Chapter 4: Canvas

481 12 1
                                    

Katherine POV

            Nandito ako ngayon kasama ang kuya ko naglalakad papuntang eskwelahan, ang pangalan ng heart-throb kung kuya ay Derick Midori Damian. Napapansin kong kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao, sanay na ako dahil hindi rin naman maiiwasan ang naggagandahan at naggugwapuhang lahi naming mga Damian.

            “Girl, tignan mo iyon o si Derick” sabay tili.

            “Oo nga, pero sino yung kasama niya? Girlfriend niya? Naku mabubugbog ko yang babaeng iyan! Inagaw niya ang pinapangarap ko!”

            “Boba ka ba girl? E kapatid niya yan.”

            “Weh? E parang magjowa lang sila.”

            “Sandali lang ha? Kuha ako tissue.”

            “Para saan?”

            “Sa laway mo, ayan o yuck! Ayan kasi masyado mong pinagnanasaan.”

            Natatawa ako sa sinabi ng babae kanina, tinignan ko din ang kuya ko at parang nagpipigil din siya ng tawa. Hindi na namin pinansin ang nangyari at dumiretso na kami. Napadaan kami sa gym ng RA, at nakita kong may kasama si Glenn na babae. Kung iniisip niyo na nagseselos ako, pwes opo nagseselos ako. Pinauna ko na ang kuya ko, at gagawin ko ang daily routine ko.

            Aaminin ko sa inyo, laging may mga babae ang nagtatapat kay Glenn. Kaya mayroon akong naging habit na sundan sila at makinig. Pero sa dinami dami ng mga babaeng nagtatapat sa kaniya, wala siyang sinagot ni isa. Saka ang weird din no! Babae ang nangliligaw.

            Nagpunta sila sa likod ng gym at nandito ako sa likod ng puno nakikinig. Pero biglang may parang bumubulong sa likod ko.

            “Psst, ano ginagawa mo?”

            “S-sino ka?” kinakabahan kong sinabi.

            “Ewan ko, hulaan mo.”

            Tumingin ako sa likod ko at nakakita ako ng isang demonyo! Halos mapasigaw ako pero tinakpan niya ang bibig ko. Ang lapit ng muka niya saakin, nakatitig ang mga nakakakilabot niyang mata saakin, pero alam ko naman na hindi niya ako sasaktan. Opo kilala niyo siya, sino pa ba ang may gwapong malademonyong ngiti, at mata? Edi si Alfred.

            “Shh! Wag ka maingay maririnig ka nila.” Pabulong niyang sinabi.

            “Sino bang hindi mapapasigaw sa ginagawa mo?”

            “Sorry naman, so anong ginagawa mo dito? May first subject pa tayo.”

            “Ayun o tigan mo iyon.” Sabay turo ko kila Glenn.

            Nakikinig kaming dalawa sa pinag-uusapan nila at wala ngang duda, nagtatapat yung babae ng kanyang nararamdaman. Pero mauuwi din ang bagay na ito sa pagkadismaya.

            “Patawad pero, may nagugustuhan na akong iba.”

            “G-Ganon ba? P-pasensya na kung naabala kita.” Umalis yung babae at alam kong nasaktan siya duon. Tumulo ang mga luha sakanyang mga mata. Kahit ako masasaktan din ako dahil may gustong iba ang taong minamahal mo diba?

            “Shiromi, may gusto ka ba kay Glenn?” tanong ni Alfred.

            “Paano mo nalaman?”

            “Anu pa ba ang dahilan mo kaya ka nandito diba?”

            “Oo na nahuli mo na ako, oo tama ka may gusto ako kay Glenn. Pero natatakot akong sabihin na mahal ko siya, kasi baka tanggihan niya din ako tulad ng iba. At ang masama masisira ang pagkakaibigan naming dalawa.”

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon