Natapos nanaman ang araw na wala akong ginawa kundi ang maglakad at pumunta sa mga tyanggihan. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko ngayon, si Mich naman may sariling lakad. Ewan ko ba don at laging may pinupuntahan, buti pa siya at madami nang nagawa at napuntahan. Kaya't napagpasyahan kong susulitin ko na ang araw na ito dahil bukas ay uuwi na kami.
Dahil nga sa wala akong kasama, wala din akong alam sa mga maari pang pasyalan dito bukod sa paglalakad sa dalampasigan.
Papalabas na ako ng aming kwarto ng mapansin kong may naka-Indian seat sa hindi kalayuan. Tinignan ko naman kung sino at laking gulat ko na si Ricci pala iyon.
"Huy! Anong ginagawa mo jan?" Sigaw ko sa kanya at unti-unting lumapit sa kinauupuan niya.
Nakatingala siya sa akin ngayon at tila ba nagpapa-cute sa mukha niyang nakanguso.
"Nakaupo, malamang!" Kita mo to! "Hinihintay ka." Aniya sa isang walang ganang tono.
I was taken aback, kaya naman hindi ako nakapagsalita agad.
"W-why do you have to wait for me? Wala ka bang magawa at ako ang trip mo ngayon?" Tatanungin ko pa sana siya kaso hindi na nga lang.
"My brothers and cousins, with your sister left me so I have no choice but to stroll alone. Naisip kita, siguro naman pwede kang kasama maglibot-libot?" Dire-diresto niyang sabi ngunit pansin ang pamumula ng kaniyang tenga.
"Ahh..." Nag-iisip pa rin ako ng masasabi. "Okay." I give up! Tanging okay nalang ang nasabi ko at nauna nang nagtungo palabas ng hotel.
"Hey! Hintayin mo naman ako." Pahabol niyang sabi at unti-unting naabutan ako sa paglalakad.
"So... Where do you want to go first?" Tanong niya sa akin ngunit hindi naman ako umimik. Wala naman akong alam jan eh. Ang useless talaga ng pagpunta ko dito.
"Huy!" Hindi nanaman ako titigilan neto.
"Ewan. Sa tingin mo may alam ako?" Iritang asik ko sakanya.
Naglakad-lakad pa kami ng ilang minuto at pagkatapos niyon ay bigla na lang niyang hinatak ang kamay ko at nagtungo sa hindi ko alam kung saan.
Pinipilit kong makatakas sa pagkakahawak niya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Where are we going?" Kalmadong tanong ko sakanya.
"We're going to have some fun since iniwan tayo ng mga kasama natin." Then he showed his lop-sided grin.
Wala na rin akong nagawa dahil hanggang sa makarating kami sa parte ng isla kung saan pwede kang mamili ng mga activities na gusto mong puntahan ay hindi pa rin niya ito binibitawan.
"We're here!" At doon nga lang niya binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. "I hate being alone in this island and I fcking hate that I can't enjoy this vacation. Let's try snorkelling." Yaya niya sa akin.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Andito na rin naman kami so ieenjoy ko nalang din ang pag-explore underwater.
I was so hesitant to dive in at first because its my first time. I know how to swim but this kind was new to me. Sabi nila madali lang naman but I find it hard. Si Ricci naman ay kitang-kita kong nag-eenjoy sa ginagawa niyang pagsisid at medyo napapalayo na siya sa akin.
Kita mo to, ang sabi hindi raw nag-eenjoy 'pag mag-isa pero iniiwan lang ako.
Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagsisid.
Kitang kita ko ang makukulay na korales sa aking harapan. Ang mga isda na man ay may iba't- ibang ritmong sinasayaw. They are moving everywhere with different glow of colors. Ang gandang tignan, ang gandang makipagsabayan sa kanilang paglangoy.
Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan sila at akmang hahawakan ko sana sila ay bigla nalang silang nagsi-alisan. As in! Nawala sila agad-agad at nang lumingon ako sa aking kanan ay naroon na si Ricci sa tabi ko.
Napakabog naman bigla ang puso ko sa sobrang lapit niya sakin kaya't dali-dali akong napa ahon sa tubig. Umahon din naman siya kasunod ko kaya panigurado kitang kita niya ang mukha kong namumula na dahil sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa akin at saka biglang nagsalita.
"Umahon ka naman kaagad eh!" nagulat naman ako sa tono ng pananalita niya. Para bang inagawan ko siya ng laruan sa inakto niya.
"Anong kaagad?!" May topak din to eh, tagal ko na ngang sumisisid hindi ba niya pansin? Jusmiyo naman tong katukayo ko.
After non ay tumalikod na ako dahil feeling ko tapos na kaming mag explore... Or should I say siya lang dahil bitin pa ako sa mga nakita ko.
Lumangoy ako hangga't makaabot sa bangkang sinakyan namin kanina. Pinaabot ko ang kamay ko kay kuya at saktong pag-ahon ko sa tubig ay naramdaman ko ang malamig na sensasyon sa aking magkabilang baywang. Pinihit ko ang ulo ko at nakit ko naman si Ricci na ang lapad na ng ngiti sa akin.
"Careful" was all he said to me but it gives me chill and... whatever.
Hindi nalang ako nagsalita at umupo na ako sa bakanteng parte ng bangka.
"So... Where will we go next?" pagbasag niya ng katahimikan sa pagitan namin.
"Uhh...let's eat? Nararamdaman ko na kasi yung gutom." nahihiya man ay nakaya ko namang sabihin ito sa kanya.
He chuckled just enough so I can hear him. Namumula nanaman ang pisngi ko dahil sa reaksyon niya.
"Alright, alright. My little Miss is hungry." pang-aasar pa niya sa akin.
Wtf is he saying? Little Miss? Tapos meron pang "My" sa una? Oh my god! Hindi ko na talaga mapigilang mamula sa sinabi niya.
"You're turning red Maddy" sita niya sa akin.
"Ahhh..." unable to speak. "Mainit kasi." shoot!
"Mainit nga talaga." Pagsang-ayon niya sa akin sa nakakawiling tono.
Napatango-tango nalang ako sa sinabi niya at hinintay nalang na makarating sa dalampasigan.

YOU ARE READING
One Last Glance
FanfictionIt wasn't love at first sight but she fell slowly, hard and deep. Who wouldn't? Ricci made her feel like she was the prettiest and most precious thing in this world. Will their love surpass it all? This is my first ever Fan Fiction novel so yeah, pl...