Things changed in a span of two weeks. Napapadalas na yung pagtawag sakin ni Ricci, napapadalas na rin yung mga late night talks namin. Ako lang ba o talagang habang tumatagal eh mas nagiging close kami to the point na I can share him the things I don't want to share?I usually do not overthink things but when it comes to him, I just lost it. Katulad nalang nung isang gabi. He talked nonsense pero tawang tawang ako sakanya. Hindi ko na nga marinig yung boses niya kakatawa eh. I could imagine him talking and demonstrating his dance moves and I imagined him like a crazy man swirling around the street. That same night, hindi ako nakatulog.
Hey, why the hell did you not picked up your phone?" Tanong niya sa nakakairitang tono.
"Am I oblige to pick my phone up when you are calling?"
"Of course! VIP 'tong kausap mo." Pagmamayabang niya.
"Woaah there Mr. Miranda, yung hangin paki hinaan please?" at saka ako natawa sa sinabi niya. True to his words, he is really a VIP may pagkagarapal nga lang minsan."Anyway, do you mind going out?" Tanong niya. "Hmmm. No, when?" Tanong ko pabalik. "Now." Sagot naman niya. "As in right now?"
"Oo nga! Bingi ka ba?"Ano bang naisip niya at ura-urada 'to kung magyaya?
"Ahhh! Dali magbihis ka na, I'm waiting outside your house." Kalmadong sambit nito. "You're what?!" Gulat kong tanong sakanya. Hindi man lang niya sinabi, dali-dali kong sinilip sa bintana kung naroon nga siya and unfortunately, there he was leaning on his Masserati looking proud and hot on his white v-neck shirt and black cargo short. Ano ba?! Ang simple lang niyang manamit pero gwapo parin siyang tignan. At heto nanaman yung mga nagkakarerahang daga sa tiyan ko. Lately parati ko nalang tong nararamdaman at sakanya ko lang to nararanasan.
"Oh cmon Die, yung laway mo tumutulo na." Pang-aasar niya at humalakhak. Gaaad! Pati ba naman boses niya kapag tumawa nakakagwapo parin?! "Hoy wala kaya!" Pagtatanggol ko but honestly, my jaw literally dropped when I saw him waiting there."Maligo ka na nga! Mukha kang gurang!" Tatawa-tawa niyang sabi sakin. "Opo seeeeer!" Asar kong sambit bago ko inend ang call.
After an hour, I was all dressed up. Since naka shorts lang siya, nagshort na din ako, not that short-short, di naman ako kumportable don and a black tshirt. Mukha akong muchacha ni Ricci pero keri lang. As if namang may makakakilala sakin. Nagpaalam lang ako kay Mama and after that lumabas na din ako. Wala namang kaso kay Mama dahil kilala na niya si Ricci... at ang mga kuya niya.
"Alright, where to Mr.?" Tanong ko sakanya nang makasakay ako sa kanyang kotse.
"Hmmmmm" nag-isip pa siya bago niya ako bigyan ng maayos na sagot. "EK. Did you bring extra clothes?" tanong niya sa akin nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin."Nah, wala ka namang sinabi. I thought magmamalling tayo." Sabi ko.
"Sorry for that. Bale I have extra clothes naman, you can use it anyway." At ang lalaking to kumindat pa. Naman eh!
"K." ang tangi kong naisagot. Tulog ka muna kung inaantok ka. "Sige"
Kung hindi ko lang naramdaman ang gutom ko for sure hindi ako gigising but my stomach betrayed me. Pupungas-pungas pa akong nagdilat ng mata nang makita ko si Ricci na nakatingin lang sa akin. Nakangiti siya at parang tuwang-tuwa pang nakadiretso lang ang tingin sa akin.
"We're here sleeping beauty. Tara na para makakain ka na rin." Pabiro niyang yaya. "Oo na." Nakasimagot na akong naglakad papasok sa EK.
"Oh" abot niya sa hotdog na bagong luto at sa big size cup ng softdrink.
"Thanks." Pagpapasalamat ko. "No problem. Yan lang muna at baka masuka ka mamaya sa mga rides na pupuntahan natin."Mabilis lang naman kaming kumain at nagtuloy-tuloy na papuntang Rio Grande Rapids. Doon daw muna kami unang sasakay para mamaya diretso nang extreme rides. Ako naman bilang isang first timer na lumabas kasama siya, oo nalang ng oo kahit na ninenerbyos na ako sa mga susunod naming pupuntahan.
As usual, nabasa ako at tawa siya ng tawa dahil sa aming gdalawa ako lang ang halos nabasa. Hindi na nga ako makangiti dahil nagmumukha na akong basang sisiw sa daan habang naglalakad kami. Mukha akong yaya ni Ricci kaines!
"Are you enjoying Die?" galak niyang tanong sakin. "Yeah" masaya kong tugon. Parang nung una lang naiinis ako sakanya ngayon naman siya pa pala yung makakasama ko sa mga ganitong moments. Naaaah! Ang problema lang paano kung bigla akong mafall? Will he catch me? Will I be able to feel the feeling of being loved? Heto nanaman tayo, nahawa na ako sa mga nababasa kong stories.
"That's good to hear." sabi niya.Dumiretso kami sa daan patungong Anchor's Away and yeah... kinakabahan na ako, first time. Buti nalang wala akong phobia sa heights kundi kakalbuhin ko talaga 'tong Ricci na to kapag ipagpilitan niyang sasakay kami dyan.
Mabilis lang naman ang pila kaya hindi na kami gaanong naghintay. Pinili ni Ricci ang pinakadulong part ng bangka kaya naman mas doble kaba ang naramdaman ko. Nakita ko kasi yung mga mukha nung mga nauna sa amin at hindi ko iyon nagustuhan, mukha palang alam na eh."Feeling nervou?" he asked with a playful smile. "H-hindi a-ahh" pagsisinungaling ko. "Don't be. Kasama mo naman ako." sabay kindat pa. "Alright alright. I'll try not to get nervous. Bakit ba kasi sa dulo tayo? Ni wala pang kasama, lahat sila nasa gitna!" Pagmamaktol ko sakanya.
"That's why Die, minsan mo lang to mararanasan so might as well enjoy it." and gave me an assuring smile. "Oo na..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag-umpisa nang umandar ang barko. Jusko, help me G!
"Ahhhhhhhhhhh!!!!! Ayoko na waaaaaaah!!!!"
Sigaw ko habang nakapikit ako habang bumibilis at tunataas ang galaw ng barko. Sa kalagitnaan ng aking pagsigaw, naramdaman ko ang isang kamay na bunalot sa aking kanang kamay at sabay na itinaas at narinig
ang isinigaw niyang "Enjoy the ride with me Maddie, I won't let you go!"---
At last!! Hahaha hanobey parang walang patutunguhan 'tong istory ko sa totoo lang. Maraming salamat parin sa mga nagbabasa neto :*

YOU ARE READING
One Last Glance
FanfictionIt wasn't love at first sight but she fell slowly, hard and deep. Who wouldn't? Ricci made her feel like she was the prettiest and most precious thing in this world. Will their love surpass it all? This is my first ever Fan Fiction novel so yeah, pl...