Eight

2K 79 2
                                    

Eight: Mukbang

Nang matapos na ang Misa de Gallo sa panibagong araw na ito, inabala ko na kaagad ang sarili sa paglilinis ng buong bahay.

Habang nagwawalis sa sahig ng sala, hindi ko talaga mapigilang mapaisip na naman ng malalim. Maaga pa rin akong nagising kahit mas lalo lang akong nalilito sa natanggap na rosas kahapon. At natapos na nga ang pangalawang misa, hindi ako nakatanggap ng regalo kanina sa simbahan.

Paano ko na nga ba ngayon malalaman ang taong namimigay sa'kin ng mga regalo? Paulit-ulit na lang ako sa sitwasyong ito, at mukhang hindi ko pa nga nasisimulan ang paghahanap.

Hihintayin ko na lang kaya ang araw na magpakilala na siya sa'kin? At kailan naman mangyayari 'yon? May plano rin kaya ang taong iyon na magpakilala sa'kin?

Napasalampak na lamang ako sa maliit na sofa, at natapos ko na nga ang paglilinis sa buong bahay. Hindi ito gaano kalakihan at kaliit, saktong-sakto lamang ito para sa isang tao na kagaya kong mag-isang nakatira rito. Magkalapit lang ang sala at kusina sa unang palapag, habang may pangalawang palapag pa na kung saan doon nakalagay ang sariling kwarto ko.

Ibinili ito ni Papa sa akin noon nang nagmakaawa na ako sa kaniyang bumukod na nang mag-isa. Hindi ko na kasi masikmura at matiis ang pamamalupit ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak sa'kin.

Hindi ko na kayang magpakatatag pa sa buhay nang dahil sa kanilang mga pamimintas at kalupitan. Nagpapasalamat akong kinawaan pa ako ni Papa na mailayo mula sa kaniyang sariling pamilya pagkatapos ng lahat ng nangyari noon.

Mabuti na lang ay lumipat ako sa ibang bayan na hindi kilala ang pinanggalingan ko, na hindi nila kilala ang buong pagkatao ko. Kilala lamang nila ako sa pamamagitan ng pangalan ko, isang kapit-bahay na ulila at naninirahan na lamang na mag-isa base sa mga pananaw nila sa'kin.

Right then, I let things flow. I let things happen on their own places. I let it flow like how the coffee bean flow within the broiling water. Even tho I know to myself that it's too hot, that it's scorching hot flames, I would still manage to live and flow within kahit ibang-iba itong buhay ko na hindi karaniwan ng lahat.

Malapit na palang magtanghalian kaya pala kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Sobra rin akong napagod sa paglilinis ng buong bahay, at nakakapagod nang magluto pa ako ng pananghalian na pwede namang sa labas na lang ako kumain ngayon.

Nag-ayos muna ako ng kaonti sa sarili para sa labas na ako ngayon kumain. May natirang pera pa tin naman akong naipon para sa naisipan kong kumain sa isang fast food chain, at hindi na ako nagsayang ng oras na pumunta doon.

Nang makapasok na ako sa paborito kong fast food chain, kaagad na akong dumiritso sa counter para makapag-order ng makakain. Nakapag-order na ako, at pinapatahan na lamang ang patay-gutom na sarili na maging kontento sa pagkaing nakayanan ng perang naipon. Nakahanap na kaagad ako ng mauupuan, at kaagad ko nang nilantakan ang pagkaing nakayanang bilhin.

Kasalukuyan na akong kumakain nang may tatlong crew ang naglapag ng tag-dadalawang tray sa lamesa ko. Pero kaagad din akong nakabawi na baka may gusto lang umupo sa upuang bakante sa harapan ko. Inilatag na nila ang mga pagkain sa lamesa, pero hindi pa ito nagkasya sa lamesa ko kaya nagkuha pa sila ng lamesa para mailagay pa doon ang ibang tray ng pagkain.

Natigilan na nga ako sa kinakain dahil sa bahagyang pagkakagulat nang pagdating ng tao sa kaharap na bakanteng lamesa. Nagtama ang paningin namin habang may bitbit pa siyang isang tray at inilapag niya rin ito sa kaharap naming lamesa.

Umupo na siya sa bakanteng lamesa, at hindi pa rin ako makagalaw sa sobrang pagkakagulat at pagtataka ngayon sa presensya niya.

Napasulyap-sulyap ako sa paligid kung bakit dito niya pa talagang naisipan na umupo sa harapan ko, kahit wala naman talagang problema doon. Mas lalong lang akong naguguluhan nang makitang marami naman palang bakanteng mga lamesa, at hindi ko maintindihan kung bakit ang dami yata ng pagkaing inorder niya na nasa harapan ko.

"B-bakit dito ka pa umupo? Hindi na nagkakasya ang mga pagkaing binili mo." Mahina kong tugon dahil sa kahihiyan na parang pinapaalis ko siya rito.

"Gusto kitang sabayan." Casual niyang sagot na parang wala lang ito sa kaniya.

"H-huh? Sa ganiyan karami mauubos mo 'yan?" Bulong ko sa sarili na narinig niya yata.

"Sinong nagsasabi na hindi mo ko sasabayang ubusin ang lahat ng 'to?" Mapanuya niyang tanong na nakataas pa ang kilay na nakatitig sa'kin.

"Huh?!" Nabibingi kong tanong dahil sa kaniyang sinabi.

"This is how we do mukbang, Mikasa." Pahayag niya na parang may papatunayan siya sa'kin ngayon, at nakangisi na ngayon ang labi habang sinusubukang ngumuso.

At hindi na rin ako nakatanggi sa inaalok niyang sabayan siya sa pag-ubos ng mga pagkain ito, at dahil nga yata iyon sa pagiging patay-gutom ko since birth.

25 Days before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon