Isang malamyos ngunit malamig na hangin ang bumalot sa aking sistema. Nakapagtatakang kung gaano kainit sa umaga'y ganoon naman kaginaw tuwing madaling-araw. Hinigpitan ko pa ang kapit sa aking damit ng muli itong umihip at ngayo'y nagdulot ng mas malamig na epekto sa akin. Nagsisisi tuloy akong iniwan ang jacket ko sa kwarto.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad sa buhanginan habang pinapakinggan ang malakas ngunit nakakapagpakalmang tunog na musika ang dating mula sa mga hampas ng alon sa dagat. Sa bandang kanan ko naman ay matatanaw mo ang linya ng mga punong niyog na may mga nakakabit na ilaw sa pagitan nito.
"I could live here forever." bulong ko sa aking sarili. Napaka-payapa nga talaga tuwing madaling-araw sa dalampasigan at talagang mararamdaman mo ang gaan ng bawat paghinga mo. Sa di naman kalayuan ay may natanaw akong lalaki, nakatayo lang doon sa harap ng dagat na wari ko'y may malalim na iniisip. Matangkad, may matangos na ilong, mapupungay na mga mata at labing nakakurba ng maayos. Kahit sa malayuan ay masasabi kong gwapo nga siya.
Dumiretso ako sa kanya at pinagmasdang maigi ang kabuuan niya. Hindi ko maiwasang mapahanga kung gaano kagandang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Inabot ata ako ng ilang minuto sa pagtitig bago niya ako mapansin dumako ang tingin niya sakin.
"Uh miss, don't you think its rude to stare at me like that?" tanong niya sa akin. "Hu-huh?" He chuckled and god! I could hear the angels singing in front of me!
"Alam mo miss, alam kong gwapo ako pero huwag namang tumingin ng ganyan, you're creeping me out" ngumiti pa siya ng todo. Mahangin ang loko!
"What?!... So-sorry" nabigla ako sa sinabi niya at napapahiyang tumungo, mukha ba akong mangangain ng tao? Jusmiyo naman kung siya lang naman edi go! Oh my god Maddy! Ano yang mga iniisip mo?! Napatungo ako at dumiretso na ako pabalik sa kwarto.
Nang malapit na ako ay bigla siyang sumigaw, "Miss laway mo tumutulo!" dahil sa isinigaw niya ay pasimpleng kong kinapa ang bibig ko kung mayroon nga ngunit wala naman! Mahangin na nga loko pa! Masyadong conceited!
Pagkarating sa kwarto ko, namin pala ng kapatid ko ay naabutan ko siyang gising. Siguro naramdamang wala ako sa tabi niya.
"Where have you been ate?" salubong niyang tanong sa akin. "I went out, nagpahangin ganon. Matulog ka na ulit." Tango ang iginawad niya at natulog na ulit.
Sa pagkakaupo ko sa kama ay naisip kong muli ang mga nangyari kanina. Hindi parin ako makapaniwala, kanina lang habang pinagmamasdan ko siya mukha siyang seryoso tapos nung nakausap ko naman, jusko! Taliwas sa naiisip kong ugali niya. Unbelievable! Ganoon ba ako ka-obvious? Itutulog ko na lang ulit at agad ko namang inabot ang extra pillow sa gilid ko.
Nakailang ikot na ba ako? Hindi ko na ata mabilang. Ang sabi ko matutulog na ako but I just can't get him out of my mind. His sight wearing only boxers made me sleepless right now. Bukod nga sa gwapo siya ay nakaboxers lang siya kanina, how pathetic he was! Ang ginaw ginaw sa labas pero nagawang magsuot ng ganoon dito. Huh, lamigin sana siya pero..... "Aaaaah!!" Hindi ko na napigilan at napasigaw nalang ako sa frustration, nagawa na nga niya akong hiyain kanina tapos ganito naman ngayon. Jusmiyo hindi maalis sa utak ko yung muscles niya sa braso pati na yung mga pandesal sa abdomen... "Loooord! May nagawa ba akong masama para gawin sakin to?? Gusto ko na pong matulog!" Napapadyak na usal ko.
"Ano ba ate magpatulog ka nga!" Sigaw naman ng kapatid kong nagising ko malamang. "Sorry"
Dahil sa wala akong maisip na gawin, nagbilang nalang ako ng tupa sa isip at unti-unti nang nakatulog.
YOU ARE READING
One Last Glance
FanfictionIt wasn't love at first sight but she fell slowly, hard and deep. Who wouldn't? Ricci made her feel like she was the prettiest and most precious thing in this world. Will their love surpass it all? This is my first ever Fan Fiction novel so yeah, pl...