Seven: Earrings
Nang makauwi na ako kahapon, busog pa ako sa taong busog na busog. Hindi ko inakala na ganoon pala karami kapag nagmumukbang? Nasubukan ko nang mangarap noon na makasubok ng nagmumukbang, pero hindi ko talaga inakala na ganoon karami!
At teka, bakit niya ako naimbitahang kumain ng mukbang? Bakit nagkita na naman kami sa labas? Wala naman sigurong masama kung mag-anyaya ng pagkain sa kaklase, lalo na't ang dami ng binili niya kahapon na alam kung hindi niya mauubos. Kaya nagpapatulong na lang siya sa isang kagaya kong patay-gutom?
Tapos na ang buong misa sa ikatlong Misa de Gallo ngayon, kaya naman habang naglalakad pauwi ay malalim na namang napapaisip habang inaalala ang nangyari kahapon.
Buong eksena habang kumakain ay hindi kami nag-iimikan. Panay titig siya sa'kin sa tuwing kumakagat o ngumunguya ako ng pagkain na para bang minamanmanan niya ang bawat galaw ko. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa mga pagkaing sinusubo dahil sa mga paninitig niya sa'kin. Kahit naiilang ay nakaya ko pa rin namang ubusin ang lahat ng kinakain.
Nagpresentar pa siya sa'kin na ihahatid na niya ako pauwi, at hindi ko na siya hinayaang gawin iyon. Malaking utang na loob na 'yong nilibrehan niya ako ng pagkain at hindi naman kami close para ihatid pa niya ako sa bahay.
"M-maraming salamat sa libre mo kanina." Pahayag ko nang nakarating na nga kami sa sakayan pauwi ko.
"Sana nabusog ka." Tugon niya na naging dahilan para mapatingin na ako sa kaniya.
Umiwas na kaagad ako ng tingin nang muli na namang nagtama ang paningin namin, habang kanina pa ako kinakabahan at parang nagwawala na ngayon ang aking puso.
"U-uh, oo naman." Nahihiya kong sagot at itinuon na ang tingin sa mga tricycle na nakapasada.
"Baka kasi nakulangan ka pa." Mapanuya niyang tugon.
Kaagad ko siyang binalingan ng masamang tingin at bahagya siyang napangiti.
"Binibiro lang kita." Malambing niyang utas na parang nanunuyo na ng taong nakasimangot na ngayon na kagaya ko.
Kahit halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon, sinisikap ko pa ring magpaalam na sa kaniya dahil kanina pa talaga ako hindi mapakali sa tabi niya.
"Mauna na ako." Mahinahon kong paalam kahit hindi ko na talaga maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot, habang nararamdaman ko ang bumabaon niyang titig sa'kin.
"T-thank you a-again." Nahihiya kong tugon kahit paulit-ulit na.
Ilang sandali siyang hindi sumagot sa sinabi ko na para bang ayaw niya muna akong umalis. Narinig ko na lamang siyang nagbuntong-hininga, bago niya pa ako sinagot.
"Walang anuman."
At hindi ko nga makakalimutan hanggang ngayon ang mga nangyari kahapon.
Nakauwi na ako ng bahay mula sa sobrang dami ng iniisip. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay, dumiritso kaagad ako sa sariling kwato sa ikalawang palapag para matutulala na namang ng ilang oras.
Mahigpit akong napayakap kay Panpan nang makahiga na ako sa kama at natutulala na naman sa kisame. Inaalala ang lahat ng mga regalong natanggap. Pinag-iisipan kung kanino talaga iyon galing.
Kahapon, wala naman akong maalala na nakatanggap ako ng regalo. Wala naman akong natanggap na regalo mula sa ibang tao. Kaya, siguro ngayon... malabo nang makakatanggap pa ako ng regalo lalo na't araw-araw akong nakakatanggap ng regalo mula sa kung sinong pontio pilato.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...