Two: Necklace
Hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising, ala dos pa ng madaling araw at maayos lang naman ang tulog ko kagabi pero maliban na lang sa nangyari kahapon.
Tuluyan na akong bumangon mula sa kama dahil hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog, bumaba na ako papuntang kusina para makapagkape na sa umagang ito kahit madaling araw pa lamang.
Habang nagtitimpla na ako ngayon ng sariling kape, hindi ko mapigilang mapaisip ng malalim at maalala ang nangyari kahapon.
Tumayo na rin ako galing sa pagkakaupo sa sariling silya, para madepensahan si Necca sa nangyayari.
"Bakit mo binibigay sa kaniya ang regalong ibinigay ko sa'yo?" Damang-dama ko ang nagtitimpi niyang boses doon.
Nagulantang ako sa sinabi niya. Bigay niya pala ito kay Necca? Hindi pala talaga para sa'kin ang regalong ito? Kay Necca pala talaga?
Malungkot akong napasulyap sa regalong nakapatong sa mesa, bago ko ibinalik ang tingin sa kanilang dalawa.
"A-anong problema mo kung ibibigay ko nga itong regalo kay Mikasa?" Natatawang tanong ni Necca.
"'Yon nga ang punto ko, bakit mo ibinibigay sa kaniya?" Matalim niyang tanong kay Necca.
"So, 'yon nga ang punto mo? Bakit? Masama ba? Masama ba 'yong ginawa ko? Pumalpak ba 'yong pinaplano mo?" Mapanuyang tanong ni Necca sa kaniya.
Hindi siya umimik sa halip nanatili lang ang matalim niyang tingin at nagtitimpi niyang nakatikom na labi.
"Alam mo kung bakit? Kasi hindi ko nagustuhan ang gift! Napaka old fashion mo! Ang cliché! Kaya 'wag ka nang magtanong kung bakit ko ibinigay sa iba!" Madramang dahilan ni Necca na parang nababalisa.
Ilang sandali silang nagkatinginan ng malupit sa isa't-isat at hindi umiimik sa isang nakakamatay na tahimik.
Nadidismaya ako sa nasaksihan ngayon, na dapat kong gawan ng paraan para maayos.
"N-necca, h-hindi ko 'to matatanggap ang regalo." Tahimik kong tugon na natatakot na baka nakakabasag ako ng katahimikan.
Mapanuya niya munang tinititigan ang taong kaharap, bago siya bumaling sa'kin na nag-aalala.
"No, Mikasa. Para sa'yo talaga ang regalong 'yan. Galing sa'kin ang regalo 'yan kaya 'wag ka nang mag-alala sa problema namin ngayon." Kalmado niyang pagpapaliwanag sa akin.
"P-pasensya na talaga, N-necca. Hindi ko talaga matatanggap." Dismayado kong tugon, at kaagad ko na silang tinalikuran doon bago pa nila ako mapigilan.
Paano nangyari 'yon? Bakit niya naman ibibigay sa'kin ang isang regalo na mula pala sa iba? Bakit kailangan ko pang maipit sa namamagitan ng dalawang tao na 'yon?
Nananahimik lang naman ako sa buhay ah. Hindi naman ako nang aabala ng buhay ng iba simula noon, kaya bakit pa nila ako dinadamay? Bakit pa nila ako ginagawang nakakatawa sa sitwasyong iyon?
At lalong-lalo na sa lahat, bakit nakakaramdam ako ng ganito? Bakit napakadismayado ko ngayon? Nang dahil ba ito sa palagi kong inaasahan na mga regalo na para sa'kin ay hindi naman pala? Anong nangyayari sa'kin?
Ayokong makaramdaman ng ganito. Alam kong saan ito papatungo, alam ko na kung anong mangyayari sa'kin at sa buhay ko kung ipagpapatuloy ko pa ito. Mas mabuti pang magkaroon ng tahimik na buhay at mag-isang mabuhay kesa makipag-interaksyon sa mga taong sasaktan lang naman ako.
"Mikasa!"
Mas lalo kong binilisan ang mga paa ko para hindi na niya ako mahabol. Palinga-linga na ako sa daan, naghahanap ng tricycle pauwi pero nakakabad trip dahil wala man lang akong mahagilip kahit ni isa!
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...