Chapter 8: Secret

411 7 1
                                    

Dumaan ang mga ilang araw, at buwan. Lumipas na ang pasko at bagong taon. Ngayon malapit na ang Valentines. Marami na ang naghahanda para sa JS, ang theme ay masquerade. Sosyal lahat kami ay busy dahil inaayos namin ang gym ng school dahil dito gaganapin ang JS. Medyo malaki kaya ang hirap, maganda ang mga naging decorations at halatang pangmayaman.

            Hindi makapagpraktis ang basketball club dahil dito kaya tumulong nalang sila sa pag-aayos, ako naman kaysa sa mapagod mayroon akong parang pampagana.

            “Kat-kat, eto pa o. Kung pagod ka na sabihin mo lang tutulungan kita diya.”

            “Asus! Kaya ko pa naman wag ka mag-alala hindi pa ako pagod.”

            “Ikaw bahala, sige ihatid ko lang itong mga karton duon sa iba babalik din ako.” umalis na siya daladala ang mabibigat na karton. Tinitignan ko palang siya habang papalayo, nalulungkot ako. Kung sabihin ko na kaya ang nararamdaman ko? Nakikita ko siya ngayon, nakangiti sa ibang babae. Siguro nga selos itong nararamdaman ko. Bakit hindi ko pa kasi masabi? Bakit ba kasi natatakot ako?

            “Shiromi! Gawin mo nga itong nandito!” sigaw ni Alfred.

            “Ha? Bakit ako naman ang gagawa diyan? Atsaka pagod na ako!” pagrereklamo ko naman.

            “Sus! Pagod daw, e kanina nga kung anu-ano ang mga sinasabi nung nandito si Glenn.”

            “Wala ka ng pakielam duon.” sabay dila.

            “Kaya ko pa naman ito wag ka mag-alala hindi pa ako pagod.” panggagaya niya saakin na tila bang nang-aasar.

            “Che! Magtrabaho ka nga!” sabay naglakad papalayo sakanya.

            Nakakaasar talaga yung lalaking iyon. Minsan mabait,at minsan mapangloko! Hindi ko minsan maintindihan si Alfred. Pero hindi ko itatanging masaya ako kapag kasama ko siya.

            “Bestfwend, juice gusto mo? Nauhaw ako kanina, e naisip kita bumili narin ako.”

            “Talaga bestfwend? Para saakin ito? Ang bait mo talaga, salamat!” sabay hinalikan sa pisngi at inakap.

            Bubuksan ko palang sana ang takip ng bote ng juice ng nakita kong may kasama nanamang babae si Glenn. Hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na sundan sila sakanilang pupuntahan, hula ko manliligaw ni Glenn ito. Lagi naman e, pang-ilan na kaya ito? Hahah talagang binilang ano?

            Sinundan ko sila hanggang sa hallway papuntang second floor ng 3rd year student’s building. Medyo may kalayuan sa gym pero kinaya ng powers ko, sa hindi malamang dahilan. Bakit nga ba kalayo ang pinagdalhan ng babaeng ito kay Glenn? Gaano ba kaimportante ito? E tatanggihan din naman siya.

            “Glenn, ang totoo kasi kung bakit kita dinala dito ay-----“

            “Mahal mo ako? May gusto ka saakin? O may utang ako sayo?”

            “M-may gusto ako sayo. Kaya nan dito ako ngayon para ipagtapat ko sayo ang nararamdaman ko at-----” hindi naituloy ng babae ang kanyang sinasabi dahil biglang sumabad si Glenn

            “Diba 1st year ka pa lang? Ang bata mo naman ata para sa ganito?” pagtatanong niya sa babae.

            “Anung first year? Third year na ako no! Hindi mo ba nahalatang nasa 3rd year’s building tayo ngayon? Saka hindi mo naman ako kilala para malaman mong first year lang ako, hindi ko naman dala I.D ko kaya hindi mo rin malalaman!” sagot niya

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon