Chapter 10

351 6 0
                                        

A day spent with him felt like ages. Yung para bang ang tagal tagal ko na siyang kasama? Ganon yun. There was no awkward feeling happened between me and him that time and I'm glad that it went well.

After our EK adventure hindi na nasundan pa ang pagyaya niya. Tumatawag nalang siya pero hindi na rin madalas. Paminsan-minsan na nalang.

"Why the sad face sis?" Tanong sa akin ng kambal ko.
"Huh? Hindi naman ahh." sagot ko. "Whatever you say sis. It's written all over your face kaya." aniya.

Hindi nalang ako magsalita dahil alam naman na niya ang totoo. Ramdam niya kung ano man 'tong nararamdaman ko. Bugnot na bugnot ako. I can't even read a book dahil sa hindo ko alam ang dahilan. Para akong namatayan ng mahal sa buhay sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"Kung ano man yan, stop thinking about hi-" I glared at her and I know who is she talking about. "Fine. Let's go out nalang." Yaya niya sa akin. Aayaw pa sana ako nang bigla nalang niya akong hilain at tinulak sa C.R.

"Maligo ka na at maliligo na din ako." Aniya. Tinitigan ko lang siya at pumasok na sa loob. Naririnig ko pa rin ang sinabi niya kahit na malayo na siya sa akin. "Oh cmon! Don't look at me like that! Feeling ko hindi ikaw yung kambal ko eh!" Iritang sigaw niya.

Ako parin naman yun ehh. Yun nga lang hinahanap-hanap ko si Cci. Ano ba kasing ginawa niya at parang hindi ko na siya mawala sa sistema ko?!

Nauna akong nakapagayos kaysa sa kapatid ko kaya naman naisipan ko pang magbasa muna. Kasalukuyan kong binabasa ang The Selection. Buti pa 'tong si America dala-dalawa ang nagmamahal sa kanya. Wala naman akong masabi sa author dahil maganda ang pagkakabuild up niya sa mga characters niya. Awang-awa pa ako sa part na ipinagtapat ni Maxon yung dahilan kung bakit ayaw niyang ipakita kay America yung sa likod niya. It's because of his scars. Para sakin hindi yun nakabawas sa paghanga ko sa prinsipe, imber nadagdagan. Ganoon ako nahook ng kwento lalo na sa istorya ni Maxon. Guess I also have to be strong like America.

Hindi ko namalayan at napansin kong nasa harapan ko na ang kapatid ko sa harap at nakahawak na sa magkabilang baywang niya. Hindi ko naman mawari ang mukhang iginagawad niya sa akin ngayon.

"I'm glad you still read." masayang sabi niya. "Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Anong bakit? It only means na ikaw parin yung Maddison na kilala ko, yung laging hawak ang libro hindi ang cellphone." aniya. "Ganon ba?" tanong ko. "Yeah, now we better get hurry para madami tayong mapuntahan" yaya niya sakin sa magiliw na boses.

After an hour ay nakarating na rin kami sa mall. Una niyang pinuntahan ang paborito niyang store. Hindi ko na siya pinigilan pa at sinundan na lang siya.

"Try this sis." Sabay abot sa isang aquamarine lace dress. Tinignan ko lang naman at walang balak na isukat.
"Ano ba? I said try it!" mando ng kapatid ko sa akin. "Oo na mommy" pang-aasar ko sakanya. Halata kasing asar na sa akin kanina pa.

"Oh diba bagay na bagay sayo!" Pagmamayabang niya sa napili niyang bestida para sa akin. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin at bumagay nga sa aking maputing kutis ang bestida.

"We'll take all of these Miss," aniya ng kapatid ko sa saleslady at iisa-isa na nila itong tupiin para mailagay na sa bag.

"Where to?" Tanong ko sakanya at habang papunta kami sa susunod naming pupuntahan ay nahagip ko sa aking kanang paningin ang matingkad na ngiti ng isang lalaki na umaabot pa hanggang sa kanyang tainga.

Sa ngiti pa lang at kislap ng kanyang mga mata ay malabong hindi ko siya mamukhaan. Si Ricci ang lalaking iyon at sa kanyang harapan ay isang babaeng abot ang buhok hanggang balikat. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa puntong iyon. Yung galak ba na sa wakas nakita ko siya ulit o sakit dahil may kasama siyang iba?

Nagtagal ang pagtingin ko sa kanya kaya naman napansin ata niyang may nakatingin sa kanya di kalayuan. Agad na naputol ang ngiti niya nang magtama ang aming paningin. Hindi naman nagtagal at siya na agad ang unang umiwas at ako nama'y naglakad na papalayo sa pwesto ko kung saan kitang-kita ko ang taong matagal ko ng hinihintay.

----
Ps. Inspired kasi nakita ko ulit si Ricci 💚💚💚

One Last GlanceWhere stories live. Discover now