One: Forgiveness
"Let us all have utmost joy and love on Christmas, that we all do deserve from one another."
Mahinahong tugon ni Father sa kaniyang homily ngayong ika-siyam na Misa de Gallo.
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa namumuong luha sa mga mata, at mapait na lamang napangiti sa kaniyang sinabi. Not from the bitterness I always had from myself, but from the mixed emotions that I have right now.
Masayang-masaya ako dahil nakompleto ko na talaga ang Misa de Gallo. Kahit kailan sa buong buhay ko, hindi ko pa ito nakokompleto nang dahil lang sa pighating dinadaranas ko. Ang drama-drama ko, at nauwi pa sa puntong dinamay ko pa talaga ang mahahalagang pagkakataon na kagaya nito.
At ngayon, totohanin ko na talagang lubayan na ang kalungkutan na natitira pa sa'kin para tuluyan na akong maging masaya at payapa mula sa mga dinaranas ko noon.
Umuwi na kaagad ako matapos ang buong misa, kapansin-pansin na sa paligid ang lumiliwanag na ngayong kalangitan habang naglalakad na ako pauwi ngayon. Kaya naman ang mga Christmas lights sa bawat poste ng nilalarakan ko ay unti-unti nang namamatay ang ilaw.
Biglang nagring ang aking cellphone sa isang tawag, kinuha ko kaagad ito mula sa bulsa at sinagot na ang tawag ni Papa.
"Hello po?"
"Magandang umaga sa'yo, anak." Magaang pahayag sa'kin ni Papa.
"Kumusta ka na diyan, anak? Pasensya ka na, masyado akong maagang tumawag sa'yo." Aniya.
"Ayos lang naman po ako, Pa. Kakatapos ko lang pong magsimba ngayon." Nahihiya kong tugon, habang patuloy pa ring naglalakad pauwi.
"Talaga, anak? Nakompleto mo ba ang Simbang Gabi?" Nagagalak niyang tanong.
"Uhh, oo po..."
"Naku! Nakakaproud naman 'yan, anak!" Narinig kong napahalakhak siya sa kabilang linya. "Anong handa mo mamaya para sa Christmas Eve, anak?" Pagpapatuloy niya nang makabawi.
"W-wala pa po, pero... baka maggro-grocery na rin po ako mamaya." Napapakamot sa noo kong tugon.
At muntik ko pa talagang makalimutan ang bagay na 'yan, huh?
"Ganoon ba anak? Akala ko nakapagbili ka na noong mga nakaraang araw. Baka maabutan ka na ng last minute." Natatawa niyang tugon dahil sa huling sinabi.
"Hindi naman po siguro..." Natatawa ko na ring sagot.
Nang makabawi ay ilang sandali kaming natahimik.
"Kung tapos ka na sa paggro-grocery mo, anak... pwede ka bang mapadaan dito sa bahay?" Maingat niyang tanong sa'kin.
"B-bakit po?" Kinakabahan ko nang tanong.
"Dito ka na mag Pasko, anak." Magaan niyang tugon na nagpalambot sa'kin.
Napabuntong-hininga ako at alam kong ilang ulit na akong iniimbitahan ni Papa ngayon para sa Pasko mamaya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging malungkot dahil tatanggihan ko na naman siya, o dapat ba akong maging masaya dahil sa taong ito ngayon pa lang niya ulit inimbitahan simula noong nakapagbukod na ako.
"Anak..." Naramdaman ko ang pagkakapiyok ng boses ni Papa nang tinawag niya muli ako sa pangalan na iyon.
Tuluyan na akong napatigil sa paglalakad, at malungkot na ngayong nakatitig sa harapan na para bang kaharap ko ngayon si Papa.
"Anak, minsan lang naman ako nanghihingi ng pabor sa'yo, hindi ba? Kaya sana.... pauunlakan mo itong alok kong makasama kita ngayong Pasko." Hindi lumagpas sa tenga ko ang pagkakalungkot ng boses niya doon.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...