Eleven: Bullcap
Umagang-umaga pa lang, nakatanggap na ako ng text galing kay Papa na nagpadala na siya ng allowance sa buwang ito.
Mabuti na lamang na nakapagpadala na siya sa'kin, dahil hindi ko na talaga alam kung saan ako maghahanap ng makakain ngayong araw na ito at sa mga susunod na araw. Kaya umaga pa lang, umalis na ako ng bahay para makapag-grocery.
Nakabihis lang ako ng jogging pants, black hoddie jacket at furry slippers. Binagay ko na lamang ito sa takbo ng panahon, dahil malamig na at may tyansang uulan mamaya.
Dumaan muna ako sa isang money remittance para makuha ang ipinadala ni Papa, ikinalugod kong nakatanggap ako ng pera na sobra pa sa nakasanayan niyang ipinapadala sa'kin. Kaya may pera pa ako para kumain sa labas mamaya.
Pumunta kaagad ako sa paborito kong fast food chain para doon na mag-almusal. Mag-isa akong umupo na nasa gilid lamang ng glass wall pagkatapos makapag-order, na kung saan ay makikita ang mga tao sa labas ng fast food chain na ito.
Madalas ang pagsulyap ko sa labas ng bintana, tinatanaw ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay habang kumakain.
Kahit papano, hindi ko minsan maisip na mag-isa na lamang ako sa buhay. Minsa'y nakakalimutan kong maging mag-isa dahil sa mga bagay na nagpapasaya at nagpapalimot sa mga kalungkutan at ang pagiging mag-isa ko. At salamat na rin sa aking ama na hindi ako nakakalimutan, kahit isa lang akong pabigat sa kaniyang pamilya at aksaya ng pera.
Maraming mga bagay na nakakapagpalimot sa atin na maging malungkot at mag-isa. Ngunit sa punto kong ito... ramdam na ramdam ko ang pagiging mag-isa na namumuhay sa mundong ito.
Habang tinatanaw ko ang mga taong masayang magkakasama, masayang nagkwe-kwentohan, masayang sabay na kumakain, masayang sinisimulan ang araw na ito kasama ang mga taong nakapaligid sa kanila... bumabalot sa akin ang inggit at kabiteran.
Pinili kong maging mag-isa, pinili ko ang kalungkutang bumalot na sa'kin mula noon. Dahil ayokong mamuhay ng masalimuot ang mga araw kasama ang mga pamilya ni Papa. Ayokong ilibing ang sarili sa mga kapintasan at pamamalupit ng mga tao sa akin.
Nang dahil lang nabuo ako sa isang makasalanan na bagay, ay palagi kong nararamdaman na wala na akong karapatang mabuhay sa mundong ginawa Niya.
Nanlulumo kong iniligay pabalik sa plato ang kutsarang isinubo mula sa bibig. Anumang oras, pakiramdam ko na bibigay na ako rito sa sarili na mapaiyak at tuluyang kainin ng kalungkutan at pait.
Pinilit kong ngumuya ng pagkain na nasa aking bibig para mapigilan ang namumuong luha sa mga mata. Naluluha kong tinitigan ang pagkain na nasa aking harap, na sa halip ay maging masaya ako dahil nakakain ako ng paborito kong pagkain ngayon.
Huli na nang maramdaman ko ang luhang lumandas na sa aking pisngi. Pagod ko na lamang iniyuko ang ulo habang ngumunguya ng pagkain, para hindi makita ng mga tao ang kalagayan ko na ngayon. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi nang maramdaman kong lumandas ang pangalawang luha sa pisngi ko.
Masakit. Hindi ko maitago ang sakit, kahit nasa pampublikong lugar ako ngayon. There would be instances where I just let myself break down, at sa pagkakataong ito hindi ko mapigilan.
Nakarinig na lamang ako ng taong kumakatok sa gilid ng bintana, napalingon kaagad ako habang miserable na ngayong tahimik na umiiyak.
Nakita ko kaagad ang batang kumakatok sa gilid ko nang lumingon na ako sa kaniyang banda. Sumenyas siya sa'kin na tinuturo ang aking pagkain sa lamesa, at pagkatapos pabilog niyang hinahaplos ang tiyan na parang nagugutom na.
Ilang sandali akong napatitig sa kaniyang mga mata na mas malungkot pa sa mga mata ko na may luha, at mas lalo lang nagpalungkot sa'kin.
Habang iniiyakan ko rito ang pagiging mag-isa, ang iba pala'y namamatay na sa gutom. Hindi ko dapat kinokumpara ang sitwasyon ko sa mga taong mas malupit pa ang sitwasyon kesa sa akin. Hindi dapat ako magmalinis na hindi ako naging kagaya sa kanilang pulubi at taong grasa.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Novela Juvenil"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...