Para akong lutang habang papalabas sa huli kong klase. Unfortunately, kaklase ko na naman yung aka JB na yun. Hindi ko nga lang pinansin at baka totohanin nga ang sinabi.
"Dy... Dy.... Maddison!"
May tumatawag sa akin sa kung saan kaya napapalingon ako sa kung anong direksyon until I saw Ricci running at me. He's now wearing a green and white jersey. He looks good and athletic, even the female students are gawking at him. I can't blame them, he's a natural head turner kahit sa simpleng damit lang.
"I thought hindi na kita maaabutan."
Hingal na hingal siya at pawis na pawis.
"May practice ata kayo, bakit ka pa napunta dito?"
"I just want to make sure you're safe. I can't drive you home because of this. Coach Aldin's serious when it comes to this. Tumakas lang ako."
Nginitian ko lamang siya and tinignan ng maigi.
"You don't have to Cci, I can take care of myself, I promise. Basta huwag ka lang tatakas ulit. You can assure that dahil magkasama kami ngayon ni Mich pauwi."
I assured him with a smile. He smiled too and the worry on his face vanished after what I have said.
"Okay, take care alright? Bawi ako next time."
Tumango bilang tugon. Sa likod naman niya ay nakitang kong tinatawag na siya ni Kuya Prince.
"Sige na, tinatawag ka na ng kuya mo oh."
Sabay turo sa kuya niyang palapit na sa amin.
"Hey, good to see you Maddy."
Kuya Prince smiled at me and eyed Ricci. Nakuha ko ang tingin na iyon at saka naman umiling-iling ang ulo ni Ricci.
"You should go Cci. Sinabi ko naman diba? It's fine, really."
Tinignan niya na tila nananantya at pagkatapos ay tumango habang nakangusong tumalikod kasabay ng kanyang kapatid.
"Call you later!" Nakangiti na siya sa huling pagtitig niya sa akin kaya naman naglakad na uli ako patungo sa gate kung saan ko hihitayin ang kambal ko.
"Hi kambs!"
Masayang bati ng kapatid ko sa akin nang sa wakas ay nakarating na sa aming hintayan.
"Akala ko ba mabilis lang? You're almost thirty minutes late."
"I know, I know. May nangyari lang sa class namin kanina so medyo natagalan."
Ano naman kaya ang nangyari?
Matapos iyon ay handa na rin kaming umuwi. Mich knows how to drive kaya naman siya ang in-charge sa pag-uwi namin. Ngayon lang ito siguro sa mga susunod na araw ay hindi na dahil hindi na kami magkakasabay ng oras sa pag-uwi.
Moments later, Ricci called. Talagang tinotoo ang sinabing tatawagan ako. I wonder kung tapos na ang ensayo nila.
"Hi?" Nagtatanong kong bati.
Tumawa naman siya at saglit na nanahimik sa kabilang linya.
"Why are you uncertain of saying hi?" He asked with amusement. I pouted at the thought of that.
"Look outside your window Dy." He commanded and I immediately followed his instruction.
I saw him, wearing a white shirt and green jersey. He looked tired but relieved at the same time.
"Ohh, ba't hindi ka tumuloy?"
Ganito kaya siya everytime na may ensayo sila? Mabuti nalang at hindi siya nagkakasakit.
"I don't have to. I just came along to check if you're home safe. Dumaan lang talaga ako."
"Sure ka?"
"Yes, and gabi na Dy. Your parents would not be happy if I visit you late in the evening."
"Oo nga pala. Just rest okay? Alam kong pagod ka Cci, yun ang kailangan mo ngayon."
"Yes Ma'am!"
Iminuwestra pa niya na sumaludo sa akin. Nakakatuwa na kahit kita mo sa mukha niya ang pagod ay hindi pa rin nawawala ang ugaling niyang nakakapagpasaya sa akin.
"I'll call you when I get home."
"Sige. Take care alright?"
"Opo!"
I ended the call. He's now at his car, getting ready to go. I stared at him while waiting for him to start the engine. Minsan naiisip ko na lang na, bakit ba nakilala ko si Ricci? I get that low-profile lang ako compare sa kanya, na mas madami naman siyang pwedeng paglaanan ng oras kaysa sa akin, mas magiging okay yon diba? Hindi ko alam but I feel like, kahit na sabihin niyang gusto niya ako na he's willing to wait for me, hindi maalis sa isip ko na what if makahanap siya ng iba? Yung babaeng 'mas' pa kaysa sakin. Hindi ko ata kakayanin iyon lalo pa't unti-unti na akong nababaon sa nararamdaman ko sa kaniya.
Sa aking pag-iisip ay tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko. Mahirap isipin ngunit mas mahirap isipin na mawawala din agad sa akin si Ricci. Not now, not in this lifetime.
After an hour, Ricci called again. Ngayon naman ay facetime, I was eager to get the call at muntik pa akong mahulog sa aking kinahihigaan.
"Kararating mo palang eh, di ba sabi ko magpahinga ka na?"
Bungad ko sakanya. Kahit naman excited akong sagutin ang tawag niya, mas mahalaga pa rin na magpahinga muna siya. Di bale nang hindi ako matawagan dahil nagkikita naman kami sa school. Hindi man lagi ay ayos na iyon. I don't want to the reason why he's not focused on his sport. I know he loves basketball and it is important for him too to win this season.
"You don't have to do this Cci. Tignan mo oh! Pumipikit-pikit na yang mga mata mo."
He pouted his lips like he usually does so it backfired me again. This man really knows how to keep my attention away. Tinawanan ko naman siya at mas lalong ngumuso pa siya sa akin.
"Gusto kong makita ka, you know. I want to see you before I go to sleep."
"Nakita mo na ako. Pwede ka nang matulog"
Tatawa-tawa kong sagot sa kaniya. Ngumuso ulit siya at nagpatuloy naman ako sa pagtawa.
"Oo na. Akala ko ba may gusto ka sa akin? Parang hindi naman eh."
Tinawanan ko lang siya ulit kaya naman hindi na maipanta ang kaniyang mukha.
"I like you Ricci Paolo Rivero kaya huwag ka nang sumimangot diyan."
Ngumiti na siya ulit kaya naman nagpasiya na siyang tapusin ang tawag. He smiled and sent me a good night kiss. Ricci knows how to get a woman's heart, really.

YOU ARE READING
One Last Glance
FanfictionIt wasn't love at first sight but she fell slowly, hard and deep. Who wouldn't? Ricci made her feel like she was the prettiest and most precious thing in this world. Will their love surpass it all? This is my first ever Fan Fiction novel so yeah, pl...