half foreigner? Hindi siya mukhang Pinoy, at sigurado ako na hindi ko pa talaga siya nakilala noon.

"Ikaw ba? Kilala mo ang taong iyon?" Bato ko ng tanong sa kaniya.

Matagal bago siya nakasagot. "Hindi."

Natahimik na lamang ako, pero muli niya akong tinanong.

"Bakit? May hinahanap ka ba?" Naiintriga niyang tanong sa'kin.

Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo? Na may hinahanap nga akong tao na namimigay sa'kin ng mga regalo?

"Meron." Tanging nasabi ko, at saktong tumunog ang aking cellphone sa isang tawag.

Kinuha ko na kaagad ito mula sa bulsa, nakitang si Papa ang tumatawag sa'kin ngayon.

"Hello, anak?" Bungad ni Papa nang masagot ko na ang tawag.

Nanatili na lamang siyang tahimik sa tabi ko, na parang hinahayaan na niya akong makipag-usap sa magulang.

"H-hello po, Pa? Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko kaagad sa kaniya.

Bago ko pa narinig ang sagot ni Papa ay tumigil na ang tricycle, at nauna nang bumaba ang kasama ko rito sa loob.

"Itatanong ko lang sana anak kung nakakapagdesisyon ka na ba? Tungkol sa ididiriwang nating Pasko." Pahayag niya, at nagkatinginan muna kami ng kaklase iyon bago umandar muli ang tricycle paalis.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang mawala na nga siya sa paningin ko.

"H-hindi pa rin ako sigurado, Pa." Maingat kong sagot sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung dadalo nga ba ako.

"Ayos lang, anak. Baka sa susunod sigurado ka na at makakasama na muli kita sa Paskong ito." Nahihimigan ko ang malungkot niyang boses doon.

"O-opo. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin dito, maayos lang naman po ang pamumuhay ko rito, Pa." Nahihirapan kong sagot sa kaniya.

Nakita ko kaagad na malapit na akong makarating sa bahay, kaya mabilis na akong nagpaalam sa kaniya. Nang matigil na ang tawag ay bumaba na kaagad ako mula sa tricycle, nagbayad ng pamasahe at naglakad na papasok sa gate.

Pagod na lamang akong napabuntong-hininga nang masarado ko na ito, at ang dami ngang nangyari sa araw na ito.

25 Days before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon