Nakita ko siya, oo. Pero bakit ganoon? May kasama siyang iba at ang mas nakakasakit sa pakiramdam ay yung makita siyang tumatawa at halatang masaya siya sa kasama. Hindi ko man nakita kung sino ang kanyang kasama ay halata namang maganda ito. Syempre gwapo siya malamang maganda rin ang kasama. I felt bad for assuming things na hindi naman pala dapat. It was my first time to experience this kind of feeling at feeling ko ito ang magtuturo sa akin na hindi dapat ako mag-assume ng basta basta dahil in the end, hindi naman siya ang masasaktan kundi ako. Ang mali ko lang ay hinayaan kong makapasok siya sa mundo ko.
Isang mahinang bunting hininga nalang ang pinakawalan ko at dumiretso na sa kotse. Kanina lang ay masaya akong kasama ang kapatid ko, ngayon naman parang pasan ko na ang buong mundo. Iritang-irita na nga ang kapatid ko sa akin kaya naman nanahimik nalang ako buong byahe.
Pagkarating namin sa bahay ay agad naming naabutan sina mama at papa na nakaupo sa sala na mukhang hinihintay ang pagdating namin.
"Good afternoon Pa, Ma." Bati namin sa kanila. "Good afternoon ladies."
Maawtoridad ngunit magiliw na bati sa amin ni Papa at pagngiti lang ang iginawad sa amin ni Mama. Umupo kami sa katapat na sofa at feeling ko may mahalagang sasabihin sa amin sina Papa.
"Guess alam niyo na na may sasabihin kami sa inyo." aniya.
"Yes, Pa. What is it ba?" Tanong ni Mich kay Papa.
"We are going to fly to Italy and we'll stay there for three weeks."
Aniya at hinintay ni Papa ang reaksyon naming dalawa. "Really?!" Masiglang tanong ni Mich. "Yes, darling." Sagot naman ni Mama. "Since, nakapagbakasyon kayong dalawa, we decided to have a family vacation dahil alam naming hindi na natin ito magagawa dahil nga ay simula na nang klase niyo ulit." Pagapapatuloy ni Mama. "And... we also want to take some rest. Alam niyo na, medyo tumatanda na ang papa niyo." pagsingit naman ni Papa. Napatawa ako sa sinabi ni Papa at tumamgo tango nalang sa naisip nilang family vacation namin.
Sa susunod na araw na ang alis namin dahil planado na ang lahat at natapos na ang dapat tapusing trabaho sa office nila papa. Mabuti na rin ito at may oras akong magliwaliw sa Italy. It was my dream place to visit. Ewan ko kung bakit pero naakit ako sa ganda ng mga tanawin lalo na nung napanood ko ang Letters to Juliet. Gustong-gusto kong makapunta sa Verona and of course visit Rome.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad ba akong nag-impake at nag-isip na ng mga dadalhing damit. Nakakatuwa lang dahil kagit gaano pa kabusy sina Mama at Papa sa trabaho ay hindi nila nakakalimutang may anak silang naghihintay sa kanila sa bahay. Of course, hindi naman namin sila masisis sa pagiging busy instead I admire them for raising us with love and care. Ang ibang mga magulang ay hindi na maharap ang mga anak dahil sa trabaho and I wouldn't want that to happen to me in the future. I want my child to grow in love and care gaya ng pag-aaruga sa amin nina Mama at Papa. Maraming silang ginagawa but they are trying their best to give what we need and give time for us. Yun lang naman ang gusto ko eh, yung mabigyan kami ng oras gaya nalang nito. Iniisip pa rin nila yung kung saan kami sasaya.
Yung one week na leave nila sa trabaho ay malaking kawalan na sa kanila lalo na't si Papa ang presidente ng kompanya. Mabuti nalang at mapagkakatiwalaan ang mga naiwan kaya naman panatag ang loob ni Papa na iwan ang trabaho sa mga kasamahan niya.
Naisip ko, one week din akong mawawala. So one week ko din siyang hindi makikita. I should be grateful dahil walang cocontact sakin. Kahit naman pala noong nakaraang linggo ay hindi siya nagparamdam eh, sino bang niloko ko? Eh may kausap nga siyang iba kanina.
Natawa nalang ako sa naiisip ko kaya naman ay nahiga na ako tumuloy na sa pagtulog.
Dulot ng matinding pagod ay halos hindi ko na maimulat ang aking mata sa pagring ng aking cellphone. Kinapa-kapa ko na lamang ito sa aking kamay at pagkatapos ay swinipe ang green button para marinig kung sino ang tumatawag. "Hello?" Halata sa boses ko ang irita dahil istorbo kung sino man tumawag sakin!
"Hey, I miss you." utal ng lalaki sa kabilang linya. Hindi ko nabosesan kung sino ito kaya naman pinatayan ko na siya ng telepono pero bago iyon ay sinigawan ko muna ang lalaki sa kabilang linya ng "Good Night!". Hindi ko naman siya kilala kaya good night na lang. And that I continued my sleep.
YOU ARE READING
One Last Glance
FanficIt wasn't love at first sight but she fell slowly, hard and deep. Who wouldn't? Ricci made her feel like she was the prettiest and most precious thing in this world. Will their love surpass it all? This is my first ever Fan Fiction novel so yeah, pl...