Chapter 1: Unang Araw at Kaaway

1.1K 16 0
                                    

“Hoy, mga babaita! Tignan niyo ito. O ano? Gwapo niya dyan ano?”

“Ang pangit naman ng taste mo girl, eto! Diyan siya mas gwapo”

“Ano ito? Palengke? Magsitabi nga kayo dyan!”

            Ano bayan ang ingay naman nitong mga babaeng ito. Well wala naman akong magagawa basta maibenta ko lang sakanila itong mga litratong ito. Tinatanung niyo ba kung ano itong ginagawa ko? Nagbebenta ako ng pictures ng mga sikat at naggu-gwapuhang na lalaki sa buong campus, ang weird ano? Ginagawa ko to para sa budget ng photojournalist, at yung sobra saakin, syempre ah paano yung talent fee ko.

            Ipapakilala ko nga pala ang sarili ko, ako nga pala si Katherine Shiromi Damian. 4th year ako ngayon, l6 taong gulang na ako. Halos pang araw-araw ko na itong gawain, last year ko ito napag-isipan at nung nalaman kong mabenta ito sa mga babae edi ipinagpatuloy ko na.

“O wag kayo mag agawan marami pa akong mga copy dito, yung gusto pang umorder at mag request lumapit lang saakin.” sinabi ko ng buong tuwa, dagil alam kong tambak nanaman ang wallet ko.

            First day of school pala ngayon, at ang paaralang pinapasukan ko ay isang academy. At ito ang RA o Rizal Academy, sa paaralang ito may sarili ka ng dorm, sagot na ang mga pangangailangan mo, ang problema mo na lang ay ang tuition fee na sobrang napakamahal. For short halos ng mga istudyante dito ay mga anak mayaman at yung iba scholars.

“Bestfwend! Kamusta na? Ako ito si Jane” sigaw ng isang babae. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang matalik kong kaibigan, si Jane Anne Liza. Matagal namin kilala ang isa’t-isa simula noong nakilala ko siya sa isang C.R sa pinapasukan namin noong elementarya palang kami. Nakakatawa ano? Pero totoo, sa C.R talaga.

“Jane! Halla kamusta na? Buti magkaklase tayo.” Sigawan namin sa isa’t-isa, e anong magagawa ko? E hindi nga kami magkamayaw sa ingay ng mga customer ko.

“Mabuti naman at balik negosyo ka na ulit bestfwend, speaking of business, may litrato ka ba ni crush?” kinikilig niyang sinabi. Siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit bestfwend? Kung kilala niyo si tweety-bird favortite cartoon character namin iyon kaya naman kahit mga salita niya ginagaya namin.

“Syempre meron ako, pero hindi libre ha?” nginitian ko siya at parang inaasar sa sinabi ko. About my business, she’s the one who actually the mastermind ng ginagawa ko ngayon siya po kasi ang parang namumuno saaming mga photojournalist.

“Grabe ka naman, o sige na nga pero may discount ako ha?” pagmamakaawa niya.

Tapos nagbuntong hininga ako at pabiro kong sinabing “Ano pa bang magagawa ko.”

Tumunog na ang bell na nagsasabing magsisimula na ang klase. Bumalik narin kami ni Jane sa upuan naming dalawa, magkatabi kami at dahil duon kahit papaano kumportable ako kasi alam naman natin na nakakakaba din ang mga “first day of schools”. Dumating na ang aming guro, at laking gulat namin lahat dahil nag-uumapaw ang kagwapuhan ng batang-batang guro. Nagtilihan ang mga babae, pero ang mga lalaki ala lang, syempre magulat ka kung may lalaking tumili.

            Tumingin ako sa katabi at syempre sino pa ba edi si Jane. Nasa gawing gitna ang llugar namin ni Jane, siya ang nasa kaliwa ko pero sa gawing kanan, walang tao nakabakante. So ganon? Walang may gustong tumabi saakin?

            “Maaari ba kayong tumahimik, aking mahal na mag-aaral.” sabi ng guro. “Siguro alam niyo na ang laging ginagawa tuwing first day? Halos parang tradisyon na nga e. At iyon ay ang pagpapakilala ninyo isa-isa sa harapan. Mauuna na ako ako nga pala si Ludwig Reymark, 25 taong gulang pwede na ata iyon? O kayo naman simula sa harapan hanggang likod.”

            Grabe parang pari naman kung magsalita ang isang ito, ang hinhin pero pangalan palang gwapo na idagdag mo pa yung panglabas niya. Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala, mayroong saglit na katahimikan ang naganap sa loob ng klase.

            “Mga bata 40 kayo sa loob ng klase diba?” pinagbilang niya kami at napag-alaman nmin na 39 lang kami. Nagtanong-tanong si sir saamin, kung sino pero walang sumasagot. Ngunit nawala ang katahimikan ng may biglang nagbukas ng pinto at bumulaga ang isang lalaking pagod na pagod at halatang tumakbo.

            “Sir sorry I’m may I come in?” hingal na hingal niyang sinabi sa tapat ng pintuan.

            “O sige pumasok ka na at magpakilala.” Sagot ni Sir Mark.

            “Ako nga pala si Alfred Kuroji Gomez, sana magkasundo tayong lahat.” sabay ngiti.

            “O sige Alfred duon ka na sa bakanteng upuan sa tabi ni miss Damian.” sabay turo sa akin. Teka? Bakit sa tab ko pa?

            “Sir! Bakit naman sa tabi ko pa?” pagrereklamo ko.

            “Is there a problem miss Damian?” tanong ni sir Mark.

            “Oo nga, besides your face what’s your problem?” sabad nung na-late kanina. Ano ulit pangalan niya? Alfred? Oo tama Alfred nga.

            “Anung sinabi mo? For your information I don’t have any problem wit my beautiful face, because everyone’s use to it. How about you, besides your demonic handsome face what’s your problem?” pang-aasar ko sakanya. Akalain mo laitin pa daw ba ako?

            “Pwes, hindi ako kokontra jan gwapo naman talaga e. Pssh kay gandang dalaga tomboy naman pala.” pagmamayabang niya.

            “Tomboy? Ako tomboy? Ang kapal mo din ano? Kung tomboy ako pwes bakla ka!” sagot ko. Oo aaminin ko gwapo siya, pero ang sama ng ugali niya!

            Babanat pa sana siya dahil napikon ata duon sa pagtawag ko sakanya ng bakla.        

“Mga bata tama na nga yan, Mr. Gomez umupo ka na sa tabi niya, mag-uumpisa na ang klase.” pag-awat saamin ni sir. Sa huli sinunod ni Alfred ang utos at umupo. Pagkaupo niya ay tumingin siya saakin na para bang papatayin niya ako, at dahil duon kinilabutan ako.

            “Hoy tomboy, kahit papaano nakakatuwa ka din.” pabulong niyang sinabi sabay ngiti ng mala-demonyo. Kakatakot siya grabe ang weird, at syempre hindi ako basta-basta magpapatalo.

            “Talaga lang ha? E ikaw nga ang mukhang piyero sa circus e.” Sinabi ko iyon at napakunot noo si Alfred sabay tingin sa harap. Sa totoo lang ang awkward na tuloy, tumahimik siya bigla. Pero may masama akong nararamdaman e, dahil hanggang ngayon kinikilabutan pa ako.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon