Ten: Rollerblades
Paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko ang huling sinabi ng lalaking iyon.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin? At bakit palagi na lang ako kinakabahan kapag nakakasalumuha o kapag magkakatinginan kami?
Madrama na akong napasinghap sa sarili dahil sa huling naisip. Nakakakaba naman talaga ang presensiya niya sa tuwing kinakausap niya ako at kapag nagkakatinginan kami. Pakiramdam ko ay kayang-kaya niya akong takutin o saktan at hindi ko talaga maintindihan kung bakit.
Natutulala na naman ako sa bagay na binili niya kahapon. Isang ball cap na nagustuhan ko lang naman ang design, pero siya pa mismo ang bumili nito at hindi ko talaga alam kung bakit!
Bakit niya naman ako binilhan nito? Wala naman yata akong nabanggit kahapon na magpapabili ako nito sa kaniya, at hindi ko pa rin naman naisip kahapon na bilhin ang bull cap na ito kahit nagustuhan ko na ang design.
Napasulyap ako sa labas ng bintana sa sariling kwarto, at hindi na gaanong mainit ang sinag ng araw dahil alas singko na ng hapon. Kaya naisipan kong mamasyal ngayon sa parke dahil sa pagkakainip ko na rito sa bahay.
Simpleng large t-shirt, shorts at white furry slippers lang ang suot ko. Kinuha ko na ang bull cap na nakalatag sa aking kama, ipinasok ko na sa butas ng cap ang buhok ko at pagkatapos inayos na ito sa pagkakalagay sa aking ulo.
Nang matapos na ako sa paghahanda at maisarado ko na ang buong bahay, tinatahak ko na ang daan papuntang plaza ng buong bayan.
Malapit lang sa bahay ang plaza ng aming bayan, at habang naglalakad ako papunta doon nagdadagsaan ang mga Christmas lights sa bawat poste na dinadaanan ko at sa mga kabahayan. At kahit hindi umulan sa araw na ito, ramdam pa rin naman ang malamig na panahon ng Disyembre.
Nang makita ko nang malapit na ako sa plaza, natatanaw ko na kaagad ang mga taong namamasyal na kagaya ko ngayon. Naglalakad-lakad ko habang tinatanaw ang buong parke. May natanaw ako sa malayo na parte ng plaza na makikitang may maraming Christmas decorations doon, tinatawag nila itio rito na Winter Land.
Didiritso na sana ako papunta doon nang may marinig akong may tumatawag sa'kin. Nilingunan ko ang banda kung saan nanggagaling ang tumatawag sa pangalan ko, at nakita ko kaagad doon ang hilera ng mga street food vendor.
"Mikasa!"
Narinig kong muling tawag niya sa'kin, hinahanap ko pa ang taong iyon sa hilera ng mga stool na iyon at napatingin kaagad ako sa taong kumakaway na ngayon sa'kin doon.
Nakangiti siyang kumakaway sa'kin doon kaya kaagad ko na siyang nilapitan. Napangiti na rin ako nang matanaw ko kaagad ang mga paninda niyang pinakapaborito kong street food.
"Kuya Sam." Bati ko sa kaniya nang makalapit na ako ng tuluyan sa kaniyang stool.
"Mabuti at nakita kita ritong namamasyal. Mag-isa ka na naman ba?" Tanong niya habang abala na ako ngayon sa pamimili ng malalaking chicken feet.
Sinulyapan ko siya at tanging maikling ngiti lang ang naigawad ko sa kaniya.
"Hay nakong bata ka, palagi ka na lang mag-isa kapag nakikita kita. Wala ka man lang bang ibang kaibigan? Sa edad mong 'yan, karaniwan na sa lahat ang pagkakaroon ng barkada o kaya naman nobyo." At dito na nga nagsisimula ang kaniyang pagiging madaldal.
Kahit nakakairita na minsan ang kaniyang mga ikwenokwento, hindi ko pa rin maiwasang makinig sa kaniya dahil wala namang ibang kumakausap sa'kin. Napailing na lamang ako sa naisip, at ang sama ko yata sa bandang iyon.
"Pasalamat ka Kuya, kinakausap kita ngayon." Pagmamayabang ko sa kaniya na kinatawa niya ng malakas.
Inilahad ko na ang bayad sa binibili ko at tinanggap niya naman.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...