Chapter 3

935 14 0
                                    

Sa lakas ng pagtama ng bola sa akin, abot-abot talaga ang panibughong nararamdaman ko ngayon. Hilong-hilong ako at bago pa man makalapit ang kung sino sa akin ay naramdaman ko na ang pagbigat ng aking ulo at tuluyan nang bumagsak ang katawan sa buhanginan.

"I've been in love to you Maddison for a long time. I didn't know when, God knows! I just felt it. I love you and you're all that I need." Sambit ng lalaking nakaharap sa akin ngayon, pamilyar ang tinig nito ngunit hindi ko maaninag kung sino. Magsasalita na sana ako nang biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"No! You can't choose her. I know for sure na ako ang mahal mo hindi siya so please, come back to me babe." Palahaw na sambit ng babaeng hinding-hindi ko makakalimutan kahit kailan. Michelle. My twin. She's crying and I know ako ang dahilan. Hindi ko man mawari kung ano ang nangyayari ay tumakbo na ako papalabas sa simbahang ngayon ko lang nakita. Simple lamang iyon ngunit napasarap tignan dahil sa mga antigong kagamitan at mga rebulto.

"Maddy, wait!" Ang sigaw ng lalaking hindi ko parin alam kung sino. Sino nga ba siya at bakit ako napunta sa sitwasyong ganito? Nasasaktan ako, hindi para sa akin kundi para sa kapatid ko. Kitang-kita ko ang poot at sakit sa kanyang mga mata at ramdam na ramdam din ang pagkamuhi sa akin.

Hindi ko kayang titigan siya ng matagal. Ayoko, dahil alam kong galit lang ang makikita ko sakanya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang mahal mo ay mahal nang iba? Lalo kung ang mahal niya ay mismong kapatid mo.

Nang makalayo na ako ay nag-uunahan na ang aking mga luha sa pagtulo. Wala na, hindi ko na kaya. Alam kong may mali ako ngunit bakit? Bakit ko nararamdaman ito?? Kanina,habang nagtatapat ang lalaki sa akin ay may kung ano akong naramdaman. Ibang iba sa lahat na para bang siya lang ang kayang makagawa noon. Ayoko, kung itong kakaibang nararamdaman ko ang sisira sa relasyon naming magkapatid, I better stop this feeling before it gets worse. I love my sister so much and I wouldn't trade my love for her for anyone else, not even him. I will choose her and only her because she's my family.

Tuloy-tuloy parin ang pag-iyak ko nang bigla namang may pumalo sa braso ko kaya't napamulat ako.

Sa aking pagmulat ay unti-unti kong iginala ang mga mata ko. Although its a little bit blurry, I can clearly say that this is not my room. Its all messy and  I can't see anyone but a man sitting beside wearing that "mesmerizing" grin of his. Oh god! Why am I so unlucky?!

"What?!" Pasinghal kong tanong sa lalaking nakita ko nung isang gabi. His toned muscle, pointed nose, black almond shape eyes and a pair of rep lips, sino nga bang hindi makakalimot sa kanya? Maski na kasing sama ni Ahma yung ugali niya, hindi ko parin siya makakalimutan.

Wala parin akong makuhang reaksyon o kahit ano mang salita sa kanya kaya't minabuti ko nalang na tumayo kahit na hilong-hilo parin ako ay pinilit ko na lamang at nang makalayo na sa lalaking to.

Kaya ko pa naman eh buti nalang talaga malakas ako kahit na iika-ika akong naglakad patungo sa pintuan. Asar kong binalingan ng tingin ang lalaking nakaupo parin ang tuwang-tuwa pang pinagmamasdan akong iika-ikang naglalakad. That jerk! Pasalamant siya hindi ko ugaling manapak ng tao, sa isip lang.

Binawi ko na agad ang aking paningin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa ang aking kapatid at kanyang mga bagong kaibigan.

Dali-daling pumunta si Michelle sa aking kinatatayuan at inalalayan sa paglalakad.

"What are you doing? Are you trying to leave?" Bakas ang pag-aalala sa boses ng aking kapatid kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti.

"Yeah. I woke with a stranger beside me and I have to do something." Sagot ko.

"Hey! I am not a stranger, we know each other, right?" Sabi naman nung lalaki.

"I can't remember meeting you before." Maang kong sagot sakanya.

Napasmirk naman siya at biglang lumapit sa aking tenga.

"We knew each other babe, why can't you remember?" Mahina ngunit dinig ko paring bulong niya sa aking tenga.

I was caught off guard. Wala pang nakakalapit na lalaki sa akin ng sobrang lapit bukod kay Daddy, and I do not know what to do nor to react. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon eh. Is it the fact that he's so close to me or is it the fact that he just called me babe? Fudge! Maddy do something!

"Look, you're blushing!" Asar niya sa akin na itninuro pa ang aking pisnge.

"Enough of that Cci, you're making her uncomfortable." Sambit ni Prince, if I'm not mistaken.

"Alright." Said that jerk with a grin plastered on his face.

"Ate are you okay now? I guess we should probably go." Yaya ng aking kapatid.

"Guys, we'll see you later. Thank you for taking care of my sister." Binalingan niya ng tingin yung lalaking lakas makapagpakulo ng dugo.

Matapos non ay inalalayan na ako sa paglalakad at tinungo na ang sarilin naming kwarto.

***

A/N...Char!:

Thank you sa nakaabot ng third chapter (as if namang meron haha) maraming thank you dahil binigyan mo ng chance ang kwento ko para mabasa.

Hindi ko alam kung kilala niyo ang Rivero brothers but ito na nga, sila yung inspiration ko dito sa story kaya pinangalanan ko ang mga characters ko alinsunod sa mga pangalan nila. Wala kasing maisip, pasensya na hehe. To be honest, I have little informatuon about sa kanila, I just know the shallow part at yung mga obvious lang naman na makikita sa bio nila so... For sure ibang-iba to sa characters. They may have the same name but they have different personalities. Syempre, fiction to so this has nothing to do with them. I chose them to be the portrayers of this story and nothing more.

Gomawo!

One Last GlanceWhere stories live. Discover now